Prologue

412 1 1
                                    

[EXO] Wolves in the City

Prologue

"Hoy Chanyeol! Dito mo isipa!" sigaw ni Kris. "Argghh!" pagalit na dugtong nito dahil sa maling direksyon nasipa ni Chanyeol ang bola imbes na sa kanya.

"Sorry hyung! Hindi ako masyado marunong mag-football eh!" sigaw naman ni Chanyeol pabalik.

Nandito ako sa football field ngayon kasama ang labing dalawang nagga-gwapuhang nilalang na ito. Kung titingnan sila, mukha silang mga anghel at mga isip bata naman kung makikilala mo na sila ng lubos.

Ngunit sa kabila ng maaamo nilang mga mukha ay may kakaibang nilalang ang sa kanila'y mayroon.

Mga nilalang na may asul at mapupulang mga mata. Sila' y mga mababangis na lobo. Tama, mga mababangis na lobo. Kaya nilang mag-iba ng anyo kung gugustuhin nila, ngunit ito'y sa pagsapit lamang ng gabi.

"Ayan nanalo tuloy sila Luhan! Ikaw kasi eh!" pagmamaktol ni Chanyeol dahil ang grupong natalo ay manlilibre ngayon ng lunch.

"Anong ako? Sino bang tanga-tanga diyan? Tsk." sagot naman ni Kris.

Sa grupo ni Kris sa football ay sina Chanyeol, Baekhyun, Suho, Chen, at Lay. Sa grupo ni Luhan ay sina Sehun, Tao, Xiumin, Kai at Kyungsoo.

Bakit ko nga ba sila kasama? Mahabang kwento, napaka-habang kwento sa totoo lang.

"Hoy Iris! Halika na! Manlilibre na sila Kris! Wahaha!" sigaw ni Kyungsoo.

*sigh* Mukha talaga silang mga bata kung kumilos. ╮(─▽─)╭ Masaya ako at nakilala ko sila.... ngunit may mga bagay na sa kabila ng pagkakaroon ng mapayapang pamumuhay ay may kapalit na sakit at pighati na kailan man ay hindi ko akalaing mangyayari sa akin.

-

(Note: Alam ko matagal na yung Wolf era, pero gusto ko gumawa ng sarili kong version ng Wolves kaya ginawa ko 'to. Hehe.)

[EXO] Wolves In The CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon