Chapter 11: "Shh... Everything's alright."

49 0 0
                                    

Chapter 11: "Shh... Everything's alright."


Iris' POV


"Ayos lang ba kung dito kayo?" tanong ko sa kanila.


Dinala ko kasi sila sa isang apartment na maliit lang pero kasya naman silang labingdalawa.


"Ayos na sa amin 'to. Hindi naman kami maaarte eh. Haha." sabi ni Chen.


"Akala ko aarte pa kayo eh. Haha. O siya sige, pumunta na lang kayo kay Jhon bukas. Siguro naman alam niyo na papunta doon noh. Tsaka pala, kung may kailangan kayo o may problema man, tawagan niyo lang ako." bilin ko sa kanila. Nanay na nanay lang eh noh?


Tumango naman silang lahat maliban kay Kai. Tch. Ano na namang problema niya?


Binilhan ko sila ng phone, para kung may in case of emergency man, matatawagan nila ako. Tinuruan ko na sila gumamit ng gadgets kaya siguro naman alam na nila gamitin yun. Mas maganda kasi kung may koneksyon ako sa kanila, hindi lang kay Kai using our telepathy.


Nagpaalam na ako sa kanila at naghanap na ng taxi para makauwi na sa Nightwoods. Wooh! Malapit na mag-gabi pero hindi ko na hinayaang ihatid pa ako ni Kai pauwi kasi kailangan niya ng pahinga, kailangan nila ng pahinga.


-


"Sweetie, pwede bang paki-explain lahat ng 'to?" pambungad ni mama pagkadating ko. Uh-oh. Hawak ni mama yung listahan ng debt ko.


"Ah- hehe. May- may charity po akong tinutulungan ngayon. Tama! Charity po! Hehe." naka-smile kong sabi kay mama.


Si papa at kuya andun sa sala habang nanonood ng basketball. Buti naman si mama lang yung nakapansin ng pagdating ko. Double kill ako nito pag nagkataon.


"80k in just three weeks? Para sa charity?" tanong na naman niya.


"Ma, bukas ko na lang ieexplain lahat ok? Pagod po ako ngayon. Nag-dinner na rin po ako sa labas. Sige po, goodnight." tuloy tuloy kong sabi kay mama at dere-deretso akong umakyat.


-


Pagkapalit ko ng damit ay humilata ako agad sa malambot kong kama.


Ah! May KitKat pala ako sa bag ko na sa pagkakaalala ko binili ko kanina pagkalabas ng fast food chain ni Jhon.


Kinuha ko kaagad yung paborito kong KitKat sa  bag ko at masayang kinain yun, buti din pala may bottled water ako dito. Pfft. Alibi ko lang talaga kay mama yung pagsasabing nag-dinner na ako. Hahaba pa kasi ang diskusyon eh. Sorry Ma.


Grabe na pala yung nagastos ko sa kanila. Almost 80k? IN THREE WEEKS!? Geez.

Pero gaya nga ng sabi ko, gusto kong tumulong sa kanila. Siguro nga medyo matagal na sa akin ang kalahati ng sphere ni Kai, kaya naman ayokong pabayaan siya, ayokong pabayaan sila.

[EXO] Wolves In The CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon