Chapter 21

112 4 4
                                    

Ang Ikadalawampu't-isang Kabanata:
Shopping day

Nakabalik na kami ngayon sa siyudad dahil tapos na ang lahat ng kailangan naming i-shoot sa Isla Sinag.

We're now in the press conference for the airing of the pilot episode of the series.

Bale ang pwesto namin ay simula sa kanan, si Macci, Tracey, Deiron, Ako, Zari, saka sa kabilang dulo si Harry.

Maayos naman naming nasasagot ang mga tanong na binibigay nila pero meron kasi talagang ibang mga tanong na hindi mo inaasahan, gaya nalamang nito.

"A question for Ms. Amanda, rumors were heard that you had been seen kissing someone off-set during your taping in the island. Was it true? Boyfriend perhaps?"

Tumawa ako. "You know, I promised my fans before, that I would always say the truth or rather be silent than give out a lie. So uhm..." sinadya ko silang bitinin.

"Yes. I am currently dating someone." I admitted. Hindi naman ako pinagbabawalan ni Freya na aminin ito sa publiko.

Sari-sari namang reaksyon ang nakita ko sa mga nakarinig. "And I hope you could also answer my last question. Two years ago, there were photos leaked by your fans visiting the island and you were on a vacation that time as well. They claimed they saw you with the former President, now CEO of YZ Entertainment. Was it true?"

Hindi pa namin napag-uusapan kung gusto ba niyang gawing public ang relasyon namin. I'm okay with anything. Pero ayokong pangunahan siya.

"You said there were photos. Suriin niyo nalang ang mga picture na iyon kung edited ba o hindi. I'm sure magagaling naman ang mga fans na manuri kung totoo ang isang litrato o hindi. So I will have to leave the answer to you, guys." Sabi ko nalang saka kumindat at sinundan ng mahinang tawa.

Hindi ko pwedeng aminin ang tungkol doon dahil mako-confirm din sa naunang question na si Gio nga ang karelasyon ko ngayon.

Ilang minuto palang, bumaling na sa ibang main lead ang atensyon ng press.

"D.T., this is the first time you will be leading a series that needs no romantic scenes. What made you accept the role?"

Deiron held the mic, "Thank you, good sir. Uhm... hindi ko alam. I just had the urge to take it. Siguro naastigan ako sa lead role na si Akiro." Pagbibiro nito na bumenta naman. Syempre. Poging artista ang nag-joke.

"Ahm... an honest answer would be," nilingon niya si Tracey, "I've always wanted to work with Direk Tracey Natividad." He genuinely answered while looking at Tracey.

Bago pa maka-react ang crowd, "and of course, with Ms. Amanda as well. Who wouldn't want to work with Amanda Robles? Swerte nga ako at ini-offer sa'kin ni Ms. Macci Escobar ang role." Agad na dugtong niya para mabaling sa iba ang atensyon ng madla.

Dapat lang. Kapag nagkataong ma-issue silang dalawa, kakatayin siya ni Tracey ng buhay kahit pa makakatulong iyon sa publicity ng series.

Sumagot pa kami ng ilang mga katanungan bago tuluyang natapos ang presscon.

NGAYON AY magkasama na kami ni Aeiou sa loob ng condo unit ni Gio. Dito kasi ako dumeretso pagkatapos ng conference dahil nagprisinta si Gio na siya ang magbabantay kay Aeiou habang wala ako.

Nang dumating naman ako ay si Gio naman ang umalis dahil kailangan siya sa kumpanya nila.

Kasalukuyan siyang nanonood ng paborito niyang tv series habang ako ay hawak ang script ko nang may nag-door bell sa labas.

Run, Amanda, Run [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon