Chapter 9: "Why are you staring at him like that?"
Iris' POV
"Huhuhu. Oo nga eh! Wala naman talaga kaming masamang ginawa eh!" Sabi ni Luhan.
Umiiyak kaming dalawa na parang mga bata dito sa kinauupan namin. Huhuhu. Eh sa nakakalungkot yung nangyari sa kanila eh. ಥ_ಥ Tapos si Chanyeol din naki-iyak na rin sa aming dalawa ni Luhan.
"Uwaahhhhh!!!" ╥﹏╥ Iyak naming tatlo at nagyakapan na parang mga batang ninakawan ng candy.
Nagulat naman kaming tatlo ng biglang sumulpot si Kai sa gitna namin ni Luhan. Ano namang problema nitong lalakeng 'to? (¬_¬)
"Para kayong mga tanga! Tsk. Tara na ihahatid na kita." Sabi niya ng wala man lang emosyon.
"Eh hindi pa tapos yung kwento ni Suho at Kris eh!"
"Gusto mo bang gawin ulit natin yung ginawa natin sa kakayuhan?" Tanong niya sa akin ng naka-smirk.
O_O
"Hoy Kai! Anong ginawa mo kay Iris!?" Tanong naman ni Baek na gulat na gulat.
"W-wala yun! Haha-ha! Tara na Kai! Ihahatid mo pa ako diba? Tara na!" Sabi ko na lang. Naka-move on na ako tapos ipapaalala pa niya. Tch.
-
"Sige magpahinga ka na." Sabi ni Kai ng nakatalikod sa akin matapos niya akong ihatid sa veranda ko. Tch. Sabi ko nga sa kanya sa pinto na ako dadaan eh. Pero nabuhat niya kaagad ako at mabilis na naiakyat dito.
"Salamat... Kai. Pakisabi na rin kay Chen at Xiumin maraming salamat sa pagbabantay dito." Sabi ko ng sincere.
Mabilis siyang tumalon paibaba at ako naman dumiretso na sa kwarto ko para magpahinga.
*sigh*
Ang libro ng propesiya. Sabi nila ang babaeng may marka ng buwan ang makakasama ng labindalawang imortal.
Sigurado ba silang ako 'yun? Eh sa tingin ko naman may iba pa diyang mayroon ding marka ng buwan sa kamay eh. *sigh*
-
(The next day: @Nightwoods High)
"Hello Iris!" Biglang sulpot netong Taemin na 'to sa harap ko. Break time ngayon kaya malamang karamihan ng estudyante nandito sa cafeteria.
Hindi ko lang alam kung bakit sa dinami-dami ng tao dito, ako pa yung napagtripan nitong lalakeng 'to ngayon. Geez.
"Ui... Ba't hindi ka namamansin? Binilhan kita ng apple oh!" Sabi niya tapos inaabot yung hawak niyang apple sa akin. Tch.
