Chapter 05: The Click of a Camera

188 5 11
                                    

♡♥♡♥♡♥

"Hmmm. . .delete? oh save?"

♡♥♡♥♡♥

Tinulak ko si Fillanoma papalayo.Pagbagsak niya sa sahig maririnig mo yung *Thug!* Hindi ko talaga sinasadya!!! Nagulat ako eh!

"Ar-arooooy! What thuh! -sakit nun! Ou-tssss. . "

Pagka-*thug* niya nagising siya.Minamasahe ang nauntog niyang ulo.

Kyiiiieeee patawad hindi ko sinasadya!!!

Minumukaan ko yung lalakeng nag-picture sa amin.Si Aaron? Hindi masyadong matangkad at ang lalim ng boses.Kumikinang iphone niya sa araw.Kailangang ma-delete yung picture na yuuuun!

Nanggagaling yung sinag ng araw sa likod niya,kaya ang hirap niyang mamukaan.Itim lang makikita mo,dahil shadowed ang mukha niya.Nung umalis siya sa tapat ng liwanag.Nakilala ko na siya.

Oh no. . .

"Nagtataka ako kung nasaan nagpunta ang dalawang estudyante ko,eh nandito lang pala.

Nagde-date?"

S-si. . .si Sir Rey.

♣♧♣♧♣

Nagiging blonde buhok ni Sir pag nasisinagan ng araw.Waaaah!Hindi ngayon ang tamang oras para dito.Lalo na at galit si Sir.Sir huwag kayong magalit!Nawawala pagka-20+ niyo,nagmumuka kayong matanda!

Lumingon ako sa katabi ko.Hindi pa rin natanggal antok niya.Nagkakamot pa rin ng mata! Hindi ka ba kinakabahan?!

"Kayuuung dalawa. . . ."

Lumapit si Sir sa amin.Nanlaki mga mata ko sa likod ng aking bangs.Ganun din kay Fillanoma.I sense a very deadly intent.Oh snap!

"AAAAAAAAAAAAAHHHHHH!!!"

Alam mo yung sigaw sa mga horror movies? Saktong sakto naming nakuha!Nag-echo ang kahirapang nararanasan namin sa buong rooftop.

"AR-RAAY!" sigaw niya,

"Kyiiie-ah-ouch!" iyak ko.

Parehas kaming napasigaw ni Fillanoma sa kurot ni sir (sa tenga paman din).

Hinila kami ni Sir sa tenga habang sinesermonan!!!

"Ang lakas din ng loob niyong laktawan ang klase ko ah . . .

first year pa lang kayo,ganyan na ugali niyo

tsk tsk tsk. . . "

Sabi ni Sir Rey while effortlessly detaining us by our ears.Ang sakiiiiiit!

( Fillanoma: Arooy! Tch! Sir Bitaw!

Esther: waaaah! )

Biglang nag-appear yung tuta sa harap namin.

"Waff! waff!"

Awww sinusubukan kaming iligtas ni puppy.No puppy! Run while you still can!

Nagulat si Sir sa nakita niya.

"Bakit may A-. . .may Ah-As. . .ah

Aaaah-choooww ! ! ! A-a-achooo!"

"Ilayo niyo nga yang a-choo! Bakit may Achoo! "

Tumakbo yung tuta patungo kay Fillanoma.Kinarga niya naman ito.Bakit ayaw mo sa akin eh mas mabait naman ako.

Hindi na tumigil sa kaka-Achoo si Sir.Naalis kapit niya sa tenga namin.Sabay 'whew' noong naramdaman na naming nabawasan ang sakit.

Allergic pala si Sir sa aso?Kawawa naman.Pero mas kawawa kami.Kumikirot pa rin tenga ko.

♣♧♣♧♣

Surviving M. Academy(Under Renovation Peace!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon