Prologue

32 2 2
                                    

"Let the sea, set you free."

ₓ˚. ୭ ˚○◦˚.˚◦○˚ ୧ .˚ₓ

Alas singko ng hapon. Ang pinakapaborito kong oras sa buong araw. Mas higit mong masisilayan ang kariktan ng ginintuang oras kung ikaw ay nasa karagatan. Mula sa langit na nagkukulay rosas at kahel dahil sa paglubog ng araw, hanggang sa tubig ng dagat na sumasalamin sa alapaap. Tila bang ipininta ito ng isa sa mga pinakatanyag na pintor sa daigdig.

Malamig ang simoy ng hangin na tumatama sa aking mukha sapagkat dapit hapon na. Nililipad nito ang aking mahaba't maitim na buhok na may natural na alon. Sumasayaw rin sa hangin ang dulo ng aking puting bestida.

Habang pinagmamasdan ang kapaligiran, nararamdaman ko na ang pahinga mula sa nakapapagod na syudad.

Kahit nasa dulo na ng mini yacht ay rinig ko pa rin ang mga tawanan na nagmumula sa loob. Mas ninanais kong mapag-isa rito kaysa makipaghalubilo sa mga kaibigan ng aking pamilya. Nakakangalay ring pumeke ng ngiti magdamag, no?

"Ysla Sirene!" Napalingon ako nang marinig ko ang aking pangalan. I super hate that name and si mommy lang ang tumatawag noon sa akin!

"Mom," wika ko na may tunog ng pagbabanta.

"Alright, I will zip my mouth na." Ngumiti siya at umaktong sinasarado ang mga labi.

"Get your luggages. Malapit na tayo sa Anarosa. Don't be stubborn. We're here for a vacation and not to be stressed." Mom said.

"By myself? I literally have 5 luggages! Bakit ba kasi you didn't bring nanay Sita with us?" Iniisip ko pa lang na bibitbitin ko ang lima kong maleta ay parang mahihimatay na ako. Don't judge me. I need various outfits for Instagram, okay?

"She's been with us for all your life and she deserves to have a vacation too with her family. Hindi pwedeng habang buhay ka nalang aasa. And why did you bring that many luggages? It's your—" she was cut off by my dad.

"Sirena, love, hayaan mo na. As you said, we're here for a vacation. Don't stress yourself too much." Dad said.

"But, Azul—" he kissed my mom's forehead to shut her up.

I turned around from that scene. Nakakasuka talaga! But I love my parents. My mother is super duper talkative, while my dad is always calm. They're perfect for each other and so is our family, even though I'm an only child. I tend to feel a little lonely sometimes, but my parents always pour me an overflowing love.

What I don't like about them is that, my mom's so obsessed with mermaids or other fairytale stuff and kinukunsinti naman siya ni daddy. C'mmon guys, we're already in the 21st Century?

There were fishermen and a lot of residents when we reached the port. It's like there's a commotion going on. Hmm, I'm suddenly curious. Ano kayang pinagtsi-tsismisan ng mga tao sa isang isla?

Hinayaan ko nang mauna ang aking mga magulang papunta sa aming beach house kahit na hindi ko alam ang daan patungo roon. Bahala na, basta makatsismis. Hay, what a great moment to start my stay.

ₓ˚. ୭ ˚○◦˚.˚◦○˚ ୧ .˚ₓ

I Can Sea YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon