Chapter 7: "Nobody knows..."
Iris' POV
"Iris, may mga nakikita ka bang kahina-hinala sa lugar niyo o sa eskwelahan o kung saan man?" Paunang tanong sa akin ni Suho. Meron ba? Hmmm..
"Wala naman, bakit?"
"Mabuti naman kung ganun. *sigh* Ipapakita namin sa'yo ngayon ang libro ng propesiya." Sabi ni Suho at may kinuha siyang lumang libro na naging kulay brown na sa sobrang katagalan. Mukha ngang mapupunit na yung mga page nun eh. (¬_¬)
"Oh bakit ganyan itsura niyan?" Tanong ko, curious eh.
"Ilang daang taon na rin kasi 'tong libro na 'to eh. Minana pa namin 'to sa mga naunang naging mandirigma ng lahi namin." Pagpapaliwanag ni Suho. Ohh, hundred years na pala yung libro na 'yun. Nice!
"Eh bakit nasa inyo 'yan? Ninakaw niyo? Haha!" Pagbibiro ko naman. Uh-oh, mukhang hindi sila natuwa.
"Ganito kasi yun Iris..."
(Flashback)
Suho's POV
"Pinunong Min, sa tingin namin may mga binabalak na masama sila Minho." Sabi ni Luhan kay Pinunong Min dahil dinalaw namin siya makalipas ang ilang araw na siya'y nagkasakit. Pagkakataon na rin ito para maisiwalat ang mga maaaring maging hakbangin nila Minho.
"Anong ibig mong sabihin aking magiting na mandirigma? Sa tingin ko nama'y ginagawa niya ang lahat para sa katahimikan ng aking nasasakupan." Sabi ni Pinunong Min habang kami naman nadismaya dahil nabubulag siya sa mga ipinapakita ng grupo ni Minho.
*sigh* Hindi maganda 'to. Wala kaming kahit anong alam sa mga iniisip ni Minho.
"Narinig ko pong kinakausap niya si Onew, ang sabi niya'y malapit na siyang maging pinuno ng iyong nasasakupan." Sabi ni Tao sa kanya.
Bigla namang kumunot ang kanyang noo at mukhang hindi siya naniniwala sa amin.
"Gumagawa lamang kayo ng istorya! UMALIS KAYO SA HARAPAN KO NGAYON DIN! Hindi magagawa ni Minho ang mga sinasabi niyo!" Sigaw sa amin ng aming pinuno na ikinagulat namin.
"Maniwala po kayo! Totoo po ang sinasabi namin!" Pagmamakaawa ni Chanyeol kay Pinunong Min ngunit hindi talaga siya naniniwala sa amin.
