Chapter 1

3 0 0
                                    


Chapter 1

"Stop this damn wedding!" Narinig naming sigaw ng isang lalaki mula sa malayo.

Nabigla ako. Anong nangyayari? Etong lalaki sa tabi ko, liningon agad yung direksyon kung saan nanggaling. And i know kailangan ko ding lumingon. Wala naman akong choice. Paglingon ko...

O_O

"Alexander?!" Anong ginagawa niya dito? Edi ko naman siya sinabihan na ikakasal ako bago ako umalis ng Australia.

"Seriously Claire, yan yung nirentahan mong lalaki?" Sabi bigla ng lalaking nasa tabi ko.

"Nirentehan? Bakit naman ako rerenta ng lalaki?"

"Aminin mo na. Nirentahan mo siya para umeksena sa kasal natin ngayon diba? Ang pangit naman ng naisip mong plano. Sana ako na lang ang nag-isip ng mas magandang paraan.

Tsaka yang lalaki na yan, di man lang nangalahati sa kagwapuhan ko. Saan mo ba nakuha yan?"

Woah. Kahit kelan talaga, napakayabang at napaka-arogante ng lalaking to.

"Wala akong plano. Di ko rin siya nirentahan. Wag ka ngang magmagaling dyan."

"Kilala mo yung lalaking yan?" Biglang ng tanong ng pari sa harapan namin.

Yeah. Nasa kalagitnaan kami ng wedding ceremony kasama tong arogante kong fiancee. Fixed marriage. Wala na daw sineseryosong babae to, kaya nung 28 years old siya napagpasyahan ng daddy niya na i-pair sakin. Wala siyang nagawa. Only child. Kaya siya ang pinag-iinitan. Pumayag naman yung parents ko. Bestfriend sila. Tsaka puro daw ako KPOP. Wala daw akong bukambibig kundi Baekhyun. Di daw nila alam kung totoong tao yun. Para daw makasiguro sila na di ako forever na inlove sa lalaking di nila sigurado kung nag-eexist. Duhh. Kung pinayagan nila ako na tumira sa South Korea, edi sana may anak na kami ninBaekhyun ngayon xD .Psh. Sa 2 taon na enganged kami, walang nangyaring maganda. Ni pagiging magkaibigan, di namin maabot.

"Umm...kaibigan ko po siya..." Sagot ko sa pari.

"Anong problema? Ituloy niyo na yung kasal." Sabi ng tatay ng fiance ko.

"Claire, di ako papayag na makasal ka. Lalo na't napilitan ka lang." Sabi ni Alexander

Shems. Ano ba to? Nakakahiya na yung ginagawa niya.

"We can't proceed kung may tumututol." Sabi ng pari

"Mukhang effective yung bulok mong plano ah. " bulong sakin nung katabi ko.

"Wala nga akong plano. Ang kulit mo ah."

"Pero father, andito na po tayo eh. Kailangan na pong matuloy ngayon." Sabi naman ng Mommy ko.

"Di talaga pwede hangga't may tumututol. Kung gusto niyo ayusin niyo muna ang issue na to saka ko sila ikakasal." Then umalis na yung pari

----

Bash's POV

Woooh. Buti na lang di natuloy. Galing talaga ng kaibigan ni Claire. Pero sabi niya di naman niya pinlano to. Ayaw ko talagang makasal. Lalo na sa mga tipo ni Claire. Soft & sweet. Pa-cute. Parang di siya 24 years old. Ang mga tipo ko yung mga girls na sexy, dark aura. Yung bed warmer. Yung mga pinagpipiyestehan sa bar dahil chics na chics. Eh etong si Claire? Mukang dose anyos sa paningin ko. Kaya nga "kiddo" ang tawag ko sakanya.

"Hey kiddo, kilala mo talaga yung lalaking yan?" Bulong ko sakanya habang nagkakagulo yung parents namin pati mga guests.

"Oo nga. Kaibigan ko siya. Di ko lang alam kung bakitvsiya nandito eh di ko naman diya sinabihan."

"Eh kung kaibigan mo lang, bakit siya tumututol? May relasyon kayo noh?"

"Ha? Wala. Malay ko kung anong problema niya." Sabi niya habang nagbablush. Sus. Alam ko may something. Halata kaya.

Wala naman akong pakialam eh. Buti nga nagkalove life pa siya. Haha. Gusto ko lang siyang asarin.

Then napansin kong papalapit na samin yung guy.

"Claire, halika na." Sabay hawak niya sa kamay ni kiddo.

"Saan tayo pupunta? Tsaka bakit ka ba nandito? "

"Basta. We'll take later. Lets go. I'll take you away from this mess." Sabay tingin sakin ng masama

Aba. Anong gusto niyang iparating? Na ako yung mess? Sa gwapo kong to? Tsss. Well mangugulo ako sakanila ni kiddo.

Hinawakan ko yung isang kamay na kiddo para pigilan siya.

"Excuse me? Bitawan mo si Claire. Aalis na kami."

"No way. Ganun lang? Ako kaya ang fiancee."

"Ano naman? Eh sapilitan lang."

Tinanggal ni Claire yung kamay niya sa pagkakahawak nung lalaki.

"Alexander, umalis ka na. Nagulo mo na yung kasal. Di ko alam kung anong problema pero sana wag mo nang palalain to.."

"But---"

"Just leave. Please..." Oh. Medyo bothered si kiddo. Sabi na may something.

"Fine. Pero di kita hahayaan na makasal sa kanya. I'll do whatever it takes."

Then umalis na siya. Ha. Kampi sakin si Kiddo. Pero feel ko iniiwasan niya yun eh. Bahala nga sila diyan.

"Sebastian & Claire , what is this all about?! You have to explain saming mga parents niyo!" Sigaw ng Dad ko.

Eto na. Sermon na naman.

Oh and by the way I am Sebastian Yves "Bash" Villaluz CEO ng isang toy company. And I am stuck with this kiddo

Eto na guys. Enjoy xD

HATM 2: Oh My Claire!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon