PGS #11: Special Gift

1.7K 22 3
                                    

Ang valentines day ay araw ng mga pusong nagmamahalan. Sa araw na ito ay di mawawala ang pagbibigay ng bulaklak o kaya chocolate sa mga taong special satin. Pano kung may nagbigay sa iyo ng isang regalong di mo inaasahan? Isang regalong magpapagimbal sayo.

-----

"Valentines day na bukas, ano balak mo?" tanong sakin ng katrabaho at kaibigan ko na si Patrick. Sa publishing company kami nagtatrabaho, parehas kaming editor. Ningitian ko lang siya.. araw na pala ng mga puso bukas.

Naalala ko ang nobyo ko na si Joseph.. wala pa naman siyang nasasabi sakin sa plano niya para bukas. Napangiti nalang ako, mahilig din kasi sa surpresa iyong nobyo ko.

"bahala na. basta kasama ko nobyo ko"

"hay! Buti pa kayong mga taken,, may date bukas. Pano naman kaming mga single?" nakasimangot niyang tanong. Natawa nalang ako.

"pang-taken lang ba ang Valentines? Pwede naman mag banding ang mga walang kasintahan sa mga kaibigan nila, sa pamilya"

"sabagay. Anong gusto mong regalo bukas?" tanong niya at sabay akbay niya sakin. Alam kong may gusto sakin si Patrick.

Nanligaw siya sakin pero tinanggihan ko siya dahil nga sa may nobyo ako. Pinaliwanag ko naman na kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya.

Tanggap naman niya, pero minsan alam kong nagpapalipad hangin siya. Di ko nalang binibigyan ng malisya.

"Kahit ano. Basta special"biro ko.

"Geh ba. Basta ikaw" sabay ngiti niya sakin. Natawa nalang ako.

Bumalik na kami sa pwesto namin ng tumunog ang cellphone. Napangiti ako ng mabasa ko ang text ni Joseph.

Mahal, di kita masusundo ngayon. OT ako eh. Bawi ako bukas, sunduin kita. Date tayo.. ilove you

Halos magsirko ang puso ko sa nabasa ko. 2 years na din kami ni Joseph, at kahit na madalas siyang busy sa trabaho ay bumabawi siya sakin pag may free time siya. Mahal na mahal ko din talaga siya.

Maaga akong nag-out dahil kailangan kong magpahinga. Baka kasi bukas pag nag-date kami ay para akong bangag na wala pang tulog. Kagabi naman ay nag-OT ako kaya walang problema. Paalis na ko sa Company ng may lumapit sakin ang isa sa katrabaho ko.

"Maxine, may nagpapabigay sayo" sabay abot niya sakin ng sulat. Teka, sulat?

"Sigurado kang sakin 'to?" takang tanong ko. Sino naman ang magbibigay ng sulat sakin? Kung family ko man ay di naman nagpapadala ng sulat ang mga iyon. Social network na ang gamit nila.

"Inabot ng messenger eh. Saka may name mo sa likod. Tignan mo nalang" tumango nalang ako. Tinignan ko ang inabot niya sakin,, naka-pulang sobre ito. Pula? Naalala ko ang nobyo ko na si Joseph. Baka sa kanya galing 'to? Di ko mapigilan ang mapangiti. Alam niya kasi na red ang favorite color ko.

"Loko talaga yun. May pasulat-sulat pang nalalaman" napailing nalang ako at binuksan ang sobre na di mawala-wala ang ngiti sa labi ko.

Nang mabuksan ko na ito ay nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa nabasa ko.

Mahal na mahal kita Maxine. Bukas ang araw ng mga puso at may surpresa ako para sayo. Isang regalong hihigit pa sa bulaklak at chocolate. Akin ka lang Maxine. Akin lang.

Di ko mapigilan ang makaramdam ng takot,, hindi lang dahil sa sinabi nito.. dahil ang ginamit na pangsulat ay..

Dugo!

Philippine Ghost StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon