CHAPTER TWENTY FIVE - POISONOUS

101 2 0
                                    

ULYSSES'S POV

Sumugod kami ni Jasmine sa mansyon ng mga Rosson para sundan si Messiah.

(Door slammed open)

Ngayon ay nandito na kami, kung saan agad kong binuksan ang pintuan ng mansyon. At hindi ko inaasahan na sa pagbukas ko nito ay kakabugan ako ng malakas sa dibdib ko. Ang kilabot ay bumalot sa akin.

Nakakapanigas at walang kibo ang mga nasaksihan ko.

Mula sa malawak na hall ng mansyon ay natagpuan ng mga mata ko ang isang lalakeng naliligo sa sariling dugo nito. He was Messiah! Nakalugmok sa sahig at bugbog sarado.

"Messiah!" sigaw ni Jasmine at nagmadali itong tumakbo palapit sa pinuno ko. Noong una ay hindi ako makapag-response. Nakatitig lang kay Messiah ang mga nanlalake kong mata. Pilit kong iniisip kung ano ang nangyari kani-kanina lang.

Maaari bang si Henry ang may pakana nito?

Damn.

I successfully gathered my thoughts and went on Messiah's place. Nakaluhod na si Jasmine sa tabi ni Messiah at nakayakap rito, pero walang malay si Messiah.

"Messiah!" nang makalapit ako sa pwesto nila ay lumuhod ako sa gilid nito. Ang una kong ginawa ay pulsuhan si Messiah. Masyadong madaming dugo ang nawala sa kanya at kritikal ang itsura nya.

Lucky that I can still feel his pulse.

"Ulysses dalhin natin sya sa hospital!" hagulhol ni Jasmine. Mabilis na nag-aagusan ang luha nya na alam kong nag-aalala sya ng sobra kay Messiah.

At putang-ina ganun din ako!

"We will!" Tarantang sabi ko at walang pag-aalinlangan na binuhat ang amo ko. Tumakbo ako kasama si Messiah at Jasmine habang kumakabog sa malakas na paraan ang dibdib ko. Walang ibang tumatakbo sa isipan ko kundi ang madala si Messiah sa hospital.


HENRY'S POV

"Give me the gun." I said while walking on the hallway. Kasabay ko sa paglalakad si Neil at latungo ako ngayon sa kwarto ko kung saan kinulong nya ang babae ni Messiah.

"Your gun,  Lord Henry." Neil said and handed me my gun. At nang sandaling lumapat sa palad ko sa baril ay...naramdaman ko ang bahagyang lungkot sa dibdib ko.

Mabigat sa pakiramdam.

Marahil ay kaya ganito dahil naaalala ko si Flora at ang anak ko dati. Naaalala ko na sa ganitong paraan sila pinatay ni Giovani.

At ngayon, ako na ang pumalit sa kanya.

A heartless beast...

But you have to know, I was not always heartless. But after they broke ny heart, I started using my heart less.

(Creaking door sound)

Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ko nang sandaling makarating ako doon.

Iginala ko ang tingin ko sa malawak kong kwarto, hinahanap kung nasaan ang babae ni Messiah. Hanggang sa natagpuan ko ito.

Feed Me, CEO Messiah  #Book7Where stories live. Discover now