Chapter 5

10 0 0
                                    


Chapter 5

The Ocean has its silent caves, Deep, quiet, and alone; Though there be fury on the waves, Beneath them there is none. — Nathaniel Hawthorne

ₓ˚. ୭ ˚○◦˚.˚◦○˚ ୧ .˚ₓ


Hingal na hingal na huminto kami ni Sheena dahil sa pagkakatakbo. Sumandal muna kami sa puno ng niyog na pahiga ang tubo. Kabaliktaran ng payapang dagat ang dibdib kong dumadagundong sa kaba. Tumulala ako saglit dahil hindi ko pa rin maproseso ang mga kaganapan.

"Pakikurot naman ako para malaman ko kung panaginip lang ba ang lahat ng ito." hinihingal pang paki-usap ko kay Sheena. Kinurot naman talaga ako ng gaga sa pisngi at napasigaw ako sa hapdi!

"Hindi ito panaginip, ngunit hindi ako m-makapaniwala na totoo nga ang mga kwento." niyaya na siya ni Sheena na magsimula nang maglakad habang sila'y nagku-kwentuhan.

"Ayon sa kwento na nagpasa-pasa na mula pa noon, may isang lalaking pagala-gala rito sa Anarosa tuwing gabi. Isang driver ng pedicab na wala pa sa katandaan. Lumalabas ito lalo na sa liblib na parte ng isla. Ayon sa sabi-sabi, nagtungo raw ang asawa nito na noon ay buntis pa para manguha ng mga halamang gamot para sa maayos na panganganak. Hindi niya nasamahan ang asawa papunta sa gubat dahil kampante siya at laking isla ito. Bukod pa roon, mas nagdo-doble kayod siyang mamasada para sa magiging pamilya. Ang tanging bilin lamang sa kaniya ng asawa ay dapat na pagsapit ng dapit hapon, maghintay na lamang siya sa gilid ng daan sa gubat. Nagdaan ang ilang oras, araw, linggo, na naging mga buwan, at taon. Hindi na bumalik ang asawa niya. Lagi pa rin siyang naghihintay sa pwestong iyon ngunit bigla na lamang din siyang nawala." Medyo kalmado nang kwento ni Sheena.

"Huh? Paanong nawala?" nagugulumihanan kong tanong sa kaniya.

"Walang nakakaalam. Ang sabi, pinatay siya ng kung sino-sino. May nagsasabi naman na... nagpakuha siya sa engkanto dahil 'di umano, kinuha rin ng engkanto ang asawa niya."

Agad naman akong napayakap sa sarili ko nang maramdaman ko ang pagtaas ng balahibo. Hindi naman ako na-inform na horror na pala ang genre nito, direk!

Ngunit kahit na kinilabutan ay nalungkot siya sa kwento ni Sheena. Lahat nga naman ng mga bagay na nangyayari o mangyayari pa lang ay may dahilan at pinagmulan.

Magtatanong pa sana ako kaso lang ay pinutol agad ako ni Sheena. "Ang mabuti pa, 'wag muna nating isipin 'yon at ikaw, umuwi ka na dahil maaga pa ulit tayong maghahanap bukas." napairap na lang ako. Hindi ako makatutulog nito sa sobrang daming tumatakbo sa isipan.

Hating gabi na at napagdesisyunan kong maglakad lakad muna sa dalampasigan upang makapagmuni-muni. Naramdaman ko agad ang lamig ng hangin at nagsisi ako bigla dahil naka bestidang puti lamang ako na pantulog. Nakalugay lang din ang maalon kong buhok na nagpapatangay sa hangin. Sa kabila ng mga naranasan ko kanina, hindi ako nakararamdam ng takot ngayon. Bagkus, dinarama ko pa ang payapang dagat na sumasalamin sa mga bituin sa kalangitan.

Ginawa ba talaga ang gabi para katulugan ng lahat? Dahil kung ako ang papipiliin, mas gusto ko ang malamig at tahimik na gabi. Ang sarap sa pakiramdam na yakapin ng dilim habang humahalik sa aking balat ang ilaw ng buwan.

Natigil ako sa pag-iisip nang bigla akong nakasilay ng nakabubulag na liwanag na nagmumula sa may 'di kalayuang mga rock formations. Dahil sa kuryosidad, dali-dali ko itong tinungo at sinubukang umakyat sa mga bato upang makasilip. Habang papalapit, unti-unti ko nang naririnig ang mga iyak. Laking gulat ko na lamang nang masilayan ko ang kaganapan.

Unang bumungad sa'kin si Diwa na nasa harap ng apoy habang tila'y may binabanggit na salita habang nakapikit at nakataas ang dalawang kamay.

I don't know! Zum gali gali?

Sirene! You're not supposed to joke in times like this. Habang pinapagalitan ang sarili, may kumagat sa'king langgam kaya naman yumuko muna ako at kinamot ito. Ngayon pa talaga!

While I was scratching my poor foot, I suddenly heard people crying from pain. Kaya bigla akong napatayo at muling napasilip. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ng mga mata ko ngayon. Sina Shyla, Rachel, at Sheena...

Nahiyaw sila sa sakit dahil... dahil pinuputol ang kanilang mga paa!

I covered my mouth to suppress myself from crying out loud. So this is the process of becoming a freaking mermaid?! Paano pa sila nabubuhay kung hati na ang katawan nila?

Humakbang pa ako paakyat upang mas makita ang kaganapan. To my surprise, biglang napalingon sa akin si Rachel! Nanghihingi ng tulong ang mga mata niya at pilit na inaabot sa'kin ang kamay.

"S-Sirene!" hirap niyang tawag sa akin.

Dahil sa ginawa niyang iyon, napalingon si Diwa sa kinaroroonan ko. Nanlaki ang mata ko at dahil sa takot, nanginig ang mga tuhod ko na dahilan ng pagbagsak ko mula sa mga bato.

Humahangos akong napabangon. Grabe ang tulo ng pawis ko, panaginip lang pala ang lahat. Nakaramdam ako ng lamig nang humangin. Huh? Saan nagmula ang ihip ng hangin? Naiwan ko pa lang nakabukas ang sliding door sa teresa. Dahan-dahan akong bumangon para isara iyon.

Before I slide the door close, napatulala ako sa dagat. I suddenly remembered my dream. It felt so real...

Dahil sa sobrang pag-o-overthink, naapektuhan na ang subconscious mind ko kaya gano'n na lang din ang panaginip ko. Napatingin ako sa wall clock nang mahiga ako sa kama. Alas tres pa lang pala.

Pupungas-pungas pa ako pagkatapos kong maligo habang naglalakad papunta sa kusina. I didn't sleep at all. Nahirapan na akong makatulog dahil sa masamang panaginip na iyon. Hanggang ngayon, malinaw pa rin sa'kin kung anong nangyari. I'm actually scared because what if, totoo pala talaga 'yon? But that's impossible dahil may lakad pa kami mamaya ni Sheena.

Ang sabi ni Sheena kahapon, susunduin niya ako ng alas syete kaya pupunta na lang muna ako sa library ni lola at magbabasa-basa upang magpalipas ng oras dahil alas sais pa lang. Baka may ma-discover pa 'kong may gold pala dito sa ilalim ng bahay. Baka lang naman! I guess, we'll never know. Natawa na lang siya sa kalokohang napasok sa isipan.

Ngunit ang ilang minuto ay inabot na ng ilang oras. Alas otso na at wala pa rin si Sheena. What if puntahan ko na lang siya sa bahay nila? Para maging pamilyar na rin ako sa daan at baka may ginagawa pa siyang importante. I'm, again, wearing a white beach dress. Wala pala akong nadalang literal na pang bahay here. I'm also wearing my favorite beach Bohemian seashell choker. Nakalugay lang ang buhok para feel ko namang ako si Marimar.

Habang papalapit sa bahay nila, there's a commotion again. My heart started to beat fast. What's happening? Tumakbo ako papalapit.

"Ang anak ko," nanghihinang napaupo ang nanay ni Sheena. Buti na lang, nakaalalay sa likod ang asawa nito.

Bakit naiyak ang mama ni Sheena? At ano bang nangyari sa kaniya?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 09, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Can Sea YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon