Part 9/9

4.3K 105 9
                                    

Nag-usap kami ng araw na iyon.

Naiintindihan niya daw kung bakit iyon ang naging desisyon ko. Pero may first and last favor lang daw siya sa akin.

Huwag muna raw kami magbreak ngayon. Gusto niya raw masulit at makasama ako sa mga huling araw ng pagstay niya rito sa Pilipinas. And the time na lumipad na ang eroplanong sinasakyan niya pabalik ng Amerika, iyon na ang time na sasabihin naming wala na nga talaga kami.

Pumayag ako.

Oo alam ko. Kahit na alam ko na mas masakit iyon, alam ko rin naman na gusto niya iyon dahil mahal niya ako. At mahal na mahal ko rin siya.

+++

Sinulit namin ang mga araw.

Kinalimutan muna namin ang tungkol sa pag-alis niya. Alam na rin ng buong barkada ang nangyayari sa aming dalawa pati ang kailangan at biglaang pag-alis ni Vien.

Alam ko at nakikita ko na nasasaktan sila para sa amin pero hindi rin sila nag-disagree sa desisyon ko dahil alam din nila ang dalawang mabigat na reason sa pagbalik ni Vien sa Amerika.

Pinilit naming maging pinakamasasayang araw sa lahat ng pinagsamahan namin sa barkada ang mga natitirang araw ng pananatili ni Vien sa Pilipinas at naging mas madalas pa ang pagbabonding namin kumpara sa regular naming ginagawa noon.



July 6, 2009



Our 7th and last monthsarry.

It was a very romantic candlelit dinner sa restaurant kung saan ko siya unang nakilala, unang nakita, unang sinagot, at kung saan ipinaalam ko ang desisyon ko na hiwalayan na siya.

It could be the most perfect night for a girl who dreams to be like Cinderella, yet it was still a painful night for me.

Because the day after tomorrow, I have to let go the person I love.



July 8, 2009



Kahit may klase ako, mas pinili kong umabsent muna para sa araw na ito. Ito ang araw na pinagdasal kong sana ay nabura na lang sa kalendaryo.

Maaga kaming umalis. Ako, si Raymond, ang buong barkada, si Tita, at si Vien.

Papunta na kaming Manila. Noong una, ayaw kong sumama sa paghatid sa kanila pero nakumbinsi ako ni Raymond.

Magkatabi kami sa van ni Vien. Nasa front seat si Tita at nasa likod naman kaming magkakaibigan. Nasa pinakabackseat kaming dalawa.

Walang nagsasalita. Halatang nagpapakiramdaman ang bawat isa.

Gustuhin ko mang maging si Yhanny na palakwento at makulit, pero alam kong hindi ko magagawa. Kagabi pa lang, halos malunod na ako sa bigat ng pakiramdam ko.

Hawak-hawak lang ni Vien ang kamay ko habang nakatingin lang siya sa labas ng bintana. Pinipisil-pisil niya rin ito na para bang sinasaulo niya ang palad ko.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at sinandal ang ulo ko sa upuan.

Gusto kong umiyak. Gusto kong isigaw ang bigat na nararamdaman ko pero di ko magawa dahil alam kong iyon ang bagay na hindi kayang makita ni Vien sa akin.

Sa pagkaka-akalang nakatulog na ako, naramdaman kong dahan-dahang isinandig ni Vien ang ulo ko sa balikat niya. Mayamaya pa ay niyakap na niya ko.

 Alam kong nakayuko siya dahil ramdam kong nakadampi ang labi niya sa buhok ko. Lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin habang ramdam ko rin ang pagpatak ng mga luha niya sa buhok ko.

Pinay Meets Fil-Am Guy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon