Chapter 10: "Thank you..."

52 1 0
                                    

Chapter 10: "Thank you..."


Chanyeol's POV


"Waahhhh... AYOKO!" Nagulat naman sila sa pagsigaw ko.


"Oh Chanyeol hyung? Anong problema mo at may pasigaw sigaw ka pa diyan?" Tanong sa akin ni Sehun. Ay napalakas ba? Hehe.


"Ah.. Hehe.. Ano kasi.. Sigurado ba kayo diyan sa balak niyo? Hindi ba mukhang mahihirapan tayo sa siyudad?" Sabi ko. Totoo kaya! Ayokong manglimos! Huhu. (ㄒoㄒ)


"Yun din ang nasa isip ko. Pero wala naman na tayong ibang pagpipilian eh, o baka naman gusto niyo na lang talaga umasa ng umasa kay Iris?" Tanong sa amin ni Xiumin hyung.


Siyempre ayaw ko naman umasa lang kay Iris noh!


"Mga lalake tayo hyung, siyempre ayaw naman nating lahat na umasa lang sa babae." Sagot ni Lay hyung. Hoy hindi lang basta babae si Iris noh! Hihi.


"Kung ganun anong pasya niyo?" Tanong ulit ni Xiumin hyung.


"Kakausapin ko si Iris kung pwede niya tayong matulungan sa bagay na 'to." Sabi ni Kai na kararating lang.


"Oh Kai. Nandito ka na pala! Tara dito ka!" Sabi ni D.O at tumabi naman sa kanya si Kai.


Alam niyo idol na idol ko talaga 'yang si Kai. Ang astig astig niya kasi eh! Kahit ako hindi ko makuha kung paano ba niya napapanatili yung palagi niyang malamig na aura sa iba. Hehe.


"Chanyeol! Huy Chanyeol!" Nagulat naman ako dito kay Baek na may sinasabi pala.


"Oh bakit Baek?"


"Tinatanong ko kung gusto mo bang maghanap ng ikabubuhay sa siyudad? Ikaw na lang yung hinihintay na huling sumagot oh." Ah 'yun pala 'yun.


"Siyempre kung saan kayo doon din ako. Hihi." Sagot ko naman.


"Mabuti naman kung ganun, bukas na bukas ihanda niyo na yung mga mahahalagang gamit natin." Sabi ni Xiumin hyung.


"Waahhh! Kinakabahan ako!" Biglang sigaw ko.


"Ayos lang 'yan. Kailangan nating tumayo sa sarili nating mga paa." Sabi ni Suho hyung sa akin sabay tapik sa balikat ko.


-

Iris' POV


"ANO!? Magtatrabaho kayo sa siyudad!?" Tanong ko kay Kai through telepathy habang nakapikit. Feeling ko nga magkasalubong na yung kilay ko ngayon eh.


"Tch. Tutulong ka ba o hindi?" Tanong niya na mukhang naiinis na.


"Eh ba't parang ikaw pa galit?" Tanong ko pabalik. (¬_¬) Akala niya siya lang marunong magsungit ha.

[EXO] Wolves In The CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon