CHAPTER 6

14.6K 339 24
                                    

A/N: Here's another chapter!
Hope you like it I mean hope you love it❤️
Your Vote & Comment is highly appreciated  also follow me

🦋🦋🦋

RHEALYN POV
Mabilis lamang na lumipas ang panahon. Eight months na akong buntis at malaki na din ang tiyan ko. Sabi nga nila ay baka daw kambal ang anak ko pero ang totoo niyan ay apat sila. Nagulat nga kami ni Chelsea dahil kasama ko siya nung nagpaultrasound ako. Imagine first time ko yun tas apat agad. Dahil sa nakalipas na 3 years ay hindi niya ako ginalaw kahit na mag-asawa kami dahil alam niyang hindi pa ako handa. Yung araw lang na nagalit siya dun lang yun nangyari.

Tatawa-tawa kami nun na lumabas ni Chelsea sa ospital. Imagine isa pa lang yun apat agad. Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao.

By the way andito na pala si Chelsea simula pa ng six month akong buntis ewan ko ba jan.

Si Chronos naman ay nasa ibang bansa ngayon  para sa business trip niya. Sabi ni Chelsea ay patuloy pa din naman niya akong pinapahanap pero lagi namang nahaharangan ni Chelsea ang mga taong naghahanap sa akin.

“Pangit tara maglakadlakad tayo kesa lagi kang tulala jan”, sabi ni Adriel.

“Oo nga naman ate Rhealyn tara punta tayo sa bayan dun tayo sa plaza”, sabi ni Chelsea.

“Yeah sure magbibihis lang ako”, sabi ko sa kanila. Nagbihis lang ako ng isang maternity dress.Hindi ko nga namalayan na may mga dala pala silang  pagkain.

Habang nakatanaw ako sa sasakyan na dumadaan ay ramdam kong may nakatingin sakin. Simula pa ng dumating ako dito at sa tuwing pumupunta ako sa bayan ramdam ko na may sumusunod sakin at may nakamasid. Pero sa tuwing titingin ako sa likod ay wala naman na tao.

“Ate Rhealyn sino bang hinahanap mo?”,  tanong ni Chelsea.

“Huh wala naman, ang weird lang kase ramdam kong may nakatingin sakin”, sabi ko sa kaniya.

“Guni-guni mo lang yan pangit”, sabi ni Adriel sabay tawanan nila ni Chelsea kaya natawa na rin ako.

“Dito muna kayo guys bibili muna akong burger”, pagpapaalam ko sa kanila. Hindi nila ata narinig ang sinabi ko dahil tuloy-tuloy pa din silang nagusap.

Habang papunta ako sa tindahan ng burger ay ramdam kong may nakasunod sa akin kaya agad kong tinignan ang likod ko kung may tao ba pero wala naman.

“Ate isang burger nga po pero ate huwag po burger patty ang ilagay mo gulay lang po”, sabi ko sa nagtitinda. Agad naman ngumiti sakin ang tindera “sige iha”. Akmang kukunin ko na yung pambayad ko pero wala ito sa bulsa ko. Damn mukhang naiwan ko pa.

“Saglit lang ate babalik po ako, nakalimutan ko po kase yung pera ko eh”, sabi ko sa nagtitinda. Akmang tatalikod na ako ng may mag-abot na ng pera sa tindera.

“Here miss”, sabi nung lalaking nakajacket na may hood. Bakit parang familiar itong lalaking to, hindi pa man ako nakakapagpasalamat ay agad na itong umalis.

Familiar din yung black jacket niya eh, parang yun yung niregalo ko kay Chronos nung first anniversary namin. Pero sabi ni Chelsea nasa ibang bansa si Chronos.

Kunsabagay baka kaparehas lang ng jacket na yun.

***

MEANWHILE...
Agad na dinial ni Chronos ang number ng kaibigan niyang si Apollo Halston.

Yow what's up men”, bungad sa kaniya ni Apollo.

“I found my wife but she's pregnant”, sabi niya.

Napamura naman si Apollo sa kabilang linya.
--------------------------------------------------------------------------------------
A/N: who's the guy in a black jacket?

Hiding The Billionaire's Quadruplets (Hiding Series #1) [completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon