PGS #9: Classmate

1.7K 28 0
                                    

Unang araw ng pasukan, 3rd year HighSchool ako sa bagong School na papasukan ko ngayon. Transferee kasi ako galing sa probinsiya. Sinama na kasi ako ni kuya dito sa Maynila para dito na mag-aral.

"Ihahatid pa ba kita , Kaye?" tanong ni kuya habang inaayos niya ang polo niya. Pareho kasi kami ng oras ng pasok, siya sa trabaho.. ako naman sa School.

"Osige, text ka lang kung naligaw ka ha?" sabi pa ni kuya. Tumango nalang ako. Isang sakay lang naman papunta sa School na papasukan ko.

School..

Pagpasok ko pa lang sa gate ng paaralang ito ay makikita na agad ang mga studyanteng kumpol-kumpol. Mga naghahanap siguro ng classroom nila.Nakaramdam ako ng lungkot kasi tuwing unang araw ng pasukan lagi kaming magkakasama ng mga kaibigan ko sa paghahanap ng section namin.

Tumingin ako sa bulletin board kung saan makikita ang listahan ng section ng mga studyante.

"Uy, section-4 ako. Not bad" sabi ko sa sarili ko at agad kong hinanap ang classroom ko.

Nang mahanap ko na ang classroom ko ay wala pa gaanong tao doon, iilan pa lang. Agad kong nilinga ng tingin ang classroom para humanap ng mauupuan. Paggawi ng tingin ko sa dulong bahagi sa last row may nakaupo doon na babae.

Nakayuko ito, mahahalata mo na shy type siyang tao. Lumapit ako at dun umupo sa tabi niya.

"Hi" bati ko sa kanya at ningitian siya. "ako nga pala si Kaye Cortez, transferee ako dito" nilahad ko ang kanan kong kamay sa kanya.

"Faye Masinsin" mahina niyang sabi pero sapat na para marinig ko.

"Wow! magkatugma ang pangalan natin ah?" ngumiti lang siya ng kimi.

"Friends?" sabi ko sa kanya. Tumango siya bilang sagot. Napailing nalang ako, okay na kahit tahimik siya. Altleast may kaibigan na agad ako.

---

"Kaye Cortez?" tawag ng Algebra teacher namin. Nag-aatendance kasi si Maam. Nang matapos siya ay.. nagtaka ako.

"Natawag ka ba?" tanong ko kay Faye. Para kasing di ko narinig ang pangalan niya eh.

"Oo" maiksi niyang sabi. Napatango nalang ako.. baka di ko lang napansin.

Marami ren ang nakipagkaibigan sa'ken. Nagtataka ako kasi di nila pinapansin si Faye. Dahil ba sa tahimik lang siya? May mga classmate din naman kami na tahimik pero iniimik naman nila. Sabagay weirdo din kasi 'tong si Faye eh.

"Faye, bakit di ka pinapansin ng mga classmate natin?" tanong ko sa kanya habang nakain ng hamburger. Inaalok ko siya pero ayaw niya naman.. natitiis niya yun? Ang hindi kumain buong maghapon? Lage lang siya dito sa room. Weird.

"Siguro dahil napaka-tahimik ko" mahina niyang sabi. Ganun ba 'yun?.

Unti-unti nang dumadating ang mga classmate naming. Breaktime kasi ngayon, kami lang ni Faye ang naiwan sa classroom.

Kahit na minsan lang umimik si Faye ay todo kwento pa'ren ako sa kanya. Okay na ren yun kaysa naman na mapanisan ako ng laway. Ayaw ko din naman na sumama sa ibang classmate namin kasi unfair yun sa kanya. Siya ang una kong naging kaibigan.. unang araw pa lang ng pasukan.

Nagtataka ako kasi napapatingin yung mga classmate namin samin.. o sa'ken lang? Pati ba naman pagtingin di nila magawa kay Faye? Di ko alam pero nakaramdam ako ng inis sa kanila. Nakatukod kasi ang dalawa kong siko sa desk ng upuan ni Faye. Dinadaldal ko siya. Ah siguro sa isip nila mukha akong sira kasi di naman palaimik ang katabi ko.

---

Maaga akong napasok lagi, si Faye kasi eh.. kahit na gaano ako kaaga pumasok lagi pa din siyang nauuna sa'ken. Pagpasok ko pa lang ng classroom nakita ko na agad siya. Sa dulo, nag-iisa at nakayuko na naman. Sa ilang araw namin na magkaibigan ay nasanay na 'ko na ganyan siya.

"Aga mo lagi ah?" sabi ko sa kanya. Tinaas niya ang mukha niya at kiming ngumiti lang. Napailing nalang ako.

Nagstart na ang klase namin ng tawagin ako ng chemistry teacher naming.

"Cortez?" tawag ni Maam Marasigan.

"Maam?" tinaas ko ang kanan kong kamay.

"Gusto mo lumipat ng ibang upuan?" tanong ni Maam. Umiling ako, tumango naman siya. Kung lilipat ako, pano si Faye?. Hindi ko siya iiwan dito.

Kinabukasan..

Absent siya? Nagtaka ako kasi di naman lumiliban sa klase si faye. Kahit na tahimik lang siya masasabi ko na matalino siya. Nalungkot ako kasi wala akong makekwentuhan.

"Hi Kaye" bati sa'ken ng classmate ko na si Ara.

"Hello" ganting bati ko naman.

"Bakit lagi kang lonely dito?" tanong niya sa'ken.

"Huh? Lonely ka diyan. Lagi ko ngang kasama si Faye eh" nakangiti kong sabi pero di ko maiwasan ang magtaka.

"Sinong Faye?" tanong niya na nakakunot-noo.

"Faye Masinsin, yung katabi ko dito" tiinuro ko pa ang bakanteng upuan na nasa tabi ko. Sasagot pa sana siya pero dumating na ang Teacher namin.

"Cortez?" tawag ni Maam para sa attendance. Nagtaas ako ng kamay.

"Sinong di natawag?" tanong ni Maam Marasigan.

"Maam? Si Faye Masinsin po di niyo natawag. Pero absent po siya ngayon" sabi ko na nakataas pa ang kanang-kamay.

"Faye Masinsin?" takang tanong ni Maam.

"Yung katabi ko po dito" tinuro ko pa ang katabing upuan ko. Tinignan ko ang reaction ng mga classmate ko. Mga nagtataka sila, yung iba parang nangingilabot pa?

"Ah Miss Cortez, walang Faye Masinsin sa section na 'to. Kilala ko ang sinasabi mong si Miss Masinsin kasi naging studyante ko siya dati. Mas lalong imposible na maging studyante ko siya ngayon kasi.. isang taon na siyang.. patay" halata sa guro namin ang takot.

"P-po..?" nangingig ko na sabi. Binalutan ng takot ang buong pagkatao ko. Halos magtaasan din ang ga balahibo ko sa nalaman ko. Patay na si Faye? Ang kaibigan ko at lagi ko pang kakwentuhan?

Sa sobrang takot ko ay nagging blanko ang paningin ko.

---

Nagkamalay ako sa clinic. Di pa ren nawawala ang kilabot na nararamdaman ko.

"Isang taon ng patay si Miss Faye Masinsin. Doon ang upuan niya sa tabi mo nung nabubuhay pa siya. Dun din siya namatay." Sabi ni Maam Marasigan.

Kinuwento ni Maam ang ga nangyare nun, kaya pala lagi siyang nauunang pumasok kahit na mas agahan ko pa ang pasok ko. Kaya pala na di siya napapansin ng mga classmate namin kasi... ako lang ang nakakakita sa kanya. Isa na siyang multo.

"A-ano pong.. k-kinamatay niya?" halata pa din sa boses ko ang nginig.

"Mabait at matalino ang batang iyon. Tahimik din talaga siya, ilang araw siyang parang naging balisa nun. Minsan nga maabutan ko pa siya na umiiyak. Nagulat nalang kami ng maabutan namin siya sa classroom.. sa mismong upuan niya na.. laslas ang pulso. Sinugod namin siya pero.. wala na talaga. Nalaman namin na niloko siya ng boyfriend niya kaya nagawa niya yun." malungkot na sabi ni Maam Marasigan.

Nakaramdam ako ng takot, dahil sa nalaman ko. At awa.. kasi nangyare sa kanya iyon. Napaluha ako, naging malapit na sakin si Faye, kaya masakit din sakin iyon.

Kinabukasan nagsagawa kami ng dasal at pinabasbasan na ren ang classroom namin, para sa ikatatahimik ni Faye.

Sa row na nina Ara ako nakaupo. Napatingin ako sa kinauupuan ko dati.. at nakita ko si Faye doon.

Nakangiti siya..

Napangiti na ren ako, at kumaway siya sakin...

kaway ng pamamaalam.

---

Philippine Ghost StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon