Part 8/9

3.6K 93 0
                                    

"Yeah... I know. Mom told me that."

Natawa na lang ako nang mahina. Naiinis ako.

Bakit ganito siya?

"So kailan mo balak sa akin sabihin, Prince?"

"I d-don't know.  I-I'm s-sorry, I just c-can't..."

Pautal-utal niyang sabi. Sabay huminga siya nang malalim na parang nahihirapan siyang huminga.

"Ano? Klaruhin mo! Alam mong alam ko na lahat, explanation mo na lang ang gusto kong marinig, Vien." Halos nanginginig ko ring sabi sa kanya.

Isa sa bagay na hindi ko kayang makita, ay ang makitang nahihirapan ang loob niya.

Nasasaktan ako. Kakornihan man pakinggan para sa iba pero mas masakit makitang nasasaktan at nahihirapan ang kalooban ng taong mahal mo kaysa sa kung ano ang nararamdaman mo.

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Angel, please trust me with this. I will do anything but please promise me, you will never leave me... okay?"

"Prince you know you can't... you can't do anything to this. And we both know why."

"I will not follow my Dad. I will stay here. I don't wanna be far away from you. I can't."

"No Vien, you have to go. I don't want that time will come na pagsisisihan mo na pinalampas mo ito sa buhay mo. At ayaw kong magsisisi ka dahil sa akin. Hindi rin ako magiging masaya kung alam ko na for the very first time, susuwayin mo ang parents mo dahil rin sa akin."

Hinawakan ko na rin ang kamay niya.

"So I made my final decision. I know because of me kaya nahihirapan ka at iyon ang hindi ko kaya. Decide for yourself, Vien, and not for me. And for you to do that, I'm letting you go..."

Napayuko na lang ako dahil pinipigilan ko ang maiyak. Dahil ang totoo, labag din sa kalooban ko ang mga sinabi ko.

"W---What?? Tell me you're just kidding, right?"

Mas humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Inalis ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

"Let's...  let's just end this. I want to break up with you."

Nakita kong sinapo niya ang noo niya. Natigilan ako dahil nakita kong umiiyak siya. Parang nanghihina ako. Gusto ko siya yakapin pero pinipigilan ko ang sarili ko.

Ito ang unang beses na nakita ko siyang umiyak  ng ganito. At dahil na naman sa akin.

Tumingin siya sa akin.

"Are you sure you really want this?" Halos parang hindi na malinaw ang pagkakasabi niya dahil sa panay ang paglunok niya.

Pinigilan ko ang umiyak at wala sa loob na tumango ako. Sabay umiwas ako ng tingin sa kanya dahil alam kong kung titingin pa ako sa kanya, baka hindi ko na mapigilang umiyak.

"Okay... fine."

Sabay tumayo siya at umalis ng restaurant. Iniwan niya ako.

Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Parang wala na akong malanghap na hangin sa paligid kaya panay ang paghinga ko nang malalim.

Nanatili lang akong nakaupo sa loob ng restaurant ng halos isa o dalawang oras. Nanghihina ako.

At pakiramdam ko kung tatayo ako agad, matutumba lang ako dahil parang nawala lahat ng lakas ko. Ramdam ko rin na nanlalambot ang tuhod ko. Tinitingnan ko lang rin ang mga pagkaing hindi nagalaw.

Pinay Meets Fil-Am Guy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon