May mga bagay na dapat hindi pinapakielaman kung hindi satin, lalo na kung pribado ito. Dahil baka ito pa ang maging sanhi ng iyong kapahamakan... o kaya ng kamatayan.
-----
"Pano guys? kita nalang tayo bukas?" sabi ni Ella na isa-isa ng yumakap saming makakaibigan. Galing kasi kami ng outing, 2 days & 1 night din kami sa Batangas. Nagpaalam na kami sa isa't-isa dahil magkakaiba ang ruta ng bahay namin.
"Bukas agad? sa ibang araw naman ba. nakakasawa na mga mukha niyo." sabi ni Mika na binatukan ni Ella. Nagsitawanan kami.
"Hoy! Chelle, diretso uwi ha?" tapik ni Makoy sa balikat ko. Hinampas ko nalang siya, my god! sa ganitong oras? maggagala pa ko?
"Ingat sa pag-uwi ha?" ani ni Neri na sumakay na ng jeep. Kumaway kami at nagsisakayan na ng jeep patungo sa uuwian namin.
Pagkababa ko ng jeep ay naglakad na ko patungo sa bahay namin. Wala na kasing masakyan na pedicab sa ganitong oras. Tatlong street lang naman ang nilalakad ko papunta sa street namin. Tama lang naman ang layo, at saka may mga poste at may mga nagtitinda pa naman kahit papano sa mga nadadaanan ko.
Dalawang street nalang ang lalakarin ko... para malibang na rin ay kumanta nalang ako ng mahina. Ayaw ko naman maglabas ng cellphone para mag-soundtrip at baka mahold-up pa ko. Syempre delikado din sa lugar namin lalo na't ganitong oras. Sadyang malakas lang talaga loob ko.
Paliko na ko sa pangalawang street ng may maapakan ako. Medyo madilim na kasi sa bahagi na 'to kaya di ko napansin at di ko nakikita kong ano itong naapakan ko.
Pinulot ko ito,
'Ano 'to notebook?' Kinapa ko ito, kasing laki ito ng notebook pero matigas yung cover nito. 'baka libro?' tanong ko sa sarili ko. Dahil curious ako kung ano iyon ay dinala ko nalang iyon.
Malapit na ko sa street namin ng maramdaman ko na parang may nasunod sakin. Nagpalinga-linga ako sa paligid pero wala naman. Nakaramdam ako ng takot kaya binilisan ko ang lakad ko.
Nang makarating ako ng bahay ay agad kong sinarado ang gate at tumakbo papasok ng bahay. Nagdahan-dahan ako sa pag-akyat sa kwarto ko dahil baka magising sina mama. Inaantok na ko, baka pa-kwentuhin pa ko nun. Agad akong humiga sa kama, at pinatong ang napulot ko na..
Notebook!!
Ngayon ay kita ko na kung ano itong napulot ko. May naka-drawing na bilog sa harap at sa loob ng bilog ay may star. Nakakakilabot ang naka-drawing. Simple lang siya pero parang di ko maintindihan kung bakit kakaiba ang nararamdaman ko sa notebook na ito.
Dala na rin ng curious ko ay binuklat ko ito.
THIS DIARY IS A PRIVATE PROPERTY. DON'T READ THIS OR ELSE YOUR DEAD!
Yan ang nakasulat sa unang pahina ng notebook. Napailing nalang ako at natawa. Mga kalokohan talaga ng mga tao oh!
"It means diary pala to ha? Tch" ililipat ko na sana sa pangalawang pahina ng makaramdam na talaga ako ng antok.
"bukas ko na nga lang basahin" nilapag ko na ito sa table sa gilid ng kama ko at agad akong nakatulog.
Kinabukasan..
"Uy Chelle, pahiram naman ng notebook mo sa Humanities" sabi sakin ng kaibigan ko na si Layla.
"Kunin mo nalang sa bag ko" busy kasi ako sa paglalaro sa tablet ko.
"THIS DIARY IS A PRIVATE PROPERTY. DON'T READ THIS OR ELSE YOUR DEAD!?" nagtaka ako sa sinabi niya. Pagtingin ko kay Layla ay hawak niya ang diary na napulot ko kagabi. Bakit nasa bag ko yan?