Part 4/9

3.6K 105 2
                                    

Siya iyong tumawag sa akin kanina?

Wehh? Si Super Masungit?

"Ahh... H---Hello?"

Nakita kong hindi lang ako ang nagulat. Pati rin ang mga kaibigan nila.

Hindi pa rin siya masyadong nagsasalita.

Pero kung hindi ako nagkakamali, palagi siyang tumitingin sa akin. Naiilang na nga ako eh. O baka feelingera lang din ako? Ah basta ewan ko.

After that dinner, nasundan pa iyon ng ilang beses.

Naging close na rin ako  sa kanila. Mababait naman kasi sila at hindi lang iyon pakitang-tao. Madalas na rin kaming nagkakausap ni Vien.

Nakuha niya daw ang number ko kay Raymond ng minsan niyang pakialaman ang cellphone nito.

May pagkakataon na tinatawagan na rin niya ako. Kung minsan nga, nagkakasunod pa sila nina Yves at Raymond sa pagtawag. Ohh tabi-tabi... naapakan niyo ang buhok ko. Hahaha.

Kapag nagbabonding kami ng barkada nina Raymond, madalas na kaming dalawa ni Vien ang magkausap. Madalas na rin siyang ngumingiti at kung minsan nagugulat na nga lang din ako kapag tumatawa siya. Mas gwapo pala siya kapag smiling face kaysa nakabusangot.

Minsan nag-usap kami ni Christine at nasabi niya sa akin na kapag ako na raw ang kausap ni Vien, sa akin lang daw ito ngumingiti, tumatawa o nagiging palakwento.

Kapag sila na raw kasi ang kasama, back to pagiging serious at suplado lalo na sa school nila.

Hindi  ko alam ano irereact ko sa mga sinabi niya kaya ngumiti na lang ako.

Hanggang sa dumating na nga ang time na sinabi niya sa aking gusto niya raw ako.

Nagulat ako pero hindi katulad ng time na nangyari ito sa amin ni Raymond. Hindi ko maintindihan sarili ko pero may part sa akin na parang natuwa. I know how it would be unfair for my boyfriend.

Katulad kay Raymond, hindi rin naman lingid sa kaalaman niya na may boyfriend ako. Pero just like Raymond, desidido na siyang patunayan sa akin na totoo ang sinasabi niya.

But after umamin sa akin ni Vien, nagstart na akong madistract at parang naging echo na sa tainga ko iyong mga sinabi niya sa akin na paulit-ulit kong naririnig.

Then I realized na gusto ko na rin pala si Vien. More than how I love my boyfriend, Yves.

+++

A few days after ng monthsarry namin ni Yves, nakipagbreak na ako sa kanya.

I know how hurt he was pero hindi ko naman kayang lokohin sarili ko at pati na rin siya. Mas lalong magiging unfair sa kanya.

Pinuntahan ako ni Yves sa school namin at hinintay niya hanggang mag-uwian na kami. Nahihiya ako sa kanya kasi alam kong nasaktan ko siya. Iniiwasan ko siya pero hinabol niya pa rin ako.

"Yhanny... Yhanny..."

"Yves naman, pinapahirapan naman natin sarili natin nito eh."

"Mag-usap tayo. Kausapin mo ako kahit ngayon lang and promise after this, papakawalan na kita."

Pumayag ako. Dahil alam ko naman na ako ang may kasalanan.

"Tell me, Yhanny. Gusto kong malaman, bakit?"

I took a deep breath.

"Gusto ko siya."

I saw him closing his fists. Nasasaktan ako na nakikita siyang ganito. Pero mahal ko si Vien. Sana maturuan ko na lang puso ko.

"Mahal mo na ba talaga siya, kung sino man siya?"

Tumango ako. Nakikita ko na unti-unti na siyang umiiyak.

"Ang sakit nito, Yhanny. Mahal na mahal kita eh."

Niyakap ko siya nang mahigpit. 

First girlfriend niya ako at ngayon dahil sa akin kaya umiiyak siya ng ganito. Pakiramdam  ko ang landi ko pero nagpapakatotoo lang din ako.

Bumitaw siya sa pagkakayakap ko. Pinunasan niya ang luha niya sabay hinawakan ang dala niyang gitara.

"Sinimulan kong gawin ang kantang ito ... the first day I saw you. Ang saya-saya ko noong natapos ko itong kantang 'to hindi dahil makakanta ko siya sa harap ng lahat ng tao sa school at masabi kung gaano kita kamahal, kundi excited ako na kantahin ito sa harap mo. Sa harap ng taong naging rason para mabuo ang unang kantang ginawa ko..."

Sa pagkakataong ito, ako naman ang naiiyak. Bakit ba kasi napakacomplicated ng love? Bakit kailangan may masaktan?

"...pero di ko inakala na sa oras na kakantahin ko ito sa'yo, ito na rin 'yung oras na huli na kitang makakasama."

Sabay sinimulan na niyang kantahin ito. Hindi ko na napigilan na maiyak ng tuluyan. Ramdam ko sa mga lyrics ng kanta niya 'yung mga moments ng kwento naming dalawa.

Kinakanta niya ito habang umiiyak pero ang ganda pa rin ng boses niya kahit halos nanginginig na ito.

Pagkatapos ng kanta, tumayo na siya at lumakad. Tumayo ako nang makita ko na tumigil siya sa paglalakad at humarap ulit sa akin. Lumapit siya sa akin sabay niyakap ako.



"Ipangako mo sa akin, Yhanny, you'll be happy. I love you and you'll always be my princess kahit wala na tayo."



Last message niya sa akin habang yakap niya ako sabay umalis na siya.

Pinay Meets Fil-Am Guy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon