CHAPTER THIRTY FOUR - MERCILESS

112 4 0
                                    

LILY'S POV

"I remember tears streaming down your face when I said I'll never let you go...When all those shadows almost killed your light..."

Ang mga boses ni mama ay hindi nabigong pakalmahin ang puso ko at isipan ko. Tila ba ang nota mula sa tinig nito ay naglalakbay sa hangin at bumabalot sa akin.

"I remember you said don't leave me here alone..." -Mom

Nakahiga ako sa sahig at nakaunan sa hita ng ina ko. Si mama ay patuloy sa pagkanta habang hinahaplos-haplos ang ulo ko. Parehas na naka ball and chain ang binti namin pero hindi nakatali ang kamay ni Mama.

Tanging mga kamay ko lang.

"But all that's dead and gone and passed tonight..."

Mula dito sa bahay ay nakikita ko ang pintuan. Natatanaw ko sa labas si Edwardo na naka topless at pants lang. May hawak syang pala at naghuhukay sya ng lupa.

Kanina pa syang nandoon, ang hukay ay umabot na hanggang bewang nya at wala akong ideya kung bakit nya ginagawa yon.


"Just close your eyes, the sun is going down..."

"You'll be alright, no one can hurt you now..."

'Come morning light, you and I'll be safe and sound..."



Lumipas ang sandali at nakita ko ng itinigil ni Edwardo ang ginagawa nya. Ibinagsak nya sa lupa ang pala at humakbang sya papasok dito sa bahay.

Sa takot na baka saktan na naman nya kami ni Mama ay nagmadali akong naupo. Siniksik ko ang sarili ko kay Mama habang si mama ay nakayakap sa akin. Binibigyan nya ako ng proteksyon.

"Mama."

"Shh. Lily, I'm here." Mama whispered to my ear. May humigpit pa ang pagkakayakap nya sa akin.

Ilan sandali pa ay nakarating na si Edwardo dito sa loob ng bahay. Tumayo sya ng tuwid sa harapan namin ni Mama at binigyan kami ng malalim na tingin.

Nakatitig ako sa ibang direksyon dahil natatakot akong makipag-eye contacy sa kanya kung alam kong kahit anong oras ay kaya nya akong saktan.

"Sumama ka sakin."

"Ahh!" Malakas na irit ko nang hawakan nya ako sa braso ko at hinigit patayo. Tumayo din si mama at niyakap ako.

"Edwardo huwag!" Mama shouted. She tried to push Edwardo but she doesn't have a strength. Bagkos ay si Edwardo pa ang tumulak kay Mama.

Bumagsak si Mama sa sahig. Alam kong nasaktan sya pero hindi sya tumigil. Paulit-ulit syang tumayo upang protektahan ako kay Edwardo but the man keeps pushing her.

"Mama!" Humagulhol na ako at pinangatalan ng katawan.

"Edwardo pakiusap! Huwag ang anak ko!" Mom cried.

"Hindi Flora!" Pero sa sandaling to ay naubusan ng pasensya si Edwardo at sinampal ang ina ko. Bumagsak si mama sa sahig. Nanghina sya at nakita ko din na may dugong lumabas sa labi nya.

Feed Me, CEO Messiah  #Book7Where stories live. Discover now