20 *u*

72 11 4
                                    

[Fan Girl 20]

Tumatakbo ang oras.

Noon man ay hindi ako naniniwala sa kasabihang iyon, ngayon ay napatunayan ko na mismo sa sarili ko na hindi lang basta bastang tumatakbo ang oras. Dahil sobrang tulin ng takbo nito at hindi mo na lang mamamalayan na ang masasayang araw mo, ay tapos na.

Pinunasan ko na kaagad ang mga luha kong walang prenong bumabagsak sa pisngi ko.

Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin at ramdam ko, ramdam na ramdam ko ang bilis ng pintig ng kanyang dibdib. Kahit pilitin niyang pigilan ang paghikbi, umiyak parin siya.

At ngayon, nakasandal kami sa balikat ng isa't isa at walang humpay na umiiyak.

"Bi. Please, you'll wait for me right?" tumango ako.

"Bi.. I want to hear your voice. Please answer me." mas napahikbi ako.

Gusto kong takpan ang tenga ko, ayokong marinig ang deep voice niya na nabibiyak. Nadudurog ang puso ko.

"Y-Yeol.." kinagat ko ng madiin ang ibabang labi ko, gustong tumakas ng mga hikbi ko ngunit ayokong iparinig at ipakita sa kanya ang paghagulgol ko dahil sa oras na malaman niyang sobrang nalulungkot ako, alam kong hindi niya ako iiwan at mas gugustuhin niyang suwayin ang ate niya.

"BI..." naramdaman ko ang marahan niyang pagkalas sa yakap namin.

Naramdaman ko ang kanyang mainit na kamay sa aking pisngi at dahan dahan at maingat niyang pinupunasan ang mga luha ko. Pero sa ginagawa niyang ito, lalo akong naiiyak.

"Bi... Saranghae.." ilang beses niya nang sinabi sa akin yan, pero this time, iba ang nararamdaman ko.

Mas matindi. Mas malakas ang impact.

"Nado saranghae."

Sa loob ng limang buwan naming pagde-date ay sinagot ko na siya. Oo niligawan niya nga ako. At ngayon, tatlong buwan pa lang kaming nagsasama...

Halos tumakas ang kaluluwa ko mula sa aking katawan ng maramdaman ko ang pagdampi ng mainit at malambot niyang labi sa labi ko.

Sa unang pagkakataon ay hinagkan niya ako. HINALIKAN NIYA AKO!

Hindi rin nagtagal ang halik na iyon, ngunit binigyan niya pa ako ng isang matamis na halik--sa aking noo.

Kinikilig ako. Pero nakakainis, bakit kailangan niya pang umalis? At ang masakit pa roon ay, bago siya umalis may alitan pa sila ni Kris at dahil yun sa akin.

"Bi.. I will come back. Wait for me."

Hindi niya binitawan ang kamay ko hanggang maihatid niya na ako sa bahay. Sweet siya, at dahil diyan ay mas lalo ko siyang ayaw paalisin. Pero kailangan eh. Wala akong magagawa kundi maghintay na lang.

--

"Hyung! Annyeong!"

Sabi naman sa inyo matulin ang takbo ng oras.

Gaano ko man gustuhing tumigil ang oras, hindi ko magawa. At ngayon, dumating na ang araw ng paglisan ni Yeol. Hindi ko nanaman maiwasan ang pagluluha ng mga mata ko, pano, mahal ko eh.

"Bi! Saranghae!" narinig kong sigaw niya bago tuluyang maglakad patungong departure area.

Hindi ako makapagsalita ng maayos pero para sa kanya, ginawa ko ang lahat para ma compose ang sarili ko.

"Yeol! Neomu saranghae! I'll wait for you!" napatingin sa akin ang mga tao pero wala na akong pake.

Gusto ko lang ay bago tuluyang umalis si Chanyeol, may magawa ako para mapatunayan na mahal ko talaga siya.

Hinatid na ako ni DO at Sehun pauwi, katulad ko ay labis rin silang nalulungkot sa pag-alis ni Chanyeol.

Pero kahit ganoon, palagi parin nila akong pinapatawa. At naaappreciate ko talaga 'yun.

Ang hindi ko parin maintindihan...

Ay ang hindi pagpansin sa akin ni Kris....

Hanggang ngayon..

------XXX------

XOXO❤️

Perks of Being a Fan GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon