"Baho ng hininga mo." bigla na lamang nagsalita si Daniel habang nakahiga sa couch at nanonood nanaman ng Netflix.
"Mas mabaho nga ang sa'yo, nag-reklamo ba ako?" sagot ko dito at binato ang unan sakaniyang mukha. Umagang-umaga nang-eepal na naman.
Hindi pa nga ako nakakakain ng breakfast, pam-babara agad ni Daniel ang bumungad saakin, jusko sapukin ko siya sa head ehh. Medyo naiinis ako sakaniya.
Hindi pala medyo inis na inis! Nung mga bata pa kami hindi naman siya ganiyan, kilala nga siya bilang pinaka-tahimik na bata sa subdivision, asan na yung ugali na iyon?
"Pumili ka nga ng tropang sasamahan mo, natutunan mo ba iyan kila Ni-ki?" tanong ko.
"Natutunan ko ata sa'yo—"
"Daniel, anak. Mag-luto ka ng breakfast papasok pa ate mo!" sigaw ni mama mula sa labas na nag-aalaga nanaman ng mga lovely plants niyan.
"Kainis!" saad nito at nagdabog na pumunta sa kusina, deserve!
It's 8 am and our class starts at 9:30. Hindi pa ako naliligo dahil tinatamad pa ako at saka kailangan kong tulungan yung mokong na iyon dahil baka lagyan ng lason yung pagkain ko.
Akma sana akong aalis sa living room para pumunta sa kusina ng biglang dumating si Jay. Pagkapasok niya ay tumigil ito at nagulat sa presence ko.
Teka, parang nagkagulatan kami. Kanina pa nakatulala at parang wala siyang balak na gumalaw, hellour sir stop it kinikilig po ako. NAKATITIG SIYA SAKIN. Kalmahan mo lang Jay.
"Hi, Areum, good morning..." he greeted. That's when I realized, I haven't change my clothes. Naka-pantulog pa ako.
Mangiyak-ngiyak akong tumakbo paakyat ng hagdan dahil sa hiya, muntik pa akong masubsok, double hiya na ito. "Gago... Gago..." bulong ko sa sarili ko.
Napa-ligo tuloy ako ng wala sa oras, gago ka talaga Jay. Hindi man lang siya nagpa-sabi na dito pala siya tatambay.
"Ohh, anong nangyari kay Areum? Jay! Andito ka pala iho."
"Opo, haha. Intayin ko po si Areum, sabay na po kami papuntang school."
"Bakit ako, ayaw mo'kong ihatid?" narinig kong tanong ni Daniel.
"Actually tita, may dala po akong halaman." kawawa naman yung tukmol hindi pinansin, deserve.
Masyado ng spoiled si Mama kay Jay ah, lagi na lang ganiyan, bakit ako? 'Di niya ma-regaluhan? Gagalit ako sakaniya niyan, charot.
Nagkaroon ako ng lakas ng loob na bumaba since fresh na ako at nakapag-ayus na din, sorry siya hindi para sakaniya toh.
"Ang fresh mo naman sis." saad ni Daniel habang natawa, masama ko siyang tinignan at napakagat sa labi ko. Suksok ko kaya yung tsinelas sa bunganga niya, dada ng dada.
Umalis na ulit ito at pumunta ulit sa kusina. Sipag naman ng katulong namin.
Pagkababa ko ay tumabi ako kay Jay sa couch, gago ang landi lang. Naabutan ko siyang nag-phone, so ganun nalang? Hindi niya papansin yung presensiya ko, hoy Jay lumingon ka naman sa taong nilandi mo kagabi.
"Kapal mo naman, gawa mo dito?" tanong ko sakaniya at agad itong napalingon at nagulat. "Andiyan ka napala, sorry I didn't notice." geh.
"Kumain kana?" tanong nito. Umiling ako. Napa-ahh siya at hinawakan ang kamay ko. "Tara na bili tayo ng breakfast mo." he said while smiling at me.
Hindi ko alam pero nung time na ito, my heart started to beat fast and even the simple things that he's doing to me, nahuhulog lang ako lalo. Why naman po hawak kamay.
"Hindi ako nakain ng breakfast ih." bulong ko at pakipot pa, siempre. Pero kapag umaga wala talaga akong gana kumain eh.
"Well, it's not good for your health Areum, I don't want you to starve." mukhang tataba ata ako dahil sakaniya.
"Hoy, ano yan?" napabitaw kaagad ako sa kamay niya at napatayo sa couch. Epal ka talaga Daniel noh.
"Pinagluto ko na iyang babaita na yan! Dito nalang kayo kumain." saad ni Daniel at umiling ako, "Ma! Papasok na kami, bye." hinila ko na si Jay papalabas ng bahay. Iniiwasan ko talaga na makita mi Daniel pinag-gagawa namin at ma-issue yan.
Kapag may kumalat ng dating rumours siya una kong sisisihin.
Pumasok na kami sa sasakyan niya at pinaandar niya na ito para maka-alis. Tahimik lang kami sa buong byahe. Hindi ko nga alam kung bakit eh pero kilig na kilig pa din ako.
"Kumusta ka Jay?" tanong ko sakaniya, as if hindi lang kami magkasama nung nakaraan. "I'm alright naman, bakit mo natanong?" he said at nakakunot pa ang noo nito.
"Wala lang." saad ko.
"If you're doubting me about Lorrie, walang kami, okay? Don't worry hindi siya ang priority ko, ikaw lang..." tumingin ito saakin at hinawakan ang kamay ko. He slightly squished it as assurance kaya tumango nalang ako.
Ok po hehe.
"Baka hindi mo talaga ako gusto." I said while pouting. I kinda heard him chuckled at nagfocus nalang sa road. Wow! Ang kapal hindi ako sinagot.
"Bakit naman kita sasayangin? Ginusto ko ito at pananagutan ko ang mga pangako ko. I promise, Ikaw lang ang taong gugustuhin ko." saad niya.
I don't know what to feel, nag-doubt pa rin ako. I know it's wrong paano kung sincere siya pero paano naman din kung sinabi niya din ito kay Lorrie.
Naka-isip ulit ako ng tanong, sorry naman Jay ganitong ugali yung nililigawan mo, I cleared my throat and asked, "What if hindi pa ako ready?"
"I feel happy with you Areum, just tell me if you're not yet ready kasi handa akong maghintay kahit gaano pa katagal."
MAMA.
YOU ARE READING
𝘀𝗮𝗱𝗯𝗼𝗶 ☦︎ 𝗃𝖺𝗒𝗉𝖺𝗋𝗄
General Fiction"sadboi amp*ta" Wherein Areum's brother purposely used her account to say some bad things on the son's owner of the school that they're attending. Ang pinakamalala pa ay sinabi niya ito sa group chat na dahilan kung bakit lumala at ikinagalit...