"I followed my heart and it led me to the sea.."
ₓ˚. ୭ ˚○◦˚.˚◦○˚ ୧ .˚ₓ
"At humiling siyang magkaroon ng isang pares ng mga paa kapalit ang kaniyang napakagandang tinig upang makita ang kaniyang minamahal na taga-lupa. Iyon ang kuwento ng munting sirena." Malumanay na kuwento ng ina sabay haplos sa buhok ng batang si Sirena
"Ina, bakit po sobrang hilig niyo sa mga sirena? Tumira pa po tayo rito sa isla at ipinangalan niyo po ako sa kanila. Totoo po ba sila?" Inosenteng tanong ni Sirena habang kumakamot pa ng ulo.
Halos gabi-gabi na lamang nagkukwento ang kaniyang ina tungkol sa mga sirena upang patulugin siya. Hindi niya nga alam kung totoo nga ba ang mga ito.
Masisilayan ang ngiti ng kaniyang ina habang tumatama rito ang ilaw ng bilog na buwan na nagmumula sa malaking bintana ng kaniyang silid.
"Naniniwala ako na totoo sila. Nagbakasyon kami noon ng aming pamilya sa isang napakagandang isla at walong taon pa lamang ako nang ito'y aking nasilayan. Nagising ako dahil sa isang masamang panaginip. Sa dalampasigan ako dinala ng aking mga paa at agad naman akong nakaramdam ng kapayapaan." Kumikislap pa ang mga mata ng kaniyang ina habang nagkukwento.
"Alam mo ba kung saan ang islang iyon? Ang islang ito, ang Anarosa." May bahid ng ngiti sa labi na wika nito.
"Habang naiyak, nakarinig ako ng napakagandang tinig. Nagtungo ako sa mga batuhan at may nakita akong dalaga. Nagtaka ako sapagkat, madaling araw na. Laking gulat ko nang makita ko ang kabuuan niya— buntot ng isda. Lalapitan ko sana ito ngunit, bigla na lamang akong napalingon nang narinig ko ang pagsigaw ng aking mga magulang na naghahanap na pala sa akin. Nang ibaling ko pabalik ang aking paningin sa dalagang kalahating isda, wala na ito."
"Makikita ko rin po ba sila, ina?" Inaantok na wika ni Sirena.
"Maraming ikinukubling hiwaga ang isla na ito. Bumalik ka rito paglaki mo at dalhin mo ang iyong pamilya. Sabay-sabay niyong tuklasin ang hiwaga." At saka tuluyang nakatulog si Sirena.
ₓ˚. ୭ ˚○◦˚.˚◦○˚ ୧ .˚ₓ
This book is a work of fiction. All names, characters, locations, and incidents are products of the author's imagination, or have been use fictitiously. Any resemblance to actual persons living or dead, locales, or events are entirely coincidental.
©Syzygyyy_
BINABASA MO ANG
I Can Sea You
Fantasy"Isang kahibangan ang paniniwala sa mga sirena. Hindi sila totoo at habang buhay lamang silang mananatili sa mga libro." Samahan natin si Ysla Sirene Estevez sa kaniyang pagtuklas sa hiwagang tinatago ng islang nagngangalang, Anarosa.