CHAPTER TWENTY FOUR - ROSSON EXCEEDING THE LIMITS

103 2 0
                                    

LILY'S POV

Nasa garden lang ako at pinapa-arawan si Felicity. Buhat-buhat ko ang anak ko sa braso ko. Nakatitig ako sa kanya, hinahaplos-haplos ang brown nyang buhok habang ang liwanag ng araw ay tumatama sa mukha nya.

Animo'y isa syang anghel dito sa lupa.

Nakuha mo ang makapangyarihang aura ng daddy mo ha. Hindi mo makakaila na isa kong Rosson, Felicity hehe.

"Lily..."

Nabasag ang katahimikan sa paligid nang makarinig ako ng isang boses. Pamilyar na boses na sapat lang para pakabugin ng matindi ang dibdib ko.

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses.

Sa pathway ng garden. Tsaka ko nakita doon ang matangkad na lalakeng naglalakad papalapit sa akin. Nakasuot sya ng suit at nakatitig ng diretsyo sa amin ni Felicity.

"Neil." Mahinang bigkas ko. My eyes are bulging, and at this moment nagsimula na din akong pangatalan ng katawan.

Anong ginagawa dito ni Neil?

NEIL'S POV

Lumapit ako kay Lily.

Nakatayo sya dito sa gitna ng garden na punong-puno ng puting rosas. Pinagpatuloy ko lang ang paglapit ko rito at sa bawat hakbang na ginagawa ko ay syang pagbigat din ng dibdib ko.

Nakikita mismo ng dalawa kong mata na may buhat-buhat na sanggol si Lily sa brasp nya. Nakuha ng bata ang buong atensyon ko.

Pinagmasdan ko ang asul na mga mata nito at brown na buhok. Nakikita ko ang maliit na beryson ni Lily sa kanya pero ang asil na mata nito ay kay...Messiah.

Damn.

Don't tell me...

"N-Neil anong ginagawa mo dito?" Tarantang sabi ni Lily at agad nyang niyakap ang bata sa braso nya, tila ba tinatago nya sa akin ang asul na mata nito.

Pero kahit itago yun ni Lily ay alam ko na...

Alam ko na ang totoo na may anak na silang dalawa ni Messiah. This is bad.


Nang sandaling makalapit ako kay Lily ay tumayo ako ng tuwid sa harapan nya. Umatras si Lily ng konti palayo, mahahalata mo kung gaano sya natataranta na mabuko ang lihim nila ni Messiah.

"Lily kailangan mong sumama sa akin." I told her. Kailangan ko syang maialis sa lugar na to sa lalo't madaling panahon. Habang wala pa dito si Messiah at si Ulysses.

Ang totoo noong una ay hindi ko alam kung saan lupalop ko hahanapin si Lily. Pero dahil sa mahusay na pag-iimbestiga ng mga private investigators na hinired ko ay natagpuan ko pa din sya.

Katulad ng hinala ni Henry ay...nagsasama pa din nga talaga si Messiah at Lily. Lingid sa kanyang kaalaman ay may pamilya na silang binubuo.

"S-Saan mo ko dadalhin Neil?"

Hmmm....




MESSIAH'S POV

Nakaupo ako sa desk chair, dito sa office ko at may kaharap na laptop. Nagpatong-patong ang mga trabaho ko pagkatapos bumagsak ng 45% ang ratings ng performance ng kompanya this month.

Feed Me, CEO Messiah  #Book7Where stories live. Discover now