Chapter 3

32 2 0
                                    

Ang Ikatlong Kabanata:
Hot Ass


"Goodness, woman, stop attracting too much attention." Napanguso ako sa sinabi niya. Ano bang magagawa ko? Tatanggihan ko ang mga fans ko na gustong magpa-picture at magpa-autograph?

"Artista ako, Gio. You can't expect me to ignore my fans. Alam mo iyon dahil pareho tayo ng industriyang ginagalawan." I explained.

"Yeah right." He rolled his eyes again. Nakakailang irap na 'to sa'kin ah.

Kasalukuyan kasi kaming naglalakad nang walang destinasyon. Ayaw niyang manatili nalang kami sa loob ng cabin. Siguro alam niyang aakitin ko lang siya doon. O 'di kaya, umaandar nanaman ang pagiging conservative niya. Oo, tatawagin ko nalang siyang conservative dahil mukhang iyon nga talaga ang kaugalihang kinalakhan niya kahit pa nasa entertainment industry siya. He's a hot ass conservative hunk.

"Amanda Robles! Oh my gosh! Can we take a picture with you?" Excited na tanong ng isang babae na may kasamang tatlo ring babae na mukhang mga Highschool students palang. Halata namang naaasar nanaman itong kasama ko.

"Err, sorry," tinaas ko ang kamay ko. "May challenge kasi kami ngayon. And I can't--"

"Or we can have a groupie with him!" Excited na suggest ng isa. "We won't mind!" Umismid si Gio sa narinig kaya marahan ko siyang siniko.

"But we do. Maybe sa next time nalang na pagkikita natin? We can take as much picture as you want, I promise." Wika ko na ikinabagsak ng balikat nila.

"Autograph, at least?" Umaasa naman na tanong ng isa.

"Sure!" Nakangiting sagot ko na ikinangiti na rin ulit nila. Pagkatapos niyon ay nagpaalam na rin sila.

"I'm starting to regret agreeing on this cuff stunt." He said.

"So do I," I mumbled. Medyo pinagsisihan ko nga ito. Inisip ko lang, baka may plano siya ngayong araw at bigla ko iyong sinira. As much as I want to be with him, I can't restrain him like this.

"Siguro dapat hanapin nalang natin iyong host ng mga palaro? Let's ask if we could get the keys right now." Mahinahon na suggest ko. Napatigil naman siya sa paglalakad at tinignan ako.

"May problema ba?" Biglaang tanong niya.

"Ha? Wala naman. Ikaw nga ang may problema eh. I should've not cuffed you when you're asleep. It's my mistake. Hindi ko naisip na baka may plano ka pala ngayong araw." I explained. Tinitigan niya ulit na parang tinatantiya.

"I don't have any plans today." Sagot niya na bahagyang ikinabigla ko. Does that mean he's okay with it?

"So, okay lang sayo 'to?" Tinaas ko ang mga kamay namin na nakaposas.

"It's not like I have a choice."

"You do have. Sabi ko nga, pwede nating puntahan ang host. Imposible namang tatanggihan ako 'nun."

"Stop being too full of yourself. Let's go buy a drink. Nauuhaw ako." Saad niya at nauna nang maglakad. Nanlaki ang mga mata ko, hindi dahil sa biglaang paglalakad niya kun'di dahil sa pinagsiklop niyang mga kamay namin. Dahil hindi ako afad nakagalaw, napatigil naman siya.

Run, Amanda, Run [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon