CHAPTER THIRTY - HATRED

109 3 0
                                    

MESSIAH'S POV

Nanlake ang mga mata ni Henry pagkatapos kong sabihin sa kanya na kausapin nya si Lily. Marahil ay nagulat sya na alam ko ng may anak sya.

Until he parted his lips to speak, "S-She is not my daughter." At itinatanggi pa din nya yon.

"Dahil ba sa yaman?" Tanong ko rito.

Nagsalubong ang kilay ni Henry at alam kong tama ang hinala ko. Sinulyapan ko muna si Lily, na hanggang ngayon ay nasa sala at walang kamalay-malay na pinagmamasdan na namin sya ni Henry.

Then I looked back at the tall person in my front.

"Sa tingin ko panahon na ng paniningil." I told him while staring at the beautiful lady.

"What are you talking about?" He uttered those words with difficulty. Mababakas mo ang pag-aalala at takot para sa kanya.

At least ngayon napapatunayan ko na may puso pa din sya.

I took a deep breath and looked back at him. Binigyan ko sya ng blankong tingin na syang sinalo naman nya.

"We need to kill Lily. Hadlang sya sa susunod na tigapagmana. Sumuway ka sa tungkulin mo Henry at kailangan mong maparusahan." Sabi ko dito.

He balled his hands into a fist and he even clenched his jaw. Tumaas baba din ang dibdib nya at alam kong ano mang oras ay aatakihin nya ako ng suntok.

Nagalit sya sa sinabi ko.

Na ibig sabihin lang ay pinoprotektahan na nya si Lily. Marahil ay nalusaw ang matigas nyang kalooban at ang halimaw na Henry ay nagkubli na sa dapat na lugar nito.

Not in this world.

Sa sandaling to ay nasaksihan ko ang ibang pagkatao ni Henry na kahit kailan ay hindi ko nakita. Ang Henry na isang ganap na ama, may malambot na puso at pagmamahal.

A real father...

Palagi akong nangulila sa kanya. Buong buhay ko gusto kong maranasan ang pagmamahal nya bilang isang ama pero puro pagmamalupit ang nakuha ko rito.

Pero nang dumating si Lily sa buhay nya ay binago nito si Henry. Hindi lang sya bagkos ay pati ako.

Lily is not like as a poisonous flower as she think, actually she is a flower that bloom in the middle of the hurricane.

A hope and a medicine to our soul.


"I'm warning you. Do not hurt my daughter." Sinabi yon sa akin ni Henry sa patay na tono pero ang mga mata nito ay galit na galit. Halos maglabasan pa ang ugat nya sa ulo dahil sa emosyon nya.

Tinitigan ko sya sandali at nanlalamon ang mga mata nya. Nagbabanta ng kamatayan pero imbis na masindak ay napangiti ako.

"That's all I wanna hear." I said and parted my legs. Nagsimula akong maglakad palapit kay Lily habang may ngiti sa labi.

But Henry just stood there while watching me.

Hindi ko sya hinarap at nagpatuloy lang ako sa paglalakad, "Gusto kong tanggapin mo sa puso mo na anak mo si Lily." I told him.

HENRY'S POV

Bumagsak ang luha ko nang sabihin ni Messiah ang bagay na yon sa akin. May matinding sakit sa puso ko ang tumama sa akin pero, kasabay din noon ay ang saya.

Masyadong magulo ang emosyon ko, hindi ko na maintindihan. Ang alam ko lang ngayon ay lumuluha ako habang nakatitig kay Messiah.

Feed Me, CEO Messiah  #Book7Where stories live. Discover now