CHAPTER FIFTEEN - WHAT TO DO?

112 3 0
                                    

NIKITA'S POV

Nakahiga lang ako sa kama at yakap-yakap si Ulysses. Ang hubad naming katawan ay nakabalot sa kumot at ang mga kamay ni Ulysses ay inihahaplos-haplos sya sa braso ko.

Napakasarap ng mga haplos kaya naman pulang-pula ang mukha ko at kanina pang kumakabog ng malakas ang puso ko. Simula nang makilala ko si Ulysses ay nagkaroon na ng saysay ang buhay ko. He is my strength and reason to wake up every day.

I love Ulysses more than anything in this world.

"Nikita, hindi na ko makapaghintay na pakasalan ka." Narinig kong sabi ni Ulysses kaya mas humigpit ang yakap ko sa matipuno nitong katawan. Ang mabango nyang amoy ay bumabalot sa akin, dahilan upang mamungay ang mga mata ko.

"Hindi na din ako makapaghintay na mangyari ang bagay na yon." I told him.

"I want four children."

O///////O

My heart beats fast. Nang sandali kasing ipasok ni Ulysses ang tungkol sa pag-aanak ay sumagi sa isipan ko si Lily.

Shit.

Nakalimutan ko na ang tungkol sa pagdadalang tao ni Lily!

"Ulysses I have to tell you something!" Sabi ko dito at mabilis akong naupo. Nakatitig ako sa fiance ko habang sya ay nakahiga lang sa kama.

"About what?" He asked me.

Hindi ko alam kung ano ang pwedeng kahihinatnan ng bagay na to pero kailangan ko pa ding subukan. Alang-alang sa dinadalang bata ni Lily.

"Ulysses, sabihin mo sa akin na hindi mo sasaktan ang anak ni Lily!" I told him.

Ulysses smile faded. Lumalim ang titig nya sa akin na kung huhulaan ko ang iniisip nya ay alam kong hindi sya sang-ayon sa sinabi ko.

I know how faithful person he was to his Lord Messiah.

"Ulysses naririnig mo ba ko---"

"Huwag kang makealam sa bagay na yon Nikita." Sinabi ni Ulysses ang bagay na yon sa patay na tono. Kagaya ng sinabi ko, masyado syang tapat sa amo nya.

Pinagsalubungan ko ng kilay ang binatang kaharap ko, "Paanong hindi ako makekealam?! Buhay ng isang inosenteng bata ang sasayangin nyo!" Sigaw ko sa kanya at pinaramdam ko kung gaano ako kagalit sa pakay nya. Nang dahil lang sa mana at ari-arian ay magkakaganito silang lahat!?

Damn!

Naupo ang fiance ko at akmang hahawakan ako sa braso ko pero tinabig ko paalis ang kamay nya, "Wag mo kong hawakan!"

"Nikita wag ka ng makisali pakiusap---"

"What the hell Ulysses! Kung sasaktan mo ang bata ay mabuti pang maghiwalay na tayo! Hindi ko maatim na isang mamatay ng isang inosenteng tao ang ama ng anak ko!" Galit na galit na sigaw ko sa kanya at habang sinasabi yon ay nararamdaman ko ang pangangatal ng boses ko at pamumuo ng luha ko.

Masakit sa akin na talikuran ang sa aming dalawa ni Ulysses pero kung...magiging walang puso din sya kagaya ng mga myembro ng pamilyang Rosson ay mas mabuti pang itigil na namin ang lahat.

Feed Me, CEO Messiah  #Book7Where stories live. Discover now