Chapter 03: Fillanoma Boy

185 5 2
                                    

This chapter is for my Ading Jane :D

♡♥♡♥♡♥

 

"Hoy tongek,

pantie mo kita"

Bigla akong nagulat sa lalaking nagsalita.At napasigaw ako.Nakakahiya! Binaba ko agad paa ko.

"K-kyaaaaaaah!"

"Ang ingay mo,

tumahimik ka nga. . ."

Sabi ng lalake habang tinatakpan ang tenga.Di man niya ako tinulungang makatayo.

Yung mukha niya nakakatakot,naiinis talaga.Nagising ko siya sa pagtulog niya.

"Kyaaaaaaa-aap" Tumahimik ako.

Nakatayo siya sa harap ko.Ako nakaupo pa rin.Hinahangin yung buhok niya.Medyo natatakpan ang ang mga mata niya.Mahogany ang kulay sa sinag ng araw,ang. . .ang ganda.Pero kung ikukumpara mo ito sa mga mata ni Aaron na puno ng sigla.Sa kanya,puno ng lungkot.

"Ano namang tinititigan mo?"Pasiga niyang tinanong.Nagising ako sa pagkatunganga ko.Umiling na lang ako.Hindi ko namalayang dinidilaan ng puppy yung sapatos ko.

"N-no that's dirty, diba sabi ko sayo wag kumain ng marumi? Bad dog!"

Diin ng lalakeng nasa harap ko habang kinuha yung puppy papalayo sa akin.Di naman ako dirty. . except sa fact na basa ako sa tubig at may mga mantsa ng ulam ko na tumalsik.

Toinkzz. . .Ok.Medyo dugyot nga akong tingnan ngayun.Pagtingin ko sa taas wala na yung lalake.Nandun siya nakaupo sa harap ko na may apat na metro ang layo.Nilalaro yung aso.Hindi pa siya nag-sorry.

Ano kaya ginagawa ni Aaron ngayun?Ang bait niya talaga.Hindi gaya nitong nasa harap ko.

Napatunganga na lang ako.

At pinanood yung dalawa. Pinagmasdan ko yung likod niya parang familiar. . .

"A-ah!" Siya yung bumangga sa akin kaninang umaga!Yung masama.An-anong pangalan na niya ulit.Anu na ulit yung sinabi ni Aaron? Nilagay ko ang mga kamay ko sa ulo ko.Pinipiga ang sagot para lumabas.Anuuuu na ulit?!

"Fi-filla" Fillanoma.Ayun.Nakakatakot ugali niya,nakakatakot din mundo ng mga mayayaman.Ang may mabuting loob lang na nakilala ko ay si Aaron.Sana nandito na lang siya.

Pero wag!Kailangan kong matutong tumayo mag-isa.Hinaplos ng hangin pisngi ko.

"Ya-Yaaaaaaaaan~" Napahikab ako.Nakakaantok naman dito.Habang pinapanood ko likod niya,nakatulog ako.

Surviving M. Academy(Under Renovation Peace!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon