°°°
Ewan ko kung anong nangyari, kanina kumakain lang ako,ngayon basang-basa ako sa tubig.At ang baon ko nakakalat sa sahig.Ang labo ng paningin ko dahil natatakpan ng luha ang mga mata ko.Naririnig ko ang mga tawa nila habang pinupunasan ko ung mainit kong luha.Ang ganda naman ng first day of school.
"Oh my gosh !!! I'm so sorry talaga! Hindi ko sinasadya !"
Sigaw ng babaeng may hawak ng
'bote ko'.Siya rin ang babaeng pumatid sa akin sa classroom.
Bakit mo pa kailangang sumigaw ang daming nanonood ! Please huwag. . sinisigaw ko sa isip ko.Habang tinatakpan ang lumuluha kong mukha.
"Ba't ba kasi nandito ka?,hindi bagay eh"Sabi ng isa sa mga kaibigan niya.
Sinusubukan kong pigilan ang mga luha,pero kung sinusubukan ko lalo naman akong napapaiyak.
"Sino siya,sino siya? Kaninong pamilya siya galing?"
"Wala,scholar 'lang' ata yan. . ."
Naririnig ko silang nag-uusap.Ganito pala dito,'to be friendly and encouraging?!' kasinungalingan!!!
Tumakbo ako papalabas ng cafeteria.Tuloy-tuloy hanggang sa di ko na marinig ang mga tawanan at boses nila.Pakanan,pakaliwa kahit saan.
Tumakbo na lang ako ng tumakbo hanggang napunta ako sa isang hallway na may pinto sa dulo.Tahimik lang ang paligid,maririnig mo ang mga ibon at malakas na ihip ng hangin sa labas.Unti-unti akong lumapit.
*Sniff*sniff*
Bawat hakbang sumisinghot ako.
Sabik akong malaman kung anong nasa loob.Bigla kong nakalimutan ang nangyari sa akin sa cafeteria.Chineck ko yung pinto kung naka-lock.
*Ka-chack* Bumukas yung door.Wala namang nakalagay na bawal,kaya 'Why not?' Gusto kong mag-isa ngayon.
Pagbukas ko,hagdanan ang bumati sa akin.'Saan kaya ito papunta?' Tanong ko sa isip ko.
Isang hakbang. . .dalawa.Tuloy tuloy ang pag-akyat at walang pakialam sa oras.Ang tahimik wala kang marinig.
"K-ku-huh" Bigla nanamang tumulo luha ko.Naririnig ko nanaman mga boses nila.
*Sniff*sniff* Bakit ko pa kasi sinubukan dito?Miss ko na mga kaibigan ko.Ang bait nila.Pag may nang-aapi sa akin nandiyan sila.Lalo akong napaluha.Sorry kung iyakin ako,ganito na ako mula pagkabata.
Antagal kong naglakad at nag-isip parang hindi na matatapos.Bigla akong huminto dahil nasilaw ako.Napansin kong nanggagaling sa bukas na pintuan ang liwanag.
Binilisan ko ang pag-akyat.Pagdating sa pintuan naramdaman ko ang sariwang hangin na nanggagaling sa labas.
"Huuuuuu-up,Haaaa. . ." Inhale,exhale.Tinulak ko yung pinto.Biglang-
*Whoooosh!*
"K-kyaaaah!"Sinalubong ako ng malakas na hangin at nilipad ang aking palda.Hindi pa rin nagbabago ang hangin.Bastos pa rin!!! Ilang beses na akong napahiya noong elem dahil diyan.
Pagkatapos kong ibaba ang aking palda,napansin ko ang paligid ko.Nasa school rooftop ko.Ang ganda rito,ang lamig,ang ganda ng view,ang blue ng sky!,ang,ang-
"Waff! waff!"
"H-huh? Anu un?"
Waff,waff? Tumalikod ako,at pagkatalikod ko—
"Kyiii-iiii! Ang cuuuuuuute!" Ba't may tuta dito?Lumuhod ako at nilapitan ung puppy.Golden brown ang kulay ng coat at grey ang mga mata,ang chabaaa pa!Waaah!
"Ba't ka nandito? Ang cute cute mo!"
Lumayo yung tuta sa akin."Uy,wait!Saan ka pupunta?".Pumunta yung tuta sa likod ng isang storage room.Banda run sa silong.Sinundan ko naman.Sabagay,medyo mataas na rin yung araw.Silong muna ako.Pagkakaliwa ko sa pader nakita ko yung tuta.
Nakahiga.
sa
tiyan
isang
lalake. . .
"Eeeeep!" Pagka-eeeep ko sabay takip sa bunganga at
unting
unting. . .
umatra—"W-whaaa!"
*THUD!* Hindi ko nakita yung nakakalat na bote ng nestea,natapakan ko at nadulas ako (ULI)
Nooooo! Yung pwet ko nanaman!!! Pang-ilan na to?Ala panu ngay kung may BUTT CANCER?! Ala sana wag naman.
"Ar-aray" Sabi ko habang sinusubukan kong tumayo.Nang biglang may nagsalita.
"Hoy tongek,
pantie mo kita. . ."
"Waff! waff!"
★☆★☆★☆★☆★
"K-Kyaaaaaaaa!" Sumigaw ako.
I
just
met
a
rooftop
jerk.
☆★☆End of Chapter★☆★
Author's note: (*¯︶¯*)
Wahahaha!XD How was it? Okay lang ba? Sabi ko some words in english tas biglang ang dami! Aha Gomene! hihi. . .≧﹏≦
Thinking of what will happen in the second chapter.haha Pervert Alert! XD Medyo dragging pero galingan ko na lang sa next chapter.
Do you guys know what PANTSU means? Ahahaha kung alam niyo magtawanan tayo XD
Pasensya na sa mga title ko.New to all this,i'll just pick random stuff from my story and display it as the title.XP
Please Vomment meeen! haha
vote and comment lol hindi vommit.
Sige sige.Hope you enjoyed it.Bye~
[•﹏•]
█ ◁◁◁◁◁Diiish isssh miiii! XD
BINABASA MO ANG
Surviving M. Academy(Under Renovation Peace!)
HumorWas passing the Assessment Tests worth it ? Kung ikaw ay yung taong nasanay sa simple,at bigla kang napunta sa mundo ng mga mayayaman.Kakayanin mo ba? Would you. . .SURVIVE ? *Story is currently being re-written to connnect ideas more smoothly. I'll...