Chapter 9

44 2 0
                                    

Ang Ikasiyam na Kabanata:
Something Honest


AMANDA'S POINT OF VIEW

Napangisi ako sa sarili ko nang lumabas na siya ng cabin ko. Akala ba niya siya lang ang may kaya 'nun?

Pero shet, mukhang pati ako nabitin. Tinuloy-tuloy ko nalang sana, e'di tapos ang dare! Ang kaso lang, baka naman kapag nasa kalagitnaan kami saka siya aatakihin ng katinuan niya at bigla siyang tumigil. Mas lalong pasakit sa puson ang mangyayari kapag gano'n. Dapat iyong hindi ko siya pinwersa at bigla nalang inatake. Ang gusto ko ay 'yung buong kusang may mangyayari saamin. May pride pa rin naman ako, ano.

Pagkatapos ng ilang minuto na pag-iisip sa mga bagay-bagay, tumayo na ako para sugurin na sana ang kabitbahay ko, nang tumunog ang phone ko.

Lagot. Si manager.

"Hello?"

[Amanda!] Napangiwi ako sa biglaang sigaw niya. [Nag-usap tayo na hindi ka gagawa ng issue!] So kumalat na pala sa lungsod ang pinag-gagagawa ko rito.

"Ano ka ba, Freya. Hindi ka ba masaya? Mas lalo akong makikilala dahil dito." Panunubok kong pakalmahin siya.

[Paano na ang movie? Ang alam ng lahat nagkakamabutihan na kayo ng leading man mo doon dahil sa mga public stunts na ginawa niyo kaya mas lalo itong bumebenta. At dahil sa ginagawa mo ngayon, matatalo ka talaga ni Tracey!] Walang kaso sa'kin iyon. Basta ba kay Tracey ako matatalo at hindi sa iba.

"Hayaan mo na, Freya."

[Paanong hayaan?! Hahayaan ko na magliwaliw ka ng ganyan diyan?! Amanda, ano ba?! Isipin mo naman, alam ko, oo, na makakabuti ito para sa publicity mo. Pero isipin mo naman si Gio. Hindi ka makakabuti para sa kanya.] Ha? Ano 'to?

"Freya, meron ba akong hindi alam?" Seryosong tanong ko.

Saglit siyang natigilan. [Hindi kayo makakabuti para sa isa't isa. Feeling ko... hindi siya ang pinakamaaapektuhan kapag nagtuloy-tuloy ito. Ikaw.]

"Ano bang sinasabi mo? Sinasabi mo lang ba ito para pauwiin na ako?"

[What? No! Hindi kita balak pabalikin agad. Ang gusto ko lang, huwag kang naglalalapit sa kanya. Please, Amanda. Para sayo rin naman 'to.]

"Sabihin mo sa'kin ang problema."

[Ayokong sirain ang bakasyon mo. Sasabihin ko sayo kapag nakabalik ka na dito. Kapag may malalaman ka man na hindi mo magugustuhan, gusto ko nando'n ako kapag nangyari iyon.]

"Ayoko sa lahat ang binibitin ako, Freya. Alam mo iyon. Kung hindi mo sasabihin ngayon, e'di huwag. Hindi ko susundin ang anumang sasabihin mo."

[Amand--] pinutol ko na ang tawag bago pa siya makapagsalita nanaman ng hindi ko gusto. I shut the phone down and put it in my drawer.

Ka-bad trip! Ano nanaman ba iyon?

Pinili ko nalang na manatili muna sa loob ng cabin at kumalma. Mamayang gabi nalang ako pupunta doon.

Naisipan kong tawagin nalang si Sam at Tracey sa cabin ko para malibang. Hindi pa sila nakakapunta rito eh.

Nang makarating sila, agad silang umupo sa couch na nakapwesto sa paanan ng kama at binuksan ang katapat na tv.

"Brats." Nasabi ko nalang at lumapit sa gawi nila at binagsak ang katawan sa dulong parte ng kama, malapit sa kanila.

Nilingon naman ako ni Sam. "You okay?"

"U-huh. Freya called." Sagot ko at mukhang naintindihan na niya ng buo kung bakit iba ang mood ko ngayon.

Pati si Tracey, napalingon na rin. "Sinermunan ka na niya?" Tanong naman niya.

Run, Amanda, Run [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon