Chapter 1

30 1 1
                                    

ₓ˚. ୭ ˚○◦˚.˚◦○˚ ୧ .˚ₓ


Kulay kahel na ang langit na tanda na papalubog na ang araw. Unti-unti na ring kumakalma ang bawat paghampas ng alon sa dalampasigan.

Madilim na ngunit nagbibigay din naman  ng liwanag ang mga bahay na bukas na ang ilaw. Hindi na inabot ng kuryente ang lugar na ito kaya mula sa araw ang ginagamit nilang enerhiya. Gawa sa kawayan at pawid ang mga bahay at mangilan-ngilan lang ang mga may yero. 

Nagkukumpulan ang mga tao na tila ba ay may komosyon na nangyayari. Mga mangingisda, mga babae na mukhang asawa nila, at napansin ko ring may mga ka-edad pala ako rito. Hindi ako naman pala ako mababagot dito, unless mga suplada sila.

"Ano raw? Kagabi pa nawawala?"

"Sino?"

"Ang anak na dalagita raw ni mang Karding." Rinig kong pag-uusap ng dalawang ale.

What?! Kahit sa isla may mga kidnapping cases? Hindi talaga ako makapaniwala, kaya naman mas lalo pa 'kong lumapit sa kumpulan.

"Wala naman nang bago. Tuwing ika-labing tatlong araw ng bawat buwan ay may nawawalang mga dalaga." Wika ng isa sa mga babaeng ka-edad ko lang siguro. May katabi siyang babae na may katamtamang haba ang buhok. Ang nauna nama'y mayroong maiksing buhok at may pagka-morena. I love her complexion, OMG! I should get a tan tomorrow. Pero wait, it's March 14 today..., So it's really true, I guess.

Lumapit ako sa naunang babae at agad na nagtanong. "Kilala niyo ba 'yon?" Tukoy ko sa dalagang pinag-uusapan ng mga residente.

Mukhang nagulat sila— anong nagulat Sirene? Of course! Siguro nagtataka sila dahil may bagong mukhang biglang kumausap sa kanila. Pero I think, they're just mesmerized by my beauty.

"Okay, I'll give you a chance to appreciate my gorgeous face later, but please answer my question. I'm just new here." Pagkatapos ay ngumiti ako't kinurap-kurap ang aking mga mata. Baka  mabihag sila sa pagiging cute ko.


"I'm Sirene, by the way." Nag-abot ako ng kamay upang makipag-kilala. Ang rude naman kasi kung bigla-bigla na lang makiki-chismis ang isang stranger na tulad ko.

Nang makabawi sa gulat ay tinanggap nila ang aking kamay. "Ako si Rachel." Ani ng babaeng may maiksing buhok na morena. I so love her skin!

"Uhh, ako si Sheena." Mahinang pakilala niya. Mukhang hindi siya makabasag-pinggan. May bangs siya at may salamin. Uso rin kaya ang K-pop dito sa isla? 

"Shyla,"

Nagtaka ako bigla sa binanggit niya. Umubo muna siya bago ipagpatuloy ang sasabihin. "Si Shyla, kaibigan namin siya. Siya ang nawawalang anak ni mang Karding." May bahid ng lungkot ang kaniyang boses.

"Isang beses sa isang buwan lang ito nangyayari rati ngunit ngayon, halos linggo-linggo na." Ani Rachel.

Napasinghap ako sa narinig. That's alarming! Narinig ko rin sa isang ale kanina na lagpas dalawampu na ang mga nawala at hindi pa nakababalik. Sinubukan ba nilang i-report ito sa mga pulis?

"Kung ang pagrereport sa pulis ang iniisip mo, maraming beses nang sinubukan 'yan ng mga pamilya ng nawalan. Ngunit, bulok talaga ang sistema dahil kailanman ay hindi sila tumulong." Malumanay ngunit may galit ang boses ni Sheena.

Sometimes, the government really just serves for the upperclass.


"Tinatawanan lang ng mga pulis ang mga magulang o kaanak ng mga nawawala. Kahit ang kapitan ay walang aksyon na ginagawa o kahit sa pagtulong man lang sa paghahanap. Ani pa nila ay baka nakipagtanan lang ang mga dalagang nawawala sa mga mayayamang lalaki upang maka-angat sa buhay." Inis na wika ni Rachel.

"What? Tanga nila, ha? Masyadong liblib ang isla na ito sa kabihasnan! Saan naman sila nakipag-tanan? Sa mga shokoy?" Napa-padyak ako sa inis. Akala ko sa syudad lang may mga gan'tong klase ng pamamahala. Kahit sa mga kasuluksulukan o kahit liblib pa na mga lugar ay may mga kaso pa ring gan'to. Ang mga demonyo talaga, walang pinipiling lugar. Napailing na lamang ako sa pag-iisip ng mga kaganapan.

Lumapit pa ako lalo sa kawawang mangingisda na tumatangis habang nagku-kwento tungkol sa kung gaano kabuti ang kaniyang anak.

"Kawawa naman si mang Karding pero sa tingin ko, kasalanan din yan ng anak niya." Ani ng matandang babae. Puti na ang buhok nito at kulubot na rin ang balat. Bilib naman ako rito kay lola, nakaka-tsismis pa rin! Go get it, girl!

"Po? Bakit naman, nay?"

"Humiling kasi siya. Hindi ko ba alam at bakit gustong gusto nila iyon." Dismayadong saad ni lola.

"Hindi na dapat pa silang humiling. Nakuntento nalang dapat sila." Napahawak ako sa aking dibdib nang bigla siyang tumingin sa akin na para bang matagal na niyang alam na nakikinig ako sa usapan nila.

Nabuking naman na ako kaya susulitin ko na. Pilit kong hinila ang mga dala kong maleta at bagahe patungo sa pwesto ni lola.

"Hindi ka dapat nakinig sa usapan nang may usapan," striktong saad ni lola.

"Chill ka lang po, la. Baka magka-wrinkles ka niyan, fresh ka pa naman. Hehe," biro ko sa kaniya para ibsan ang kabang nararamdaman.

"Mabuti pa't umuwi ka na sa inyo. Mukhang dayo ka pa naman at baka paglaruan ka ng mga elemento rito sa iyong daan pauwi." Putang ina! Uso pa rin pala ang mga engkanto? Hindi pa 'ko nakarerecover sa huli niyang sinabi ngunit may winika na naman siya.

"Kuryosidad ang magpapahamak sa'yo, Ysla." What? Nani? Ano? Pano niya nalaman ang pangalan ko?

"Kung may hinihiling sila, ibig sabihin ay may tumutupad sa kanilang mga kahilingan. Sino iyon?" Buong tapang kong saad. Bahala na. Hindi ako lalong makatutulog mamaya kung may mga tanong ako sa isipang hindi pa nasasagot.


Napangisi si lola at parang kulit na kulit na siya sa'kin. Bigla na lamang nag-iba ang kaniyang awra at ito ay naging nakakatakot na para bang nagbababala. Sinabayan ko ang intensidad ng kaniyang tingin at hindi ako nagpatalo.

Tumango muna siya ng dalawang beses at saka sinabi ang pangalang parang hindi ko yata dapat maaaring marinig dahil nagdala ito ng kilabot sa akin.

"Si Diwa."

ₓ˚. ୭ ˚○◦˚.˚◦○˚ ୧ .˚ₓ

I'm so sorry kung may mga errors man. Sabaw na sabaw na 'ko HAHAHAHAHAHA I'll just edit this tomorrow nalang. Laham q kayo! <3

I Can Sea YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon