Chapter 8

34 2 0
                                    

Ang Ikawalong Kabanata:
Let's Talk


I flip my hair as I gracely walk in the fancy restaurant. Who would've thought, I'll meet him in a set up like this today?

Napangisi ako nang makita na agad siya nang makalapit ako sa VIP area. Tahimik siyang nakatingin sa labas, and to my surprise, he's in a suit and tie outfit today. Woah, prepared!

"Ang kaso lang, madi-disappoint ka." Nakangising sabi ko habang palapit sa gawi niya.

Hinawakan ko siya sa balikat nang makalapit ako, dahilan para mapalingon siya sa balikat niya. Nang tinaas niya ang tingin sa'kin, agad ko siyang hinalikan sa labi. A bit long steady kiss. Hindi ko balak na patagalin iyon ng gano'n dahil akala ko hihiwalay siya agad. Namangha pa ako nang ako ang unang humiwalay sa halik.

"Why are you here?" Takang tanong niya pagkahiwalay na pagkahiwalay ng mga labi namin na ikinamangha ko lalo. Seriously? He won't throw a fit about my sudden kiss?

"Err, I'm here because someone sent me here." Alanganin na sagot ko. He looked at me, dissatisfied by my answer. "Well not literally sent me here, but I made her send me here." Magulong sagot ko.

"Ano?" Ulit na tanong niya.

"Whatever. Paupuin mo na muna ako." Wika ko at umupo sa katapat niyang silya.

"Amanda, may hinihintay akong importante." Sita niya sa'kin nang umupo ako.

"Alam ko."

"Then please, mamaya mo nalang ako guluhin. Doon ko na muna sa ibang table." Hah! This rude ass. Ang sarap niyang paluin sa pwet.

"Hindi ka sisiputin ni Tracey Natividad, Gio." Saad ko na ikinakunot ng noo niya. "She's my friend, for your information. And she sent me here to tell you that whatever you'd say, she won't sign a contract with YZ." Parang ako pa ang nanghinayang sa sinabi ko. Like, duh? YZ na ang nag-alok sa kanya tapos tatanggihan niya?

"At bakit hindi? She should at least tell us her reason. Baka pwede naming magawan ng paraan?" He asked. I smiled and crossed my legs.

"Mr. Giovanni Ignacio, once Tracey Natividad has set her mind, it won't be easy to change anymore." Matamis ko siyang nginitian, "pero kung magiging mabait ka sa'kin, baka tulungan kita."

"What do you want, Amanda?" Tanong niya na ikinangisi ko.

"Isa lang naman ang kapalit ng pagtulong ko sayo. Let me stay in your cabin for the rest of your vacation."

Yeah, baby. Bring my motto back to life. 'The closer, the better.' Baka nga maging 'the closest, the best' na kung sakali. May ilalapit pa ba ako sa kanya kapag iisang kwarto nalang ang tutulugan namin?

"What?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Alam mo, I really can't believe na may nakagawang bitinin ako ng gano'n. Ikaw lang, Gio." I open up a conversation about last night.

"Oh, so this is about last night." He scoffed. "I'm sorry to disappoint, but I don't mix my work and my private life. They don't have anything to do with each other." Pagmamatigas niya.

"Hmm. Understood. Pero sigurado ka ba? Ayaw mo akong makasama sa iisang kwarto lang? I know you like me, Gio. You kissed and touched me, kahit na hindi tayo. You already broke most of your principles, babe." I sweetly smiled.

Umigting naman ang panga niya. I hit a nerve. I concluded na mahalaga talaga ang parteng iyon ng reputasyon niya. Pero nabali iyon ng ganun-ganun lang dahil sa'kin. Pero hindi ko rin naman iyon pinagsisisihan. Baka nga proud pa ako eh.

Run, Amanda, Run [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon