Chapter 4

12 1 2
                                    

ₓ˚. ୭ ˚○◦˚.˚◦○˚ ୧ .˚ₓ

Ang kulay kahel na langit mula sa pagbaba ng araw ay unti-unti nang napapalitan ng madilim na asul. Nag-aagaw dilim na at maririnig mo na rin ang mga kuliglig. Puro mga damo at malalaking puno na lamang ang masisilayan sa parteng ito ng Anarosa.

Kahit pa alas sais pa lang, wala nang masyadong mga tao at tahimik na ang paligid. Hindi pa rin naaabot ng kuryente ang parte na ito sa sobrang liblib kaya mga lampara at mga kandila lamang sa mga tahanan ang tanging ilaw na gumagabay sa amin.

Ibang-iba ang nightlife sa syudad. Kahit na hating gabi ay puno pa rin ang kalsada. Maririnig ang tunog ng mga sasakyan, mga taong nagsisiyahan sa night market, at mayroon pang mga nag-l-late night walk. Pero sabagay, mukhang nasa gitna na nga kami ng gubat. Ang weird naman siguro kung may mag late night walk pa rito.

"Malapit na tayo." Ani Sheena.

Tahimik kaming naglalakad patungo sa maliit na kubo nang biglang may tumalon mula sa talahib sa aming likuran.

Alam kong hindi ako gaanong nagpapaniwala sa mga multo pero sa mga ganitong sitwasyon, kahit mga Atheist, mapapadasal.

meow

Tinignan ko nang maayos ang kung anong nanggaling sa halaman. Nawala ang kaba sa along dibdib nang mapagtanto ko kung ano ito.

Isa pa lang pusang itim! Gusto ko iuwi bigla.

Tinitigan muna kami ng pusa bago ito dumeretsong maglakad na para bang pinapasunod kami nito sa kaniya.

Tumigil kami sa isang maliit na kubo. Maraming nakatanim sa paligid nito na mga halamang gamot. May maliit na silong sa harap ng kubo at may mesang gawa sa kawayan. Ang creepy dahil may mga kung anong nakasabit sa paligid. Iba't ibang klaseng mga pinatuyong halamang gamit at mga bagay na 'di pamilyar sa akin.

"May nakatira pa pala rito?" Medyo kabado kong tanong kay Sheena.

"Siguro, baka nanguha lang ng mga halamang gamot." Hindi rin siguradong saad ni Sheena.

"Tao po," kumatok ako sa pintuan na gawa rin sa kawayan at saka inilibot ang tingin sa paligid. Nag-iisa lang ang bahay na ito sa gitna ng mga kakahuyan. May batis sa hindi kalayuan. Napansin ko iyon dahil nakita ko ang repleksyon ng buwan sa tubig.

Oo, maaga pa lang ngunit sinakop na agad ng kadiliman ang lugar na ito.

"Tao p- ay, pusang kinalbo!" Hayop naman. Ang pusa na 'to ata ang papatay sa'kin.

meow

Tumalon ito galing sa bubong na gawa sa pawid 

"Mabuti naman ay tao." Napalingon kami sa pinagmulan ng boses.

Bumungad sa'min ang isang bulto ng matandang babae. Mukhang 60 years old na siya at nakukuba na rin dahil sa katandaan. Ang kaniyang buhok ay tuwid at kulay puti na hanggang bewang na halatang bakas na rin ng katandaan. Naka suot siya ng mahabang bestidang itim at may balabal.

"Mabuti naman at ginabayan mo ang ating mga bisita. Marami nang nawala papunta rito. Marahil ay naligaw." Kinakausap niya ang pusang itim na ngayon ay nasa ibabaw na ng mesa.

Bigla siyang tumingin sa'min. "Gabi na mga hija. Bakit at naparito kayo nang ganitong oras? Delikado." Kahit na parang pag-aalala ang mga binitawan niyang mga salita, nagtunog itong pagbabanta.

"Ah, eh... Hinahanap po kasi namin ang kaibigan namin. Baka nagtungo po rito." Nag-aalangan kong wika. Baka isipin ng matanda na pinagbibintangan namin siya.

"Hmm, bagong salta." Binigyan niya 'ko ng isang mainit na ngiti. Mukhang sarcastic naman siya.

Iniba naman agad ni Sheena ang topic dahil sa sobrang kaba at para makauwi na kami. "Babae, hindi katangkaran, kayumanggi ang balat, at hanggang balikat ang itim na buhok. May nakita po ba kayo?"

"Rachel, her name's Rachel." Hindi ko alam kung bakit ko binanggit 'yung pangalan niya kahit halata namang hindi ito makatutulong.

Napaigtad kami nang biglang humalakhak ang matanda. P'wede na 'tong villain, ha. Maleficent ka, girl?

"Umuwi na kayo. Wala kayong mapapala sa pagpunta niyo rito." At dali-dali siyang pumasok sa loob ng bahay niya. Ang layo ng nilakad namin para sa ganito?

Napalingon sa'kin si Sheena na mukhang hindi rin tanggap ang narinig. Sinundan niya agad papasok sa kubo ang matanda.

"Hindi p'wede. Ang layo ng nilakbay namin para rito?" Inis na wika ni Sheena.

"Hindi ko na iyon kasalanan. At bakit ba rito kayo nagtungo?" Kinabahan naman agad kami. Baka gawin niya kaming ipis.

"Umuwi na tayo, gaga ka." Bulong ko kay Sheena.

"Umalis na kayo rito habang maaga pa. Kung ang paglalakad ang pinoproblema niyo, may nakaabang na sa inyo sa labas ng gubat na ito." Nagtaka naman kami ngunit, binilisan pa rin namin ang lakad patungo sa labas ng masukal na gubat na 'yon.

Totoo nga. May pedicab na nakaabang sa'min. Binilisan namin ang pagsakay sa sobrang takot sa lugar na iyon.

"Uhm, Manong. Can you drive us sa mismong house namin?" Hindi sumagot ang driver. Baka naman bawal mag-ingay? May naglilista ba ng noisy?

"Sabi ko nga, sa bukana na lang ng barrio. Nag-abang na nga kayo para sa'min, sino kami para mag-demand, diba?" Binaling ko ang tingin ko kay Sheena nang napansin kong ako lang ang nagsasalita.

Kahit na madilim na ang paligid, napansin ko pa rin ang pamumutla niya. Baka may sakit siya o kaya, nahihilo. Wala pa kasi kaming kinain mula kaninang tanghali.

Tumahimik na lang ako hanggang sa makarating kami sa bukana ng barrio.

Pagkababa namin ay naghanap agad ako ng barya sa shoulder bag ko. Nang makadukot na ko, nagulat ako nang may nagsalita sa harap namin.

"Hoy, mga ineng. Gabi na, ah? Bakit nag-gagala pa rin kayo rito sa labas?" Sita sa'min ng isang lalaki na naka-uniporme pa ng barangay at may hawak na batuta. Mukhang tanod na naka-duty. Kahit ba rito may curfew rin?

"Ay, palaka— good evening po! Saglit lang po," tumalikod ako para magbayad kay manong ngunit, nanigas ako sa aking kinatatayuan nang walang pedicab sa likod namin. Ano 'yon? Free?

"Anong saglit, saglit? Umuwi na kayo." Nananakot na wika ng tanod.

"Nakita niyo po ba si manong? Sayang naman 'tong pamasahe." Takang tanong ko sa tanod.

"Huh? Eh, kayo lang ang nakatayo riyan sa gilid ng kalsada, kaya ko nga kayo sinita. 'Wag ka nang gumawa ng rason diyan, neng kung ayaw niyong sa barangay matulog." Nagtataka ring wika ng tanod.

Napatingin ako kay Sheena at nakita kong putlang putla na talaga siya. Mukhang hindi dahil sa gutom, kundi sa takot!

So, anong sinakyan namin? Sino nga bang tanga ang hindi magtataka kung bakit may pedicab sa gitna ng kagubatan at hating gabi pa!

"Putang ina ka, takbo!" Sigaw ko sa kaniya sabay takbo nang mabilis pauwi.

ₓ˚. ୭ ˚○◦˚.˚◦○˚ ୧ .˚ₓ

I Can Sea YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon