Chapter 13: "WHAT!?"
Xiumin's POV
Arrggghh! Ang hirap naman ng ganito! >_<
"Ang mga pamilya natin ay nasa maayos na kalagayan kaya't wala tayong dapat ipag-alala sa kanila." sabi ni Kai.
Sus, may mabuting budhi pa pala si Minho, kasi kahit papaano walang nangyaring masama sa pamilya namin kahit na umalis kami sa lugar namin. Phew.
"Pero si Eri..." dugtong ni Kai.
"Pwede ba Kai, magpahinga ka na muna. Bukas na natin pag-usapan 'yan." sabi ni Suho na parang naiirita. Problema niya?
"Sige na Kai, pumunta ka na sa kwarto mo." utos naman ni Kris sa kanya kaya wala na rin siyang ibang nagawa kundi ang sumunod. Ilang segundo ang lumipas ay sinundan siya ni Kyungsoo sa kwarto nila. Bale kasi anim yung kwarto dito kaya ayun share share kami. Hehe.Kami ni Chen yung share sa kwarto at siyempre masaya. ^_^Haayy. Mababayaran din namin si Iris sa lahat ng tulong niya. Paano? May plano kaming malupit. Hoho.
-
(The next day...)
Iris' POV
"Sweetie, parang may naririnig akong kausap mo kagabi sa kwarto mo. Meron ka bang kasama?" tanong sa akin ni Mama habang nandito kami sa dining table at sabay sabay na kumakain ng breakfast.
Phew. Relax Iris. Relax. Huwag mong ipahalatang meron nga. Pfft.
"Wala naman po Ma. Baka yung T.V lang yun." sabi ko sabay subo ng fried rice at piece of egg.
Mukha namang naniwala si Mama kasi ipinagpatuloy na lang niya ang pagkain niya.
Oh. Little liar in the town. -__-
-
Eri's POV
Tch. Ang sakit pa rin ng pagkakasuntok sa tiyan ko ng hinayupak na tagabantay na 'yun.
(Flashback)
"Oh ayan, magsawa kayo!" sigaw ko sa limang tagabantay na nakatoka sa pag-iimbak ng mga lamang loob na nakolekta namin. Hinagis ko ang mga lamang loob na nakuha ko doon mismo sa harapan nila. Tch. Alam ko namang kakainin din nila yung iba diyan kaya magsawa sila.
"Teka, teka! Bakit ang konti lang ng mga 'to!?" pabalagbag na sigaw ng isa sa kanila nang maka-talikod na ako.
"Wala ng iba eh. 'Yan lang ang nakayanan ko kaya pagtiyagaan niyo na lang." walang gana kong sagot sa kanila habang naglalakad papalayo.
"Aba't sasagot ka pa ah!" sigaw niya sa akin at hindi ko namalayan na nakapunta na siya sa harap ko.
Anak ng! Nagbago ang kulay ng kanyang mga mata at dun ko na lang namalayan na papunta na sa direksyon ko ang kanang kamao niya na diretso sa tiyan ko.
"Ugh!"
"HAHAHA!" tawa nilang lima nang makita nila akong nakahiga sa lupa at namimilipit sa sakit.
Arghh! ASAR! ASAR!
(End of flashback)
-
"Oh inumin mo 'yan, makakatulong 'yan sa pag-kawala ng sakit na nararamdaman mo." sabi ni Key sabay abot sa akin ng isang inumin na may mga nilagang dahon.
"Ano bang ginagawa mo dito? Lumayas ka nga sa harap ko." sabi ko sa kanya. Tch. Papasok pasok kasi dito sa silid ko ng walang pahintulot eh.
"Sus, 'di ka na nasanay." sabi niya ng natatawa.
Anong akala niya sa amin, mga bata pa? Marami nang nagbago kaya huwag siyang umastang parang katulad pa rin ng dati ang samahan namin pati ang pakikitungo ko sa kanya.Ka-grupo siya ni Minho at hindi ko kayang pagkatiwalaan siya lalong lalo na ngayon na alam kong sakim ang mga ka-grupo niya. Tch.
"Hindi ka talaga aalis dito?" seryoso kong sabi sa kanya sabay kuha ng matalim kong punyal na nakatago sa loob ng damit kong gawa sa balat ng hayop.Mukha namang nagulat siya kasi nanlaki ang mga mata niya.
"Ha- ha! Oo na aalis na nga oh." sabi niya at dire-deretsong lumabas sa aking silid na gawa pa sa pinag-tagpi-tagping troso. Ngumiti muna siya sa akin bago tuluyang makalabas ng silid ko.
Ang tamis ng mga ngiti niya pero nasisiguro kong sa likod ng mga ngiti na 'yun ay may nakatagong demonyo na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung matatanggal pa ba. Kailan ba siya magbabalik sa dating siya?
-
(Nightwoods High Oval Field)
Iris' POV
"Huhuhu! Iris sorry na kasi!" sabi niya sabay habol sa akin. Anak ng! "Ang bango kasi ng pabango mo kaya inamoy kita! Huy sorry na!" pagmamakaawa niya. Tch.
Nagjo-jogging kami na kasama sa daily routine kapag P.E Class. At kung sinuswerte ka nga naman talaga, kasabay ko pa sa time 'tong class ni Taemin.
Atsaka ba't ba siya nagsosorry? Nakalimutan ko na nga 'yun eh.
"Oo na, manahimik ka lang." sabi ko habang patuloy pa rin sa pagtakbo tapos siya nakikisabay sa akin. Bahala nga siya diyan.
Ipinagpatuloy ko ang pagtakbo ko kahit na asiwang asiwa na ako sa kasabay ko. Sino pa ba?Eh di si Taemin. Ba't ba ang kulit niya? Mabuti na lang hindi ko siya classmate eh, kasi 'pag nagkataong kaklase ko siya, aba ewan na lang. -_-
-
Hanggang sa matapos ang P.E. class ay nakabuntot pa rin sa akin ang isang 'to.
"Oh, huwag mo sabihing hanggang shower room ng mga babae susunod ka sa akin?" tanong ko sa kanya.
Mukha namang natauhan siya kasi bigla na lang siyang nagulat na nasa tapat na pala kami ng girl's shower room kaya yung mga babaeng naka-towel lang ayun kinikilig. Tch.
"Ah- hehe. Hi girls!" sabi niya sabay ngiti sa kanila. Ako naman napairap na lang sa kalandian niya. "Bye iris." he mouthed to me na lalo kong ikinainis.
-
Suho's POV
"Suho-sshi!!!! Waahhh! Si Sehun nawawala!" nagulat kaming lahat sa sigaw ni Luhan.
"ANO!?" sabay sabay na sigaw naming lahat. Wow, koro pa talaga kami?
"Paggising ko kasi wala na siya sa tabi ko eh. Huhu. Eh lagi naman siya nagpapaalam sa akin kung aalis siya at pupunta kung saan." sabi ni Luhan ng medyo nag-aalala at kinakagat na ang mga kuko niya sa pag-aalala.
"Hanapin natin siya." sabi ni Kris na dumeretso papunta sa labas ng ipinarenta sa aming bahay.
Hala! Saan naman kaya pupunta si Maknae? Eh hindi naman niya kabisado ang pasikot-sikot dito sa siyudad eh. Hayyy. Pasaway talaga oh.
(To be continued...)
Please vote & comment. ^_^
