Part 5/9

3.3K 97 1
                                    

December 6, 2008



A very special day. Ito kasi ang araw ng birthday ko.

And ito rin ang araw na sinagot ko na si Vien Martin.

+++

Nang malaman iyon ni Raymond, nasaktan siya ng sobra.

Nagalit siya kay Vien. Sa pangalawang pagkakataon, may lalaki na namang nasaktan dahil sa akin. Sobrang sama ko na ba?

Hindi ko kayang makitang hindi nagkikibuan sina Raymond at Vien dahil alam kong naaapektuhan din ang mga kaibigan nila. Iniexpect ko nga na kakamunghian ako ng mga barkada nila at pinagsisisihan na kinaibigan pa nila ako. Pero nagulat ako ng ako pa ang i-comfort nila at naiintindihan nila ako.

Hindi ko rin naman daw ginusto na may masasaktan dahil alam nilang mahal ko bilang kaibigan si Raymond. Nagkataon lang daw na higit pa sa kaibigan ang turing sa akin ng dalawang kaibigan nila.

Gusto kong maiyak dahil napakaswerte ko sa mga taong ito. Ang swerte ko sobra na nakilala ko sila. Hindi ko matiis si Raymond. Namimiss ko ang lalaki kong best friend.

Kinausap ko siya.

"Raymond..."

"Pards, Yhanz ... Pards..."

Napahinga ako nang malalim. Oo nga naman. Iyon ang tawag ko sa kanya.

"Pards, magalit ka na lang sa akin please. Magalit ka sa akin pero huwag mo lang  kami layuan ni Vien." Sabay ngumiti ako ng wala sa loob.

"Ang selfish ko ba, Pards? Isipin mo na ngang selfish ako, pero hindi ko talaga kaya na mawalan ng kaibigan na kagaya mo. Kaya please... magalit ka na lang sa akin."  Tiningnan ko siya pero wala pa rin siyang kibo.

"Pards, sinubukan ko naman magkagusto sa'yo ehh. Promise sinubukan ko. Pero mahal din naman kita. Mahal kita bilang bestfriend ko."

Yumuko na lang ako. Parang bumabalik din kasi sa akin iyong guilt na nararamdaman ko last time na magkausap kami ni Yves.

Narinig ko siyang huminga nang malalim. Hinawakan niya ang isang kamay ko.

"Mahal mo talaga siya?"

Tumango lang ako. Naramdaman kong napahigpit saglit ang hawak niya sa kamay ko.

"Bakit, Yhanz? Anong kulang? Ginawa ko naman lahat para magustuhan mo rin ako. Kahit masakit noon sa akin tuwing maririnig ko na kausap mo sa phone si Yves, binalewala ko lang ang sakit. Nang malaman kong nakipagbreak ka sa kanya, umasa ako na baka may pag-asa na akong magustuhan mo. Pero ang sakit. Dahil hindi ko alam na sa iba ka pala may gusto. Mas masakit dahil sa best friend ko pa. Pakiramdam ko trinaydor ako."

"Pards, walang kulang sa'yo. Maniwala ka, lahat ng hinahanap ng isang babae nasa sa'yo. At hindi ka trinaydor ni Vien."

"Ehh bakit hindi ako?"

"Pards... sana nga kontrol ko na lang itong nararamdaman ko. Pero hindi eh. Gusto ko talaga siya at hindi ko alam kung bakit at kung paano. Magalit ka na lang sa akin."

"Gusto ko, Yhanz. Gusto kong magalit... gusto kong magalit sa'yo. Pero hindi ehh. Hindi ko kaya. Kasi mas mahal kita."

"Pards... naiiyak na ako!" para na akong bata kasi nasasaktan na rin ako.

Ngumiti siya sabay tinapik niya ako sa ulo.

"Susuko ako, Yhanz, hindi dahil sa hindi na kita mahal. Susuko ako dahil alam kong mahal mo ang best friend ko at napatunayan niya rin sa akin na mahal ka talaga niya. Pero i-promise mo sakin na magiging masaya ka. Dahil sa oras na makita kong umiiyak ka dahil sa kanya, kahit best friend ko pa siya, hindi ko matatanggap iyon. Ayaw kong iiyak ang isa ko pang best friend."

Ngumiti ako sa kanya.

Siya nga ang Raymond na kaibigan ko. 

Napakabait. Napakabuti.

Niyakap ko siya. Ganoon rin siya sa akin.

At the end of the night, mas nanalo pa rin ang pagiging magkaibigan naming dalawa.

Pinay Meets Fil-Am Guy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon