Chapter 3

8 1 0
                                    

ₓ˚. ୭ ˚○◦˚.˚◦○˚ ୧ .˚ₓ

"Hindi ko kaya. Nagmamakaawa ako."

Narinig kong iyak ng isang babae na mukhang nasa mid 40s. Maraming nakapalibot sa kaniyang iba pang sa tingin ko ay mga nanay. Mayroon ding tanod sa paligid na naging dahilan ng lalo pang pagtindi ng aking kuryosidad.

Dahan-dahan akong humakbang patungo sa kumpulan. Habang ginagala ko ang aking mga mata upang mag obserba, namataan ko sa gilid si Sheena na umiiyak!

"Sheena!" Nang mapalingon siya sa akin ay tinakbo ko nalang ang pagitan naming dalawa.

"Bakit naiyak ka? Nasaan si Rachel?" Dahil sa tanong ko, mas lalo pa siyang humagulgol na ipinagtaka ko naman. Anong nangyayari rito?

"Iyon nga," hirap na hirap siyang magsalita. Hindi niya matuloy ang kaniyang sasabihin.

"Huh?" Naiinis na 'ko. Pero, iintindihin ko siya. Naiyak na nga, aawayin ko pa.

"Nawawala si Rachel."

Napahawak ako sa aking bibig nang marinig ko ang sinabi niya. What?! So, nanay niya siguro 'yung narinig kong nagmamakaawa kanina?

"Maghintay muna po tayo ng bente kwatro oras. Hindi namin siya agad hahanapin. Malay niyo, nakipag-tanan lang iyon sa kaniyang nobyo." Wika ng isang tanod na tila ba'y wala talagang paki sa kaganapan.

"Oo nga, Lydia. Baka nga talaga sumama na 'yon sa nobyo. Ang gulo rin kasi sa bahay niyo. Buong araw kayong nagsisigawan ng mister mo." Wika ng isang babaeng may katabaan nang kaunti. Naka daster siya na floral at naka ipit ang buhok gamit ang, what do you call that? Chukchak?

"Totoo. Kung ako si Rachel, lalayasan ko rin kayo." Segunda pa ng isang babaeng katulad din ng nauna.

"Ang kakapal talaga ng mukha niyo, no?! Siguro nakakasawa maging katulad niyo kasi pati buhay ng pamilya namin, pinapakialaman niyo!" Galit na wika ni Aling Lydia.

Nakagagalit nga naman talaga ang mga gan'yang klaseng tao. Pati pala kahit sa isla, may mga Marites pa rin? May dala pang mga kagamitan ang isa nilang kasama na pang pedicure. Ang isa naman ay may maliit pang bangko na dala. Mukhang tinigil nila ang session nila para rito.

"Hindi totoo ang mga sinasabi ninyo! Kaibigan ako ni Rachel at nasisigurado kong wala siyang nobyo." Desididong wika ni Sheena.

"Baka hindi lang nagsasabi sa'yo, hija. Pasensya na pero protocol po talaga namin iyon. Maghintay muna kayo ng bente kwatro oras at saka kayo magreport sa barangay." Ani ulit ng tanod. Mukhang siya ang pinaka-boss nila.

Pagkatapos niya pang magbanggit ng mga bagay na dapat gawin nila aling Lydia, tinawag na niya ang mga kasamahan pa niyang tanod upang bumalik sa barangay hall.

Sawang sawa na 'ko sa mga protocol na gan'yan. Paano kung na-kidnap pala at kinuha na ang mga laman loob? Maghihintay pa ng 24 hours? Duh!

Hinila ko ang kamay ni Sheena mula kumpulan ng mga tao at nagtungo kami sa mga rock formations na nasa medyo malayong parte ng kabahayan.

"Now, talk." Pinunasan niya ang kaniyang mga luha bago nagsimulang magkwento.

"Magkababata kami ni Rachel. Kaibigan ko na siya simula nang hindi ko alam. Basta sabay kaming lumaki rito sa isla. Masaya naman kami, ngunit sa kabila ng mga ngiti niya, alam kong nahihirapan siya." Malungkot na kwento niya habang nakatingin sa dagat.

"Totoo 'yung sinabi nila Aling Nena na magulo sa bahay nila. Walang araw na hindi nag-aaway ang mga magulang niya. Maliit lang kasi ang kinikita ni Mang Fredo sa pagiging kargador sa palengke. Pinangsusugal pa niya ang pera kaya minsan, halos wala na siyang maiuwi sa pamilya niya. Nag-iisang anak lang si Rachel kaya naman, ako lang ang matatakbuhan niya. Tinuturing ko na rin siyang parang tunay na kapatid."

It must really be suffocating for Rachel. Mahirap tumira sa magulong pamilya. You can't even call it a home, because home makes you feel safe. Dapat talagang p'wede nang mag-divorce rito sa Pilipinas. I think that their children will be the ones who will be traumatized for the rest of their lives. Pero kung mayroon man, ang mga may pera lamang ang makaka-afford.

"Walang nobyo si Rachel. Hindi ko alam kung bakit siya nawawala. Kung maglalayas man siya, ako lang ang matatakbuhan niya." Parang nawawalan na ng pag-asa si Sheena.

I can't blame her. Kababata niya 'yon. Kahit pa nakilala ko lang sila nakaraan, nag-aalala na rin ako. Naka-isip naman kaagad ako ng hakbang na maaari naming gawin upang makatulong.

"I don't think na may mangyayari kung aasa lang tayo sa mga authorities. Let's find her. Hindi naman gaanong malaki ang Anarosa." Pursigido kong wika.

Mukhang nabuhayan naman si Sheena. "Kabisado ko ang buong isla. Kahit pa sa mga gubat, kaya sigurado akong mahahanap natin siya. Hindi naman siguro 'yon magbabangka dahil napakalayo pa ng susunod na isla."

"Magsimula na tayo ngayon para hindi tayo abutin ng hating gabi." Oo, tanghali pa lang pero hindi kami titigil hangga't hindi namin nahahanap si Rachel. Ipagpapatuloy na lang din namin ang paghahanap bukas kung sakaling hindi namin siya matagpuan ngayon.

This island, Anarosa, reminds me so much of Siargao. Ang pinagkaiba lang ay, mas liblib ito at wala kang makikitang mga turista. Ang resort ay sa kabilang isla pa na aabutin ka ng mahigit trenta minutos bago ka makarating.

Habang naglalakad kami ni Sheena, hindi ko maiwasang mamangha sa ganda ng isla. Hindi pa sementado ang daan dito dahil nga siguro ay hindi mo na kakailanganin pa ng kotse. Pedicab ang transportasyon nila.

Hindi maalinsangan sa pakiramdam kahit na tanghali. Hindi mo mararamdaman ang init dahil bukod sa napakasariwa ng hangin, puro lilim na galing sa mayayabong na puno ang madaraanan mo.

Inabot na kami ng alas kwatro ngunit, wala pa ring bakas ni Rachel ang nahahanap namin. Dalawang barrio lang ang mayroon sa isla na ito. Ang una ay kung saan kami nanggaling at ang pangalawa naman ay ayon kay Sheena, sobrang liblib na.

Papunta na kami sa kabilang barrio at kanina ko pa napapansin na namumutla si Sheena.

"Bakit? Anong problema? 'Wag kang mag-alala. Sa tingin ko, nasa kabilang barrio lang 'yon si Rachel. Baka may pinuntahan. Diba sabi mo na may mga kaklase kayo roon?" Pagpapagaan ko ng loob ni Sheena.

"Oo, kaso wala namang pasok. Bakasyon," ay, oo nga pala. Boplaks ka rin Sirene. Pero malay mo naman, gusto lang mag hangout diba?

"Huwag na lang kaya tayong tumuloy? Malapit nang humalik ang araw sa dagat. Madilim na, bukas na lang?" Parang nagmamadali na wika niya.

"Naiihi ka ba? P'wede naman siguro dito nalang sa damuhan. Sabi nila, magsabi lang daw ng tabi-tabi p-"

"H-hindi naman kasi 'yon, Sirene." Putol niya sa'kin. Ano bang problema niya? P'wede naman akong tumalikod. Nasubukan ko na rin namang umihi sa damuhan noong bata pa ako.

"Nasa kabilang barrio ang bahay ni—" lumapit siya sa'kin para ibulong ang sasabihin. "Diwa."

Biglang tumindig ang balahibo ko sa pangalang narinig.

"Hahaha, hindi naman siguro, no? Hindi naman." Pekeng tawa ko para pagaanin ang takot na nararamdaman. Anong hindi? Kakasabi nga lang, Sirene.

Kung ang bahay na lang ni Diwa ang huli naming mapupuntahan, may malaking posibilidad konektado ito sa sinabi ng matanda na binigyan siya ng babala noon. Na totoo nga ang mga kuwento, na sana hindi.

Pero hindi naman... diba?

ₓ˚. ୭ ˚○◦˚.˚◦○˚ ୧ .˚ₓ

:b

I Can Sea YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon