"Goodbye class" paalam samin ng prof namin sa Algebra. At nagsitayuan na ang mga classmate ko.
Di muna kami tumayo ng tatlo kong kaibigan. Uwian na kasi at panigurado na punuan na naman sa cr ng babae. Ang tagal pa man din mag-ayos nung iba.
Hinihintay namin na wala na masyadong tao dun. Ayaw kasi namin ang siksikan.
Ilang minuto lang ay pumunta na kami sa cr. Wala ng tao dun.
"Tulad mo na may pusong batoooo" birit ng kaibigan kong si Ella pagpasok palang namin sa cr.
Panggabi kasi ang uwian namin. Kaya gustong-gusto namin ang nagpapahuli kasi nagagawa namin ang mga kalokohan namin.
"Hahaha pambasag pinggan talaga yang boses mo bhest" sabi ni Carla. Nagtawanan kami.
"Tara picture tayo" yaya ko. Nilabas ko ang phone ko at tinapat sa salamin. Naka-ilang picture din kami.
"Tara na guys. Baka may magpakita pa sa'ten dito" takot ni Ninay
"Halaa.. balibalita nga na may nagpaparamdam daw dito" dugtong naman ni Ella.
"Waaaaa!" Sabay sabay kaming napasigaw at takbo palabas ng cr.
Palayo na kami dun ng makaramdam ako na parang may tumutulo sa bandang baba ng puson ko.
"Guys, i think kailangan kong bumalik sa cr" sabi ko sa kanila. Asar! Bakit kasi ngayon pa ko nagkaroon? Langya naman.
"Bakit? Kaw nalang bumalik dun. Nakaasar 'tong mga to eh. Nanakot pa" turo ni Carla kina Ninay.
"Di ako nanakot. Sinabi ko lang" depensa naman ni Ninay.
"Ako na nga lang. Di naman totoo yan eh" sabi ko naman. Di naman kasi ako ganun ka matatakutin. Dipende kung tinatakot ako.
Mag-isa akong bumalik sa cr. Naghulog muna ko ng limang piso para makakuha ng pasador at pumasok sa cubicle.
"Asar talaga. Wrong timing ka" sabi ko sa sarili ko. Wala pa naman katao-tao sa cr kaya ang tahimik ng paligid.
Wala na ring tao sa mga room kaya wala ng ibang studyante na mag'ccr. Maliban nalang sa mga kaibigan ko na imposibleng bumalik dito. Mga matatakutin masyado.
Kumanta nalang ako para kahit papano magkaroon ng ingay sa paligid. Nahinto ang pagkanta ko ng may maulinigan akong iyak. Teka may naiyak?
"Huhuhuhu..." yan ang iyak na naririnig ko. Pinakinggan ko ito ng maigi. Nanggagaling ang iyak sa isa sa mga cubicle.
Nagtaka ako. Wala naman akong naramdaman na may pumasok sa mga cubicle dito. Mahina lang ang pag-iyak nito. Pero dinig sa cr. Ang tahimik kasi ng paligid.
"Miss?" Tawag ko. Pero walang sumagot at patuloy pa rin ang pag-iyak nito.
"Hey! Ninay? Wag niyo nga ko pagtripan" baka kasi pinagti-tripan lang ako ng mga yun.
Binilisan ko ang pag-ayos sa palda ko. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng cubicle ko at isa-isa kong binuksan ang mga cubicle.
Patuloy pa din ang iyak ng babae. Nang makarating ako sa pinaka dulong cubicle nakasiguro ako na dito nanggagaling ang iyak. Nakasara kasi ang pinto.
Kinatok ko ito" miss? Okey ka lang?" Tanong ko. Pero wala akong sagot na nakuha. Tuloy pa din ito sa pag-iyak.
Kinakatok ko na ito" miss gabi na. Baka masaraduhan ka dito. Gusto mo pag-usapan natin kung ano man problema mo?" Alo ko sa kanya. Baka kailangan niya kasi karamay.
Patuloy pa din siya sa pag-iyak. Ang impit niya na iyak ay naging hagulgol. Nakasandal lang ako sa pinto ng katabing cubicle. Mayamaya tumigil na siya sa pag-iyak. Kinatok ko ulit ito pero walang nasagot.
Sumilip ako sa ilalim ng cubicle pero nagtaka ako. Kasi wala akong nakikitang paa sa loob. Di ko alam pero nakaramdam ako ng kilabot. Nagtaasan ang balahibo ko. Biglang lumamig ang paligid.
Baka naman nakapatong ang paa niya sa toilet? Kumbinsi ko sa sarili ko. Di ko nalang pinansin ang kilabot na nararamdaman ko.
"Miss, umuwi ka na ha? Baka kasi isara na to. Sige ka. Makukulong ka dito.. may multo pa man daw dito" takot ko sa kanya. Para naman lumabas na siya. Pero walang nalabas dun. Napailing ako at lumabas na.
--++--
"Goodbye class" paalam samin ng prof namin sa rhetoric.
Dating gawi ulet. Hintay ulet na mawala ang mga tao sa cr. Nang wala ng tao ay pumasok na kami sa cr.
Lumapit ako sa mga cubicle. Di ko alam pero isa-isa ko ulit ito binuksan. Nang makarating ako sa dulo ay nagtaka ako. Kasi nakasara na naman ito.
Nakatayo lang ako dun, pero wala pa ring lumalabas. Sinilip ko ang ilalim. Walang tao.
"Hoy! Mikay, anong sinisilip mo diyan?" Tanong sakin ni Carla.
"Tinitignan ko lang kung may tao pa. Nakasara kasi eh" sabi ko naman.
"Loka! Matagal ng nakasara yan. Parang di ka nag ccr dito ah?" Takang tanong ni Ninay
"Huh?" Nagtaka ako. Pero nakaramdam ako ng kilabot. Ibig sabihin?
Habang naglalakad kami pauwe, kinuwento ko sa kanila ang narinig ko dun. Sabi naman nila, pitong buwan na daw iyon nakasara. May nagpakamatay daw dun na studyante sa hindi malamang dahilan.
Di ko alam ang balita na yun. Kasi di ako mahilig sa tsismis. Pero di ko naitago ang takot na sumibol sakin.Kinilabutan ako sa nalaman ko. Simula nun sa ibang floor na kami ng ccr. Ayaw ko ng bumalik sa cr na yun.
---