PGS #13: Aswang

488 5 0
                                    

"Ramdam ko na ang mabangong simoy ng hangin sa Capiz." nakapikit na sabi ng kaibigang si Che.

"Oo nga! Whooa! Malayo na naman tayo sa lugar na puno ng usok." dagdag ni Keila.

Natatawa nalang si Apple sa inaasta ng mga kaibigan. Tatlo silang magka-kaibigan na magbabakasyon sa Capiz na province ng kaibigang si Mara.

Tuwing bakasyon kasi ay nakagawian na nila ang dumayo sa province nilang magbabarkada, pero kahit na tatlo sa kanila ang di nakasama ay tuloy pa din ang bakasyon nila. Ika nga nila 'the shows must go on'.

"Excited na 'kong makarating sa inyo, bhest." Sabi ni Che.

"Kahit din ako, pero totoo ba na may mga aswang at mangkukulam sa lugar niyo?" Tanong ni Keila.

Napaisip si Apple sa tinanong ni Keila. Totoo nga kaya ang sabi-sabi na may aswang sa Capiz. Natawa nalang siya sa naisip. Di  naman totoo yun. Modern age na at year of technology na kaya di siya naniniwala sa ganyan. Kahit din sa mga pamahiin ay di siya naniniwala. Dahil para sa kanya, panakot at katang-isip lamang ang mga iyon. Mga gawa-gawa ng mga ninuno at di niya alam kung bakit hanggang ngayon ay sumusunod pa rin ang mga tao doon.

"Oo. Sabi ni nanay ko. May mga naririnig din ako na totoo nga 'yon. Wala pa naman akong na engkwentro na aswang or mangkukulam." sabi ni Mara.

Nagke-kwentuhan pa rin ang tatlo niyang kaibigan about sa aswang. Paniwalang-paniwala talaga ang dalawa. Naglagay nalang si Apple ng headset para kahit papano ay malibang siya.

CAPIZ PROVINCE...

Naalimpungatan si Apple ng tapikin siya ng kaibigang si Che sa balikat.

"Nandito na tayo." sabi ni Che.

Luminga-linga siya sa paligid at palubog na pala ang araw. Nang makababa na sila ng bus ay napapikit siya sa lamig at mabangong simoy ng hangin.

Naglakad na sila papunta sa pilahan ng tricycle kung saan ihahatid sila papunta sa baryo nila Mara.

Habang sakay ng tricycle ay di maiwasan ni Apple na pasadahan ng tingin ang mga bahay na nadadaanan. Kanina lang ay marami pa ang bahay na nadadaanan nila pero ngayon ay iilan nalang.

"Hanggang dito nalang po tayo." Napatingin siya kay manong.

"Baka pwede po pahatid hanggang sa bahay. Di pa naman ho nalubog ang araw."

Narinig niyang sabi ni Mara.

"Naku ineng, hanggang dito nalang talaga. Mabuti na iyong nakakasiguro. Pasensya na."

"Magbabayad naman kami manong ah?." Asar na sabi ni Che.

"Pasensya na talaga. Mas mahalaga buhay ko."

Wala na silang nagawa kundi bumaba ng tricycle.

"Grabe! Parang pahatid lang sa inyo eh. Bakit pala ganun reaksyon nun? Parang takot." Nagtatakang sabi ni Keila kay Mara.

"Mamaya ko na ikuwento sa inyo. Kailangan na nating makauwi sa bahay bago magdilim." Sabi ni Mara at nag-umpisa nang maglakad.

Di na umimik sina Che at Keila. Sa isip ni Apple ay natatakot lang magtanong ang dalawang kaibigan dahil masyadong matatakutin ang dalawa. Mabilis maniwala sa mga haka-haka.

Di man siya umimik ay may tanong pa rin sa isip niya. Bakit nga ba ganun nalang ang reaksyon tricycle driver. Ano meron sa lugar na ito at di pwedeng magpang-abot ng dilim.

Kunting lakad pa ay natanaw na nila ang nakasulat sa taas na malaking letter na inukit sa bakal.

Baryo Peligro

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 12, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Philippine Ghost StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon