Chapter 2

15 1 0
                                    

ₓ˚. ୭ ˚○◦˚.˚◦○˚ ୧ .˚ₓ

"Diwa..."

Kailan kaya ako dadalawin ng antok?

Napalingon ako sa orasan na nasa taas lamang ng TV ko rito sa kwarto. Mas lalo akong nabuhayan nang makita kong alas dos na! So, you're telling me na 3 hours na 'kong nakatulala?

Wala kang insomnia, Sirene! Natulog ka lang kaninang hapon kaya mulat ka ngayon.

Bigla kong naramdaman ang lamig ng simoy ng hangin kaya napatingin ako sa balcony. Sumasayaw sa hangin ang mga puting kurtina na naka kabit sa malaki kong sliding door.

The good thing about living near the sea is, hindi mo na kailangan ng aircon. You can just open your windows. Wala naman sigurong akyat bahay rito?

Ugh, hindi talaga ako makatulog! Actually, tatlong araw na simula nang malaman ko ang tungkol kay Diwa at ni isang beses ay hindi 'yon nawala sa aking isipan.

Is she really true, though? Or maybe it's just some creepy urban legend that was made to scare the children? But, what if it's true?

Kailangan kong tuklasin ito at patutunayan kong hindi totoo ang mga sirena. To end my mom's illusions. But for now, I need to sleep.

My mom would always tell me stories about my lola. How her childhood went and how awesome lola was. Paulit-ulit na lang, it became bed time stories. I'm not complaining, though. My childhood was amazing because of those.

I've always adored my lola so much. I've always imagine her as someone who's magical when I was a kid. Syempre, hindi mawawala ang mga kuwento tungkol sa mga sirena. Stories about mermaids were my favorite back then. I would always tell those stories to my classmates, but they bullied me and said that I was delusional! From that day and  as I grow older, unti-unti kong nare-realize na isa lamang itong malaking kahibangan.

Hindi ko alam dahil hanggang ngayon, baliw na baliw pa rin sila sa mga kuwento. Sa tingin ko, bukod sa bakasyon, nagpunta kami sa isla na ito because of their fantasies.

Tuwing sinisilayan ko ang karagatan, nakikita ko ito bilang isang obra maestra. Mula sa mga alon na dinala ng sariwang hangin, hanggang sa repleksyon ng gintong sinag ng araw sa tubig na kumikinang. Sinasalamin nito ang paglubog at pagsikat ng araw na isa sa mga pinaka paborito kong oras. Bukod sa nakikita ng mga mata, paborito ko rin ang musika ng dagat. Ang tunog ng alon sa pagdating nito sa dalampasigan na para bang niyayaya kang magtampisaw.

Nagising ako dahil sa amoy ng bagong lutong sinangag. Napaka-sarap nito lalo na kung ipapares sa tuyo! Bihira na lamang akong makatikim nito sa syudad dahil walang nagluluto para sa akin.

My parents are busy because of work. My mom is a philanthropist. That's why, kung saan saan siya lagi napapadpad para mag volunteer. She also has projects that helps the environment. On the other hand, my father handles our firm. He's a lawyer kaya he's always not at home. I'm proud, though. Hindi siya nagpapasilaw sa kapangyarihan ng mga nakatataas.

Of course, they considered getting a househelper, but I declined. I'm already 18! I can manage myself. Independent ako, no! Pero kailangan ko pa rin ng pera, so am I independent or not? Bahala na. Basta, I'm a strong independent woman.

Dali-dali akong nagpunta sa banyo para maligo at bumaba na sa kusina. Bukod sa sinangag at tuyo, the kitchen welcomed me with the smell of kapeng barako that is the favorite drink of my dad. When I arrived at the kitchen, humihigop na siya ng kape habang nagbabasa ng mga bagong balita sa dyaryo sa dulo ng mesa namin na gawa sa Narra. As a lawyer, he needs to be updated. Like me, hindi ako mapalagay kapag hindi ako nakabubukas ng social media accounts. Aside from the news, I don't want to miss some tea, no!

Syempre, if you're thinking of a peaceful way of eating in an island while looking at the sea, that will not happen. Bukod sa musika ng mga alon, nakikisabay ang pag-rap ng nanay ko habang naghahain.

"Ysla Sirene! Ang aga-aga, kaya ayaw kong magbunganga pero pinapasakit mo talaga ang ulo ko." Inalo naman siya agad ni dad.

"I know, mom. I'm sorry, okay?" Buti naman hindi na siya nag-rap. Malagpasan pa niya si Eminem sa sobrang galing. Marupok din kasi siya pagdating kay daddy. Nakakasuka.

Madilim na kasi nang maka-uwi ako noong isang araw dahil sa kaka-tsismis! Buti raw sana kung matagal na kami rito. Bukod sa madilim na, ay baka maligaw raw ako, that I clearly doubt.

Kilala ang pamilya namin sa isla na ito dahil dito tumira ang Lola at ang bahay na tinitirhan namin dito ay ipinamana sa kaniya ng kaniyang mga magulang. Nang magbakasyon pala sila rito noon ay dati nang nakatira rito ang aming mga ninuno. Buti na lang walang nagpaparamdam sa'kin. Gosh, thinking about it, creeps me out.

After eating, tumulong ako sa pagligpit ng mga pinagkainan. Kailangan din ng bakasyon ng pagiging pabigat ko.

I planned the things that I will do for the whole day. Ngunit, kahit na anong isipin kong adventurous things, napapadpad ang isipan ko sa pagtuklas ng misteryo ng Anarosa.

Alam ko na! Pupuntahan ko sina Sheena at Rachel mamaya. Bukod sa pakikipag kaibigan, may iba pa akong agenda, at ito ang pagkalap ng mga impormasyon, in other word, chika ulit.

"Mom, dad! Diyan lang ako sa kapitbahay! Baka hindi ako maka-uwi hanggang mamaya dahil makikikain na rin ako sa bahay ng mga newfound friends ko." I know, nakakahiya pero because of this, makaka-usap ko rin ang mga parents nila na for sure, may alam sa kaganapan.

Patalon-talon pa 'ko habang papunta sa kabilang dako ng dalampasigan kung saan matatagpuan ang bahay nila Rachel.

Sa dalampasigan na lang ako dadaan para mabilis. Ang hassle naman kung dadaan pa 'ko sa gubat.

Ngunit, bago pa ako makarating sa kabilang dako, may panibagong kumpulan na naman malapit sa daungan ng mga bangka.

Hay, akala ko sa BGC lang maraming events. Dito, inaraw-araw.

ₓ˚. ୭ ˚○◦˚.˚◦○˚ ୧ .˚ₓ

Thank you sa mga nagt-tiyagang magbasa ng story ko AHHAHAHAHA I'm sorry if super tagal ng update. I'll edit this tomorrow. Sisikapin ko nang mag-update every day or every other day. :*

I Can Sea YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon