"aish tagal mo naman eumji, 8:45 na." sabi ko sabay katok ng malakas sa pintuan. Nag-gown pa ata ito. Halos 30 minutes na rin akong naghihintay, nakakahiya naman kila Jake at sa kaibigan niya.Bumukas na ang pintuan at tumambad saakin ang nakapalda at nakahoodie na si Eumji "sorry haha, wala ko damit." sabi niya sabay kamot ulo.
"Okay?" sabi ko at bumaba na ng hagdanan.
Pagkalabas namin ay agad akong tumakbo papuntang bus station na malapit saamin. Mabuti nalang ay naka jogging pants ako at makakatakbo ng mabilis. Naiwan ko tuloy si Eumji ang bagal maglakad dahil kapag tumakbo ito ay tataas ang kaniyang palda.
Natanaw ko na sila Jake at ang kaniyang kaibigan. Napangiti naman ako dahil inaasahan ko na dadating sila on time. Kanina pa ata naghihintay yung dalawa.
"Jake! Kumusta. Si Eumji ang bagal pang maglakad." bati ko sakaniya at hingal na hingal ako.
"It's okay Hahaha. Si Heeseung hyung nga pala tropa ko."
"Diba ikaw yung pinsan ni Sunoo?" tanong ng Heeseung. Napatango naman at awkward na ngumiti. Bakit ang gwapo nila magbihis samantalang ako mukhang nakapang bahay kahit nakabihis naman ng maayos.
Kakaiba talaga ibang tropa ni Ni-ki. "Ahh oo. Matagal na ba kayong magkakilala?" tanong ko naman sakaniya.
"Hindi eh, 8 months ko palang siyang tropa." paglilinaw niya at napatango naman ako.
"Hey Eumji." bati niya kay Eumji. Nakangiti naman si Eumji at binati rin si Jake.
"Heeseung hyung?! Long time no see." pagbati niya rin kay Heeseung at nagfist bump pa ito. Kilala rin pala ng bruha.
"Ang liit mo parin."
"dinadamay nanaman height ko dito, tara kain na tayo. Gutom na ako sa totoo lang." sabi ni Eumji sabay hila kay Jake. Ewan ko ba kung saan kami pupunta. Sinundan nalang namin si Eumji naglilibot libot.
"Let's go to the perya." sabi nito at tinuro ang isang lugar na may mga madaming tao. Napa-omg nalang ako kasi akala ko naman kakain lang kami.
"Hindi naman na tayo bata hehe." pabebe kong sabi, siempre ang tanda na namin tapos pupunta pa kami diyan.
"kaya pala may nagbibingo sa perya." sagot saakin at umirap. Gagang babaeng toh baka masuntok ko siya ng wala sa oras. Mabuti nalang talaga at may kasama kami.
Nakakahiya lang. Ang yayaman nila tapos yayayain mo lang sa perya? Pag-asa na sana namin toh para makakain ng mamahaling pagkain. Naiiyak na ako, huwag niyo muna akong kausapin.
"Ayaw mo ba Areum? We can go somewhere else--"
"Okay na okay siya, ito talaga napaka concern mo naman Jake." sabi ni Eumji sabay hila kay Jake papuntang perya. Huminga nalang ako ng malalim at sumabay kay Heeseung sa paglalakad.
Wala naman itong sinasabi dahil busy sa kakacellphone. Hindi naman ako chismosa para silipin yung text nila ng kaibigan niyang yayain siya sa basketball.
Ano ako si Aleng Marites?
"Silip kapa diyan, kadugo mo talaga si Sunoo." bigla nalang itong nagsalita kaya nagulat tuloy ako. Umirap nalang ako sakaniya.
Pumasok na kami sa loob ng perya at pinagtitinginan naman kami ng mga tao dito. Ewan ko ba kung dahil ba saakin o dahil kila Heeseung. "gusto ko yung Ferris Wheel!" sigaw ni Eumji na parang bata habang tinuturo ang tinutukoy niya.
"May barilan dito oh." turo ni Heeseung at napalingon ako. Lumapit ito doon kaya sumama nalang ako.
Hindi naman sumunod sila Jake at lumayo saamin. Medyo nalungkot ako kasi we are supposed to be with each other. Wala nanamang chance mapalapit sakaniya.
I know this game. May nakahilerang mga cartoon figures at kailangan mo lang itong targetin. If you hit 5 of them mananalo ka ng prices like teddy bear or pagkain. Pero sobrang liit naman.
"easy lang toh." sabi ni Heeseung habang kinukuha ang baril na inaabot sakaniya. Umatras naman ako ng bigla itong nagstretching, muntik pa akong natamaan.
Lumingon ito saakin at nagtanong, "anong gusto mo diyan?" Tinuro niya ang mga prizes. Napanganga naman ako at umiling. "okay lang ako haha." sagot ko nalang.
As if mananalo siya diyan, magugulat nalang ako.
Habang pinagmamasdan ko siyang naglalaro ay hindi ko maiwasang tumingin kila Eumji sa kabilang booth, they look happy with each other. I don't know what to feel.
"nanalo ako." napalingon ako at nakita ko si Heeseung na nagtatalon talon. Nakitalon narin ako sakaniya habang natawa. Mukhang galit pa yung taga-tao sa booth, mga corrupt naman.
"Sampu yung nabaril ng kaibigan ko." pagmamayabang ko. Pumili na siya ng mga prizes niya at dalawang teddy bear ang kinuha niya.
"Si Ice bear saakin sayo si pikachu." sabi niya at inabot saakin. Hindi naman ako natuwa dahil mas gusto ko kasi yung nasa kaniya ang cute kasi.
"Salamat..." pagpapasalamat ko.
"You don't want pikachu? Let's switch then." bigla niyang kinuha yung stuff toy at binigay saakin ang kaniya. Kinuha ko ito at tinignan, ngumiti naman ako dahil napaka-cute naman nito.
"Cute, right?"
"oonga eh ang cute..."
...
"ikaw jake hahaha." andito na kami nakaupo sa isang stall. Maraming tao dahil isa daw sa sikat na kainan na masarap gumawa ng teokkboki.
"bakit tawa kayo ng tawa huh?" tanong ko at kumagat ng teokkboki. Nabulunan si Eumji at hinampas si Jake.
"parang tanga lang?" sabi ni Heeseung sabay irap. Tumahimik nalang ako at hinintay silang tumigil sa kakatawa.
"Kasi si Jake HAHAHA s-sorry natatawa talaga ako." natatawa na rin si Jake dahil sa tawa niya pero ako naiinis na talaga ako.
"huwag niyo nalang ishare, kayo lang naman makakaintindi niyan." saad ni Heeseung.
Kanina pa sila nagchichikahan pero tumatahimik nalang ako. Hindi ko rin naman pinaparamdam na di ako nakibo kaya nakikitawa nalang din ako.
Gusto ko lang naman makasama si Jake pero hindi talaga pwede...
"Si Jay hyung pala nagyayaya mag skating bukas, g kayo?" tanong ni Jake at tumingin ito saakin. Napayuko nalang ako at kumain, kunwari may ginagawa.
"Hindi ko naman tropa yan." saad ni Eumji.
"Pwede kanamang sumama." banggit ko.
"Kung sasama si Areum sasama rin ako." nginitian ako ni Eumji at napatango nalang ako.
"Oo sige." maikli kong sabi.
YOU ARE READING
𝘀𝗮𝗱𝗯𝗼𝗶 ☦︎ 𝗃𝖺𝗒𝗉𝖺𝗋𝗄
General Fiction"sadboi amp*ta" Wherein Areum's brother purposely used her account to say some bad things on the son's owner of the school that they're attending. Ang pinakamalala pa ay sinabi niya ito sa group chat na dahilan kung bakit lumala at ikinagalit...