18

207 6 0
                                    

Dedicated to papaian75

\Chapter 18- Squad\

"Wow ha, Ralph? Sa 'yo pa talaga 'yan nanggaling?" panunuya ko sa sinabi ni Ralph sa akin.

I can't believe that he can judge a person just like that!

Nagkikita pa lang silang dalawa ni Jim ngunit ang nasa isip niya ay magdudulot kaagad ang lalaki sa akin ng problema. Yes, it's not that I'm already trusting Jim that fast, but I don't want to judge a person easily.

That was what the doctor told me.

Hindi kaagad bibigay ang tiwala ngunit hindi rin kaagad magdidikta ng ibang tao. Which means that I need to balance myself from being friendly to everyone, but rest assured that I won't let them down my guard.

Dahil sa panahon ngayon lalo na sa kolehiyo, hindi na p'wedeng palagi akong nakakulong sa hawla. Sa hawla kung saan ko kinulong ang aking sarili ilang taon na ang nakalipas.

I have to get out of my cage and fly freely without bringing damage to other people.

"I'm just telling you, Sav." sambit niya at umiwas na ng tingin sa akin.

"Ang sungit mo naman ngayon! Mayroon ka bang regla?" singit bigla ni Haisely sa aking gilid kaya napatingin ako sa kaniya. "Tara na?" anyaya niya kaya naman ay tumango na si Ralph at saka naglakad na.

Dala-dala naman niya ang kaniyang kotse kaya hindi na kami mahihirapang maglakad palabas. Kailangan pa kasing maglakad palabas sa East Campus dahil papasok pa ito sa isang baranggay. Medyo malayo pa nga ito at kung lalakarin mo ay matatagalan ka pa.

"May klase ka ba ngayong hapon, Sav?" tanong sa akin ni Haisely at umiling naman ako kaagad.

"Mamaya pang alas singko ang susunod kong klase." I answered her. "Bakit?"

"Wala naman. Nag-aaya rin kasi si Ken na pumunta ng SM para raw roon siya mag-review." sambit niya sa akin.

"I'll try to go. May gagawin din kasi akong mga worksheet," I told her.

Pagkatapos naming mag-usap ay kinuha ko na ang aking cellphone sa bulsa ko at tiningnan muli ang link na nabasa ko kanina. I am really eager to have a part time job.

Ayaw ko naman iasa ang lahat sa kanila Tita dahil pinag-aaral at pinapakain na nila ako. As long as possible, I don't want to be a burden to them. Pare-parehas pa naman kaming college na pinapa-aral niya.

"Magtatrabaho ka?" tanong bigla sa akin ni Haisely nang makita kung ano ang tinitingnan ko sa aking cellphone.

"Part time job," I corrected her.

Hindi ko naman ito ifu-full time dahil paniguradong madedehado ang katawan ko kapag tinodo ko ito. And also, based from what I read on the link, hindi naman daw nila pipilitin na magtrabaho ang mag-a-apply.

But will work at least 3 times a week.

May gusto rin kasi akong gustong mga bilhin katulad ng mga damit na gusto ko. At ayaw ko naman iyong ihingi pa kila Tito dahil baka kung ano na ang masabi sa akin nila Rhea.

"Trabaho pa rin naman 'yan." tugon sa akin ni Haisely pero umiling ako.

"Oo nga pero p'wede namang tatlong araw sa isang Linggo kung papasok." I explained. "And also, rest assured that I'm still going to  comply on my acads. Hindi ko naman ito papabayaan." I uttered.

"Parang gusto ko rin," sambit niya bigla kaya napatingin ako sa kaniya.

"Sa tingin mo ay papayagan ka ni Tito?" I told her.

Scrutinizing Myself [Engineer Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon