Part 7/9

3.3K 95 0
                                    

Ilang araw na ang nakalipas mula noong mag-dinner ako sa bahay nina Vien.

And after that night, palagi na lang magulo ang isip ko. Gusto ko marinig ang totoo sa kanya. Gusto ko siya tanungin kasi parang mababaliw na ako kakacomfort sa sarili ko na baka mali lang ang pagkakaintindi ko sa mga nasabi ni Tita.

Pero for the past few days, mas pinili kong sundin ang sinabi ni Tita na hayaan kong si Vien na ang kusang magsabi sa akin. And for the past few days, inoobserbahan ko lang siya sa tuwing magkasama kami.

Noong una, akala ko na mali nga lang talaga ang kutob ko kasi parang normal lang siya kapag nasa harap ko, kapag kausap ko.

Pero ng makailang beses ko siyang nahuhuling nawawala sa sarili, ngumingiti nang pilit, madalas natatahimik, parang napakalalim ng iniisip at kung minsan nahuhuli ko siyang tinititigan ako nang malungkot sa tuwing akala niya na hindi ako nakatingin sa kanya, saka ko na-realize na hindi nga mali ang mga narinig ko kay Tita... may problema nga.

+++

"Oh couz, gising ka pa pala diyan? Tara! Join ka nalang sa amin nina Uncle sa baba. Nagkakantahan sila."

"Ayaw ko. At bakit ka naman pumasok dito sa kwarto ko?"

"Pinapakuha sa akin ito ng Papa mo ohh. Dinala mo kasi dito sa kwarto."

Sabay pakita niya sa akin ng mga CDs.

"Ahh ganun ba. Sige, labas ka na."

"Tumayo ka na nga diyan. Maki-join ka na lang sa baba hindi iyong hilata ka nang hilata diyan."

"Ayaw ko! Inaantok na ako kaya matutulog na ako." Sabay tinakpan ko ng unan ang ulo ko.

"Neknek mo! Ganyan din sinabi mo kaninang alas nuwebe, anong oras na ohh! Alas dos na nga ng madaling araw, hindi ka pa tulog! Ganyan ba ang antok na antok?"

May point naman ang pinsan ko. Kanina pa ako nakahiga dito sa kama ko. Pagulung-gulong na nga lang ako pero hindi talaga ako makatulog. Iniisip ko ang nangyayari sa amin ni Vien.

Mayamaya, umupo sa gilid ng higaan ko ang pinsan ko.

"Yhanz, may problem ka ba? O may problema ba kayo?"

Umiling lang ako habang nakatalukbong pa rin ang unan sa mukha ko.

"C'mon couz, spill it! Alam kong mayroon."

Tinanggal ko ang unan sa mukha ko sabay huminga nang malalim.

"Si Vien kasi..."

"Ohh bakit? Nauntog na ba siya at naging confused sa pagiging boyfriend niya sayo?" Tapos tumawa ito sa sarili niyang joke. 

Binato ko nga sa kanya ang hawak kong unan. Swerte lang siya at nakailag siya.

"Ang sama talaga nito..."

"Joke lang! kwento mo na kasi ano man iyan..."

Sinabi ko nga sa kanya mga nangyari sa dinner kina Vien hanggang sa mga observation ko sa kanya lately.

"Couz, gusto ko malaman ang totoo para mawala na itong mga naiisip ko. Maloloka na yata ako kakahula kung ano talaga ang nangyayari."

"Ehh yun naman pala. Ikaw na kumausap sa kanya."

"Pero gusto ko na siya ang kusang magsabi sa akin kung anuman ang totoo..."

"Isipin mo na lang 'to couz ahh... what if naghihintayan lang pala kayong dalawa? Ikaw, hinihintay mong siya ang kusang magsabi. Paano kung ganoon din siya? Malay mo na na-guilty din ang Mommy niya na nadulas siya sa'yo at sinabi niya kay Vien na alam mo na kaya hindi imposible na hindi niya alam na alam mo na? Gets?"

"Ehh kung ganoon, bakit hindi pa rin niya sinasabi sa akin kung alam naman na pala niya na alam ko na?"

"Can't you see it? Siguro hindi niya masabi sa'yo kasi mahal ka nga talaga nung tao. Hindi niya alam paano ieexplain sa'yo ng hindi ka masasaktan. O kaya naman, masakit din sa kanya ang katotohanan kaya siya mismo hindi kayang sabihin iyon sa iyo."

"Pero hindi niya naisip na nasasaktan na ako? Kahit naman anong gawin niya, masasaktan pa rin ako. Nandoon pa rin ang fact na iiwan na niya ako. Iiwanan niya ako sa ere."

"See my point? Ikaw na ang nagsabi na kahit anong gawin niya, masasaktan ka pa rin. Pero actually, hindi lang ikaw. Masakit rin iyon sa kanya. Mahirap din para sa kanya na mag-isip in what way niya ipapaalam sa'yo ng hindi ka masasaktan kahit na alam niya na kahit anong gawin niya, masasaktan ka pa rin. Tingnan mo na lang iyong effort niya na tinetake niya ang risk, masubukan lang niya na hindi ka masaktan. Ang swerte mo sa jowa mo kasi mahal ka nga talaga niya."

"Anong gagawin ko?"

"Kung hindi talaga seryoso sa iyo ang Vien na iyon, katulad lang siya ng ibang lalake na ibebreak ka na lang basta-basta. Pero kung nahihirapan siya kagaya niyan na hindi niya kayang ipaalam sa'yo, ibig sabihin mahal ka talaga niya. Kung ako tatanungin mo kung ano gagawin ko? Kakausapin ko siya. Ako na magoopen-up. Dahil kung hindi, ano? Maghihintayan na lang kayo kung kailan niyo kayang sabihin? Kung totoo man na aalis na siya, hihintayin niyo na lang hanggang dumating ang araw ng pagbalik nila sa Amerika? E di mas nasayang ang lahat."

Naiiyak na ako. Kaya humiga na lang ako ulit at nagtalukbong ng kumot.

Naramdaman kong tinapik na lang ako ng pinsan ko sabay lumabas na sa kwarto.

+++

Magkasama kami ngayon ni Vien.

Nandito kami ngayon sa restaurant kung saan ko siya sinagot noon. HIndi ko alam kung ano pinapahiwatig sa akin nito. O sadyang nagkataon nga lang ba.

The day before this night, I decided na kausapin muna si Tita. Pinilit ko si Tita na sabihin ang totoong reason ng biglaang pagbalik nila. At naintindihan ko na ang lahat.

I just realized na tama rin ang mga sinabi ng pinsan ko.

After knowing the truth, I made my final decision. And as one of YHANNY's attitudes, before saying it as FINAL, pinag-isipan ko iyon ng mabuti. Sa mga narinig ko ring explanation ni Tita, alam kong tama na rin ito.

Tinitingnan ko lang siya. Nakangiti naman siya. Tumatawa. Nagkukwento ng kung anu-ano. Pero pilit. Alam ko.

I'm just waiting na baka iopen-up na niya iyon sa akin. Pero wala pa rin. At parang wala siyang balak.

I can't take it. I hate pretensions. That's what I hated the most. Mas gusto kong makita ang totoong Vien. Mas gusto kong Mmkita kung ano talaga ang nararamdaman niya. Hindi iyong ganito. Hindi iyong Vien na pinipilit mag-act na normal and everything is okay.

"Vien, c'mon. Please stop this. You know how I hate pretensions. I know what's happening... Tita told me everything."

Nakita ko siyang natigilan sa sinabi ko. Pero mas matitigilan pala ako sa isasagot niya.


"Yeah... I know. Mom told me that."

Pinay Meets Fil-Am Guy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon