Chapter 04: Your Face is Too Close (>.<)

147 7 3
                                    

♡♥♡♥♡♥

"Matulog na nga lang." Pinikit ko ang mga mata ko at pinipicture ung langit sa isip ko,pero may naramdaman akong malagkit sa noo ko.

*slurp* *slurp*

"Waff! waff!"

Wh-whaaa? Minulat ko mga mata ko.Ba't may tuta dito?

"Hey,san ka nanggaling ah?" Sinabi ko habang karga ko yung tuta.Noong nilapit ko siya,dinilaan niya mukha ko.

"Yikesss. . .tch! Wag,haha.Bad

Matutulog ako ha? Kaya ikaw sssshh lang."

Sabi ko habang nilagay ko ung daliri ko sa bibig ko.Tumango naman siya,matalino pala 'tung asong to'.Talo pa si Aaron?

Binaba ko yung aso at humiga muli.Umakyat siya sa tiyan ko,pero umalis din.Natulog ako.

(Waff,waff? Haha kakatawa naman pagtahol mo).

♡♥♡♥♡♥

Sa pagtulog ko,sinubukan kong kalimutan ang lahat.School,Aaron,coach at syempre 'yun' din.Sana di' na ako gumising.

"K-kyaaaaaaah!"

I wished too soon.Ano nanaman ngayon.Bumangon ako sa ingay na narinig ko.

"Gaaaah" Kahit saglit lang. . . please konting katahimikan.

Teka,nasaan yung tuta?May narinig akong boses.May tao dito,tch!Baka teacher.Lagot.

"Uy.Wait!Saan ka pupunta?"

Shucks! Papunta siya dito sa likod!Humiga ulit ako at pinikit ang mga mata.Di ko alam kung bakit,basta humiga ako.

Maya maya,tumalon sa tiyan ko yung tuta at natulog.Naririnig ko ang mga hakbang na papalapit.Babae,ang gaan ng paa.

Tumigil siya sa paglalakad,nakita na niya ako.Ang hirap panatilihing nakapikit ang mga mata,lalo na sa ganitong sitwasyon.

"Eeeeeep!"

Eeeeep?Nagulat siya,unti-unti siyang umatras.Dinig na dinig ko ang pagkiskis ng sapatos niya sa magaspang na sahig.

"W-whaaaaaa!"

*Thug!*

Di ko napigilan ang pagmulat ng mga mata ko.Anong nangyari sa kanya?Bumangon ako at lumapit sa kanya. . .nakita ko yung nestea bottle na nakakalat,nadulas siya dahil dito?Ano ba yan.Mahirap bang makita ang ganitong kalaking bagay?

Napansin ko posisyon niya.Nakakayang.Pangit tingnan para sa babae.

"Hoy Tongek,

pantie mo kita"

Nagulat siya sakin,at napasigaw.Sakit sa tenga! Pinatahimik ko siya.

Actually. . . nakashorts naman siya (and it's spongebob by the way).Pero dapat naman mag-ingat ingat siya.Panu kung. . . .hindi?

Nagulat ako sa iniisip ko.*fluster* Bad Ethan,no dirty thoughts !!! Nilipat ko attention ko sa ibang

bagay.Napansin kong nakatingin ung engot sa akin.Napansin niya kaya kung ano iniisip ko?

"An-anong namang tinititigan mo?"

Sabi ko.Umiling naman siya.Nakita kong dinidilaan ng tuta sapatos niya.Basang-basa siya,at andaming mantsa ng uniform niya.Sa likod ng bangs niya,mga matang katatapos lang umiyak.Ano naman kwento ng buhay mo?At ano namang pakealam ko?

"N-no that's dirty,diba sabi ko sayo wag kumain ng marumi? Bad dog".

Pinulot ko yung aso at dumistansya sa kanya.Kailangan niyang mag-isa siguro?Nilaro ko yung tuta habang pinagmamasdan ang view ng horizon.Napapapikit mga mata ko dahil sa ihip ng hangin.Ang lamig.Mga ilang minuto akong nakatunganga.Tahimik na ang lahat.Bumaba na siguro si tongek.

Surviving M. Academy(Under Renovation Peace!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon