Part 2/9

6K 124 0
                                    

Naovercome ko rin ang hiya ko kay Raymond. 

Naging mas super close pa kami. We decided na mag-quit na rin sa clan since nagkita naman na kami sa personal. Schoolmate niya ang boyfriend ko. May araw kung kailan nagbabonding kaming dalawa.

Walang malisya sa akin kasi sanay naman ako makisama sa mga lalaki dahil lumaki ako na almost mga lalaki ang nasa environment ko. Ako lang kasi ang babae sa aming magkakapatid. Halos puro lalaki rin mga pinsan ko. Akala nga nila, lalaki akong boyish eh. Well, akala lang nila iyon.

Then one time, habang naglalakad kaming dalawa, bigla siyang tumahimik.

"Wuyy, pogi! Bakit biglang ang tahimik mo?"

"Wala lang. May iniisip lang ako." Sabay hinga niya nang malalim.

"Wooaah! Lalim nun ahh! Ano problema natin diyan, Pards? Sabihin mo sa akin. Para saan namang magkaibigan tayo, di ba?"

Huminto siya sa paglalakad sabay umupo sa isang bench na malapit sa amin. Umupo na rin ako sa tabi niya. Mukha kasing may problema ito. Ngayon ko lang kasi siya nakita ng ganoon.

"Iyon nga ang mahirap, Yhanny. Magkaibigan tayo, di ba? Pero paano ko sasabihin sa'yo iyong problema ko kung ikaw mismo ang problema ko?"

"Huh? Ano? Bakit ako? May nagawa ba ako?"

"Wala."

"Huh? Ang gulo naman nun. Sabi mo kanina ako problema mo?"

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Gusto na kita."

"Wehh? Bakit ako?"

"Yhanny naman... bago pa kita makita sa personal, gusto na kita. Hindi ko alam pero iyon talaga nararamdaman ko."

"Mga trip mo talaga, Pards. Joke ba ito?"

"Yhanny..."

"Bakit ako? Ang gwapo-gwapo mo, matalino ka pa, tapos mabait. Bakit ako? Ang daming magaganda sa school niyo, iyong mas bagay sa'yo."

"Kahit ano pa sila, ikaw ang gusto ko eh! Kaya Yhanz, gusto kong manligaw sa'yo."

"Huhhh?? Pards naman. Parang hindi mo naman alam na may boyfriend ako."

"Alam ko. Kaya nga sabi ko manliligaw ako. Hindi ko naman sinabi na hiwalayan mo si Yves ihh."

"Naririnig mo ba sinasabi mo, Pards?"

Hinawakan niya na ang dalawang kamay ko.

"Seryoso ako, Yhanny. Hayaan mo na ako. Hayaan mong ipakita ko sa taong mahal ko kung gaano ko siya gustong alagaan."

"Hindi pwede. Raymond, hindi ka pang reserve lang. May mas deserve ka pa kaysa sa ganoon. Baka nagkakaganyan ka lang dahil palagi tayong magkasama. Kung kailangan na umiwas ako, gagawin ko."

Pero wala pa rin akong nagawa at pinagpromise niya ako na hindi magbabago iyong pakikitungo ko sa kanya. Katulad pa rin kami ng dati.

Noong una, naiilang pa rin ako. May pagkakataon nga na gusto ko na siyang taguan pero napakabait ni Raymond at ayaw ko masira ang pagkakaibigan namin. Dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko maaafford na mawalan ng kaibigan na katulad niya.

Kaya nawala rin ang pagkailang ko. Nabalik ulit ang closeness naming dalawa.

+++

"Yhanny, may gagawin ka ba ngayon?" Tanong sa akin ni Raymond.

"Bakit?"

"Mayroon nga?"

"Wala naman."

"Pwede mo ako samahan mamaya?"

"Ayaw ko nga. Mamaya niyan rape-in mo pa ko." Biro ko sa kanya.

Nag-iba naman ang ekspresyon sa mukha niya.

"Hahahaha. Joke lang! Saan naman?"

"Huwag na lang. Baka rape-in lang kita."

"Hahaha. Sus naman! Ang drama! Biro nga lang iyon. Sasabihin mo ba o uuwi na ako?"

Sabi ko sa kanya habang inaakbayan at ginugulo ang buhok niya. Oh diba? Ako ang mukhang lalaki kumilos sa aming dalawa. Ganyan talaga ako basta close ako sa isang tao.

"Ipapakilala kasi sana kita sa barkada ko. Gusto ka rin nila makilala."

"Ahh. Mga schoolmates mo rin sa Jackson?"

"Hindi. Doon sila sa may exclusive school sa SBMA nag-aaral."

"Doon? Hindi ba mga mayayaman mga nag-aaral doon? Ayaw ko. Ma-out of place lang ako sa inyo."

"Sus. Kung palagi mo akong sinasabihan ng mabait, mas mabait sa akin ang mga iyon. Sumama ka na. Nag-set sila ng dinner para sa ating lahat. Kaya sasama ka o sasama ka?"

"Choice ba iyon?"

"Hindi. Kaya sasama ka. Ihahatid na lang kita pauwi."

+++

Pumunta nga kami sa isang restaurant. Pagkapasok namin sa pinto, binati agad kami ng isang waiter.

"Table for 2, Sir?" tanong ng waiter.

"Uhh no. We're with Adrian and friends." Sagot naman ni Raymond.

"Oh I see, Sir. Please follow me."

Sinundan namin ang waiter hanggang sa may isa pang glass door.

"There they are." Sabi ni Raymond sabay turo sa isang grupo ng mga kaedaran din namin.

"Sila ang barkada mo?"  Bulong ko sa kanya habang palapit kami sa kanila.

"Yup."

"Sure?"

"Oo nga. Bakit?"

"Bakit parang naiba ka?"

Natawa lang siya sa sinabi ko. Pero seriously, hindi ko inexpect ganito kabongga ang mga tinutukoy niyang barkada niya. Halatang galing talaga sa mga mayayamang pamilya ang mga ito eh.

Halata ring si Raymond lang ang Pilipino sa kanila. Parang in just a second nakalimutan kong nasa Pinas ako. Feeling ko nasa ibang bansa ako. Eh puro ba naman kasi mga foreigner ito. Nahiya na ako lalo.

Isa-isa silang nagpakilala sa akin. Si Adrian na Fil-Am, si Glenn at Christine na magjowang Australian, si Seo Joon na obviously isang Korean, si John na pure American, at si Vien Martin na isa ring Fil-am. Tama nga ako, si Raymond lang ang pure Filipino sa grupo nila. Family friends daw sila kaya naging super close na rin sila sa isa't isa.

Tama nga si Pards na super bait nila. Sobrang heartwarming ng pag-welcome nila at parang gusto na talaga nila akong ampunin sa grupo nila.

Kahit pa nga dumudugo na ang ilong ko sa kaka-English nila. Feeling ko nga magkakaleukemia na ako after that night pero nakakaintindi naman na raw sila kahit paano ng Tagalog. Hindi nga lang sila nagsasalita gamit iyon kasi sabog sila mag-Tagalog.

Super saya na sana para sa akin ng night na kakwentuhan sila kaso naiilang talaga ako dahil doon sa isa nilang kaibigan na Vien Martin ang pangalan. Hindi kasi siya nagsasalita. Tahimik lang siya at seryosong nakaupo. Tinitingnan niya lang ako na parang inoobserbahan.

Iniisip niya siguro na ang social climber ko. Pero na-invite lang naman ako eh. Pwede naman niyang sabihin sa akin kung ayaw niya akong makalapit sa kanila. Hindi ko naman ipagsisiksikan sarili ko.

Hanggang sa magpaalam na kami ni Raymond para umuwi.

Hinatid nila kami hanggang labas ng restaurant. Nagpaalam na sila sa akin. Nagulat nga ako ng may beso-beso effect na agad. Sweet. Except to that guy na nabanggit ko kanina. Super suplado! Ni hindi ko nga narinig boses niya.

Sayang! Ang gwapo pa naman, maldito lang. 

Hindi ako nakatiis. Nasabi ko iyon kay Raymond habang naglalakad kami.

Pinay Meets Fil-Am Guy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon