21 *u*

76 10 3
                                    

HOY! CHAR~ BIRTHDAY NANG ASAWA KONG SI CHANYEOL NGAYON.. EMEGED!! REGALUHAN NIYO SIYA NG POSTER KO, ALAM KONG YUN ANG MAKAKAPAGPASAYA SA KANYA! XD

[Fan Girl 21]

"San pala tayo kakain?"

"Sa McDo! Masarap Happy meal dun!"

"Ayoko dun eh! Gusto ko sa Mang Inasal, unli rice."

"Ang cheap niyo! Sa Old Spaghetti House tayo!"

"Doon naman tayo palagi eh!"

"Eh saan? Dobi, san tayo?" nabalik ako sa realidad ng maramdaman ko ang kamay ni Babe sa balikat ko.

"Ah? Ano pala yun?" nagtatakang tanong ko.

Tinignan nila ako nang masama. Oo, all this time na magkakasama kami ay hindi ako nagp-pay attention. Hindi kayang pumirmi ng utak ko, hindi ako mapakali. Miss na miss ko na si Chanyeol.

"Hoy Palma, isang linggo ka nang lutang ah." puna sa akin ni Ella.

"Sorry Ella. Kasi naman....."

"Siyempre noh! Miss niya na yung si Chanyeol niya." natatawang sabi ni Bee.

Pero napayuko ako dahil sa sinabi niyang yun. Totoo naman kasi eh.

"Sweetie naman, nandito pa naman kami, wag ka nang masyadong malungkot." niyakap ako ni Lee Sweetie.

I really feel guilty for not appreciating their effort. Simula nung pumuntang Seoul si Yeol, hindi na nila ako pinabayaang mag-isa. At thankful naman talaga ako na kaibigan ko sila.

"Sweetie, I'm sorry."

Tinapos na namin ang dramhan namin at napagdesisyunang kumain sa Greenwich. Ewan, sa dinami rami ng fast food chain eh dito pa.

--

"Mga bhe! Samahan niyo naman ako sa NBS oh? May bagong book kasi akong gustong bilhin eh." sabi ni Cutzie.

Sumang-ayon naman kami kaagad kaya nagtungo kami sa NBS. Dirediretsong pumunta patungong malaking shelf si Cutzie at nakita kong dinampot niya ang librong "The Monster Master" by Taehyungasm /Konting promote. Yan yung hinihintay ko na magUD. Basahin niyo/.

Sa kabilang parte naman, may naaninag akong makakapal na libro, at sobrang pamilyar ng mga ito sa akin.

Nilapitan ko ang shelf sa may kanang parte ng bookstore, Shet. Nagsisisi ako. Naaalala ko si Kris, naaalala ko nung mga times na sobrang close namin... Tama nga ako, ito yung libro na nirecommend niya sa akin noon.. yung "Bethrotal's Crap" by Hwa-Yoheel.

"Miss me?" nagulat ako nang marinig ang malalim na boses na miss na miss ko na.

"Kris!" napayakap ako sa kanya.

Oo, miss na miss ko na siya.

"Aherm aherm." rinig kong ubo sa gilid.

Kumawala ako sa yakap at tumingin sa gilid.

Naroon pala si Luhan, Xiumin, Lay at Tao. Saglit kaming nagkwentuhan at talagang naooverwhelm ako dahil sa wakas! Ang kaibigan kong si Kris ay nagbabalik na!

"I have to go, I am with my girl friends eh. Bye" kinawayan ko sina Kris at naglakad na patungo kanila Babe.

"Okay, take care." then he bid his goodbye.

Kinawayan rin nila ako at nagsimula na rin silang maglakad palayo.

"Tara na mga Bhe?"

"Oh? Bigla ka yatang nagood vibes?" puna ni Babe kasabay ng tingin at ngiti niyang mapanloko na para bang may pinapahiwatig.

"Ha? Ah. Wala." nakangiti kong sagot.

Naglakad na kami patungong car park at nauwi akong nakangiti.

For almost 9 months, atlast! Hindi na ako iniiwasan ni Kris ~

------XXX------

Sinipag talaga akong magUD dahil Birthday ni Yeobo eh! Keke. Kilig akooo!

XOXO❤️

Perks of Being a Fan GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon