24 *u*

63 10 2
                                    

[ Fan Girl 24 ]

I was right infront my door praying to all the Gods that nothing bad will happen.

"I am waiting here since 8." Bakas ang irritation sa boses niya. sinilip ko ang orasan ko. Holy cow! Past 11 na ah!

Nagtataka akong tumingin sa kanya. Nakatingin lang rin siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit ang sama sama ng tingin niya sa akin. Ganyan ba talaga siya? Palaging parang may PMS?

"W-Why?" Nag-iingat na tanong ko. Nakakatakot siya, baka saktan niya ako. Kaya niyang gumiba ng pinto pano pa kaya ako? Eh di hamak namang mas madali akong sirain kesa sa narrang pintuan.

"I wanted to talk to you." iginaya niya ako patungo sa malapit na bench sa may bahay.

Nakasunod lang ako sa kanya. Napaka-awkward. Habang naglalakad ay paulit-ulit kong iniisip kung ano bang nagawa ko sa kanya at ganun na lang ang pagkamuhi nya sa akin. Kung tutuusin ay ngayon-ngayon ko nga lang sya nakita at tbh, hindi pa kami nagkausap noon. Creepy kasi talaga siya.

"Sit." Maotoridad na sabi niya. hindi ko alam kung saan nya ba nahuhugot yang katapangan nya, sa pagkakaalam ko ay siya ang pinakabata sa grupo nilang BTS.

Dahil nga natatakot ako sa kanya, naupo ako tulad ng utos niya. Ang lamig ng hangin, hindi ko tuloy maiwasang mapayakap sa sarili ko.

"Talk." sambit niya.

Kung makapagsalita siya ay parang boyfriend ko sya, at ako ang girlfriend na dapat magpaliwanag kasi nahuli akong may kasamang iba. Bakit niya ba ako niyayang makipag-usap? Di naman kasi close ah. Atsaka, Diba nga mag-uusap kami? Di niya naman ako ininform na mags-storytelling pala ako dito. Nagprepare sana ako. Psh.

Nakita ko sa peripheral view ko na nagmamasid siya sa akin. Tss. Nilingon ko siya.

"What?" Gulong-gulo na tanong ko. Kung makakilos tong lalaking to akala mo eh close kami, naiinis nga ako sa kanya eh. Tss

Tinignan ko ang mga mata niya, biglang pumungay ang mga ito at pakiramdam ko ilang bloke ng yelo ang nawala ng tumingin rin siya pabalik sakin. Wala na yung dark aura niya.

Tatayo na sana ako. Sumasakit ang ulo ko. Parang may kung anong sirang plaka na nagpupumilit mai-play. Pero bago pa ako makatayo ay niyakap niya na.

"I missed you..." parang dinaganan ng libo-libong sako ng bigas ang dibdib ko "..so damn much." rinig kong bulong niya sa tenga ko. Ang init ng hininga niya.

Bago pa ako makawala sa yakap niya ay kumawala na ang mga luha ko.

Shet! Bakit ako umiiyak? Bakit hindi ko alam ang dahilan kung bakit ako umiiyak?

------XXX------

XOXO ❤️

Perks of Being a Fan GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon