Chapter 15

51 2 0
                                    

Ang Ikalabing-limang Kabanata:
Sweet Return


"WELCOME TO ISLAND OF SINAG, CAST AND CREW!"

Napangisi ako sa mainit na pag-welcome ng isla saamin. It's been almost two years since I last stepped on its crystal-like sands.

"Memories bring back memories yarn, girl?" Siniko ko si Sam sa sinabi niya.

"Hindi ko talaga maintindihan kung bakit sa lahat ng isla, dito mo ginusto." Nasabi ko nalang kay Tracey na siyang magiging direktor ng comeback project ko. Ito rin ang unang beses na magkakatrabaho kami. Siya bilang direktor at si Sam bilang cinematographer.

"Bakit? Ayaw mo ba dito?" Takang tanong ni Macci, ang scriptwriter ng series.

Nginitian ko nalang siya at walang balak na sumagot pero itong si Sam talaga ang panira ng buhay ko.

"Dito sila naghiwalay ng vacation boyfriend niya." Bulong niya kay Macci pero dinig ko naman. Psh!

"Vacation boyfriend? May gano'n?"

"Oo. Amanda Robles lang may gano'n. Amanda lang sakalam. Araay!" Binatukan ko nalang siya sa mga walang kwentang pinagsasasabi niya.

"Trace oh! Sinasaktan ako nitong artistang 'to!" Sumbong naman ni Sam na hindi rin pinakinggan ni Tracey dahil busy siya sa pakikipag-usap sa isang guide ng isla.

"Bakit? Papalag ka?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Hindi ko alam kung anong nakain ng babaeng ito. Bigla nalang naging masama ang ugali. Mabait naman ito last last year. Pero ngayon napakahilig nang mang-asar. Palibhasa, hindi na kasi virgin.

Natawa ako sa naisip. Totoo rin naman.

"Mandee, umayos ka nga. Nakatingin sayo mga tao oh." Bulong ni Freya sa tabi ko.

Napatingin ako sa tinuro niya. Biglang kumaway naman ang mga fans ko nang tumingin ako sa gawi nila. Mabilis akong ngumiti ng matamis at kinindatan sila.

"Psh! Plastik amp." Komento nanaman ni Sam.

"Tumigil ka diyan, kukurutin ko 'yang singit mong hindi na virgin." Wika ko habang nakapekeng ngiti pa rin para di mahalata ng mga fans.

Napasinghap si Sam sa narinig. "Hey!" Sita nito na nginisihan ko lang. Akala mo ah.

Hindi naman kasi big deal 'yon. Pero ayaw lang kasi niyang pinapaalala iyon dahil lang naman sa nawala ang iniingatan niyang bataan sa isang one night stand lang na naganap noong nasa New York pa kami. Recently lang nangyari iyon at ang bruha, walang matandaan maliban sa sure siya na siya raw ang nag-insist noon sa club bago sila bumagsak nung guy sa isang 5-star hotel.

"Guys, listen up!" Tinawag ni Tracey ang atensyon ng lahat. Nagbigay lang siya ng ilang mga paalala saka sinabi ang mga magiging cabin ng bawat crew at cast.

"Bakit hindi sa hotel?" Tanong ni Sam kay Tracey.

"Bakit hindi sa cabin?" Pabalik na tanong ng magaling na direktor. Nagtawanan naman sila sa mataray na sagot nito na ikinabusangot ng isa.

"Burn." Ngumisi ako na inirapan lang niya.

Nilapitan ako ni Tracey. "You'll be staying in room 104." Inabot niya sa'kin ang susi.

"You've got to be fucking kidding me." Hindi makapaniwalang wika ko.

Ngumisi lang ito, "I'm not kidding, babe." She then winked and turned her back on me to give the other keys to others.

"Hah! Serves you right, bitch." Sam smirked.

"Back off." Inirapan ko nalang siya at sumabay na sa ibang cast na papunta na sa mga cabins nila.

Run, Amanda, Run [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon