Tawagin niyo nalang ako sa pangalang Ryza.
Two years ago ng lumipat kami sa malaki pero lumang bahay. Di naman ganun kaluma. Nagkupasan lang ang kulay ng pintura. Ayos pa naman ang mga dingding ng bahay. Matibay pa ang mga ito.
Dahil sa bagong-lipat kami, nagkaroon ng salo-salo sa bahay kasama yung iba naming relatives.
Gabi na ng umuwi ang iba ko pang pinsan. May dalawa akong pinsan na dito mag o'over night.
Dahil busy ang mga magulang namin ay niyaya ko yung dalawa kong pinsan na sina Trisha at Kera. Kasama ang kapatid ko na si Jhem na libutin ang bahay.
Nalibot na namin lahat pero ng pagbaba ko ng hagdan may nakita akong pinto sa gilid ng hagdan. Binuksan namin ito at pagbukas namin.. may hagdan pababa then pagbaba may other pinto na naman.
Nang makarating na kami dun, binuksan namin ang pinto at tumambad samin ang puro sapot na kisame at dingding. Maraming mga sirang gamit na nandun. Pero isa lang ang napansin ko, may parang kahoy na nakapatong sa table. Flat Board ito.
Lumapit ako dun at tinitigan iyon. Naka Alpabetical Letters ito. Then may 0-9 na numero. May "YES" or "NO" naman sa gilid nito. At sa pinakababa may "Goodbye" na nakasulat.
OUIJA BOARD
Kinuha ko ito at tinawag ko sila. Pero yung kapatid ko lang ang lumapit.
"Jhem, nasan sina Trisha?" tanong ko.
"Nag CR muna" sagot niya naman.
Napangiti ako. Nakaisip ako ng prank sa dalawa naming pinsan. Sinabi ko kay Jhem ang plano at sumang-ayon naman siya.
Nang makabalik na sila ay nag decide kaming-apat na salit-salitan kami ng tanong. Ako ang unang nagtanong.
"Spirit of the glass.. nandito ka na ba?" tanong ko.
Then gumalaw ang baso sa "YES". Nagkatinginan kami ni Jhem at napangiti.Tinignan namin sina Trisha at Kera. Halatang natakot sila pero bakas sa kanila ang pagka-mangha. Lalo akong napangiti.
Naka'ilang tanong din kami. Nang medyo na bored na ko dahil alam ko naman na kami lang ni Jhem ang nagpapagalaw ng baso ay nagyaya na ko na tumigil na.
"Wait lang. Last question nalang" sabi ni Trisha.
"Kung kaya mong hulaan ang future. Sabihin mo samin kung anong mangyayari bukas"- Trisha
Gumalaw ang baso. "May mamamatay sa ika-limang kwarto". Kinilabutan ako. Napatingin ako kay Jhem, nakakunot-noo siya. Nagtaka ako. Tinapos namin at nagsitulugan na kami.
Kinabukasan. Ginising kami ni mama ng maaga, Nagtaka ako, alam naman ni mama na puyat kami ginising pa kami ng maaga.
"Anak, wag kayo mabibigla. Patay na ang lolo niyo. Inatake sa puso habang tulog" sabi ni mama.
Isang linggo ng mailibing si lolo ng open ko ang topic sa ginawa naming kalokohan. Inamin na namin ang totoo kina Trisha at Kera na pinagtripan lang namin sila. Pero ang ikinagulat ko ng sabihin ni Jhem na hindi siya ang gumagalaw ng baso. At dun ko naisip na kusang gumagalaw iyon.
"May mamamatay sa ika-limang kwarto"
Ibig sabihin.. hindi gawa-gawa lang ang sagot sa huling tanong ni Trisha nun. At dun ko din napag tanto na kung bibilangin ay pang-lima ang kwarto ni lolo.
Natakot kami. Binalik namin ang Ouija Board sa bodega. At kahit kailan hindi na namin iyon pinakailaman ulit.