Part 6/9

3.5K 98 2
                                    

Naging sobrang saya ng relationship namin ni Vien.

Bumalik ulit sa dating saya ang barkada. Naging katulad ulit kami ng dati ni Raymond. 

Ganoon rin sila ni Vien. Boto ang barkada sa relationship namin. Supportive rin sa amin ang Mommy ni Vien. Yup, nakilala ko na ang Mommy niya. Naging super close rin ako sa kanya kasi napakabagets din ni Tita.

Isang beses ko palang nakita ang Daddy niya, noong minsang pumunta ito sa Pilipinas. Napakagwapo rin ng Daddy ni Vien. No wonder kung bakit artistahin din ang anak nila.

Hindi kami nag-aaway. Kapag ako kasi nagagalit, siya ang tumatahimik at umiintindi. Kapag siya naman ang galit, ako naman ang tahimik at nagsosorry. Hindi talaga kami nagkakasalubong ng mood.

Isang beses lang kami nagka-issue. Noong umpisa pa iyon na hindi maiwasan ni Vien na magselos sa closeness namin ni Raymond. Pero nasolve naman agad.

+++

"Uy Yhanz, anong problema mo diyan? Hindi pa rin ba nagpaparamdam sa'yo Prince Charming mo?"

Tanong sa akin ng best friend kong si Angie. Classmate ko rin siya at siya pa lang ang nakakaalam sa mga kaklase ko tungkol sa pagkakaroon ko ng boyfriend.

Napasimangot ako lalo.

"Ewan ko nga ba, Angie. Never pa siyang nagiging ganito sa akin. Ni text, ni tawag, ni hi- ni ho! Wala..."

"Ehh baka naman kasi busy sa school nila. Hindi ba top student din ang jowa mo na iyon doon sa school nila?"

"Sana nga. Eh ano ba naman iyong magtext siya kahit isang beses lang na 'Sorry ahh. So busy today', ang hirap ba nun? Ilang araw na siyang ganito sa akin ah."

"Sus. Huwag masyado mag-isip, baka may kailangan lang asikasuhin. Eh di ba, alam mo naman sa kanila? Bakit hindi mo na lang kaya dalawin?"

"Hay huwag na lang. Ang pangit naman din kasi siguro na araw-araw na lang kami nagkikita. Baka magkasawaan kami bigla."

"Iyon naman pala eh. Edi huwag ka na magmukmok diyan. Maglinis ka na lang ng room! Cleaners ka, di ba? Eskapo ka na naman sa paglilinis ahh."

"Kaya na ni Emman 'yan. Siya naman ang leader ehh. Support lang kami dito! Hahaha."

"Siraulo ka talaga. Akala mo kukunsintihin ko iyan? Halika! Uwi na tayo! Hahahaha."

Pero nauna na rin umuwi si Angie sa akin. Kasama niya kasi ang boyfriend niya.

Two is enough. Three is a crowd. Hahahaha. 

Paglabas ko sa gate ng school, nakita kong nasa labas ang kotse ni Vien. Lumapit ako dito at lumabas siya.

Tama nga ako at siya iyon. Tumingin muna ako ulit sa loob ng kotse at kumaway kay Manong Arthur, ang personal driver ni Vien. Kumaway din ito sa akin. Super bait din kasi sa amin ni Manong Art.

Binalik ko na uli ang tingin sa kanya.

"Uy himala! Nagpakita ka na!" Kahit na ang gusto ko talagang sabihin ay namiss ko siya.

"I'm sorry for not showing up for how many days. I just got busy with some important business matter. Are you mad?"

"Yeah..."

Mas nalungkot naman ang mukha niya. Ngumuso pa.

"...pero nung nakita naman na kita, nawala naman bigla."

Naksss! Marunong na rin akong bumanat. Iba talaga naidudulot ng inlove.

Nag-abot tainga naman agad ang ngiti nito. Ang gwapo ng boyfriend ko.

"I miss you, my Angel..."  sabay yakap niya sa akin.

"Ayysus. Gusto ko Tagalog."

"Namisss keyytaah... sovraaa!"

"Sige na. Mag-English ka na lang. HAHAHA  joke lang."

Nagtawanan na lang kami dalawa. Sabay hinalikan niya ako sa noo. Sa ganitong paraan lang dumadaan ang tampuhan sa aming dalawa. Hindi na pinapalaki ng isa't isa.

May tampuhan nga ba dun? Haha.

Oo. Masakit din kaya sa heart na walang paramdam ang jowa mo ng ilang araw sa'yo.

Nakakabaliw sa kakaisip kung anong nangyayari.

Mula sa school ko, dumiretso kami sa bahay nila.

Gusto kasi ni Tita na doon na ako sa kanila maghapunan. Magluluto raw siya ng paborito naming ulam ni Vien. Ang adobo... bow! 

Specialty rin kasi ni Tita ang adobo. Hinahanap-hanap nga ng dila ko iyong lutong adobo ni Tita. Sobrang sarap kasi.

Pagdating namin sa kanila, naabutan pa namin si Tita na nagluluto. Umakyat muna si Vien sa kwarto niya habang ako, naiwan sa kusina. Tinutulungan si tita magprepare kahit wala naman akong alam sa pagluluto.

"I'm so glad na nagkausap na kayo ni Vien. It took days for him para makahanap ng lakas ng loob na kausapin ka. I can really see na gustong gusto ka talaga niyan ng anak ko"

"Po?" Honestly, hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ni Tita.

"Alam kong mga bata pa kayo and supportive kami sa inyong dalawa because me and his dad can see kung paano nagbago ang anak namin since makilala ka. How good influence you are sa barkada nila. And how you and Vien are being so responsible sa feelings and emotions niyo. But as I said, bata pa kayo. Marami pang opportunities na darating sa inyo and we, as parents, need to make some decisions that we think na ikakabuti ng anak namin..."

"Tita? What do you mean po?"

Nakita kong saglit na natigilan si Tita at tiningnan lang ako.

"Hindi pa kayo nagkakausap ni Vien?"

"Tungkol po saan, Tita?"

"Babalik na ulit kami sa States."

"Poooo?!"

Parang nanlamig ako at iyong parang panandalian kang nabingi. Parang isang ful lblast na sound ang narinig ko kay Tita.

"Naku, pasensya ka na anak ahh. Akala ko nag-usap na kayo. Pasensya ka na masyado akong madaldal. Hayaan mong si Vien na lang ang magsabi sa'yo ng lahat. So sorry..."

"T—Tita..."

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang marinig ko si Vien na pababa na ng hagdan at papunta na sa amin.

Nagkunwari akong normal the whole night. Pinipilit ko ang sarili ko na huwag muna masyadong magpaapekto sa nalaman ko.

Hihintayin ko na lang na si Vien mismo ang magpaliwanag sa akin.

Hanggang sa hinatid na niya ako pauwi.

Hinintay ko siyang magsabi ....

Ngunit wala pa rin akong narinig mula sa kanya.

Pinay Meets Fil-Am Guy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon