CHAPTER NINETEEN - FELICITY

114 3 0
                                    

ULYSSES' POV

Nasa sala lang ako habang nakaupo sa sofa at umiinom ng kape.

Nang...

Nakarinig ako ng mga yabag ng paa sa hagdan. Minabuti kong lumingon doon. Sa pagharap ko sa direksyon ng hagdan ay nakita ko si...Lily.


O. O


Nakuha nya ang buong atensyon ko. Lumuluha kasi ito, pinangangatalan ng katawan at pandalas na bumababa ng hagdan. Dahil sa naging reaksyon nya ay kinutuban na ako ng masama.

Alam ko na agad to.

"Lily!" Tumayo ako at nilapitan sya.

"Ulysses!" Tarantang sabi nito nang makababa sya sa hagdan. Tumayo sya sa harapan ko habang paulit-ulit na pinupunasan ang luha nya gamit ang dalawa nyang kamay. "Ulysses, tulungan mo kong makatakas pakiusap!"

"H-he found out?" Nangatal ang boses ko at medyo nataranta na din. Paulit-ulit din akong sumulyap sa itaas ng hagdan para kumpirmahin na hindi nakikinig si Messiah sa usapan namin.

Lily nod her head. Napamura naman ako sa hangin dahil sa naging sagot nya.

Nalintikan na talaga!

"Ulysses! Anong gagawin ko!?" Lily cried. Humihingal na ito dahil sa tindi ng pag-iyak nya.

Sandali akong natahimik upang mag-isip. Tang ina kasi napakadelikado nito, kung nalaman na ni Messiah ay sigurado akong ipalalaglag nya ang bata. Hindi ko gustong humantong sa ganun ang lahat, miski si Lily ay hindi. Walang may gusto ng bagay na yon!

"Ulysses!"

Damn! Bahala na!

"Listen Lily!" Sabi ko sa kanya at hinawakan ang magkabila nyang balikat. Tinitigan ko sya ng diretsyo sa mata nya.

Punong-puno man ng kaba ay tinapangan ko ang loob ko at naging desididong tulungan si Lily, "Tumakas ka dito. Natatandaan mo ba yung dati mong bahay, kung saan ka namin natagpuan nina Messiah? Yung lumang bahay?" I asked her.

Tumango sa akin si Lily.

"Pumunta ka don Lily, sasabihan ko ang Tita ko na sunduin ka don at dalhin ka sa probinsya para itago kasama si Nikita." I explained. Pinahid ko ang mga luha ni Lily gamit ang mga palad ko.

"Gagawin ko Ulysses!" Pero kahit pawiin ko ang luha nya ay iyak pa din sya ng iyak. Takot na takot sya kay Messiah.

Damn. Bakit ba ako napasok sa ganitong gulo?

"Go on Lily. Umalis kana dito hanggat may oras pa!" I told her. Kasunod na noon ay ang paghakbang ni Lily palayo sa akin.

"Thank you Ulysses." She cried. I nod at her and give her a weak smile, reassuring her that she will be safe. I'm going to help Lily with all I can.

Tumakbo si Lily palayo. Patungo sa pintuan at lumabas doon tsa tuluyang nilisan ang lugar na to.




MESSIAH'S POV

Feed Me, CEO Messiah  #Book7Where stories live. Discover now