Chapter 8: "Hyung, where's the book?"
(Flashback)
Suho's POV
"Sumunod kayo sa akin, mga butihing mandirigma." Sabi ni Propesor sa amin at sinundan namin siya pababa ng lagusan. Tanging lampara lang ang nagbibigay liwanag dito sa dinadaanan namin.
Mahabang hagdan ang kumukonekta pababa kaya nakakamangha talagang pagmasdan na may ganito palang nalikha ang mga katulad naming imortal.
"Wow! Ang ganda naman dito! Propesor bakit may nakatago palang silid dito sa lugar natin na hindi namin alam?" Tanong ni Xiumin dala ng kuryosidad. Sa tingin ko lahat naman kami ganyan din ang tanong.
"Para sa mga pinagkakatiwalaan lang na hukom ng pinaka-nakatataas na pinuno ang maaaring makapasok dito. Pili lang ang nakakaalam nito kaya't maswerte kayo at kayo ang kasama sa aking mga napili." Pagpapaliwanag ni Propesor.
"Propesor ano po ang ibig niyong sabihing napili?" Tanong naman ni Lay.
"Sa nakikita ko sa inyo, sapat naman na ang dedikasyon niyo para maging katiwala na rin ng sikretong lugar na ito." Sabi niya.
"Waahhh! Talaga propesor!? Huhuhu. Salamat po!" Sabi ni Chanyeol na kunwari umiiyak. Pfft.
"Nandito na tayo mga bata." Sabi ni Propesor at nilapag na niya ang lamparang hawak niya.
Whoa! Ang... ang daming libro dito! Nakakalula sa sobrang dami!
"Wooow!" Sabay sabay naming sabi sa nakikita naming gabundok na babasahin sa harapan namin ngayon.
"Mukhang manghang-mangha kayo sa nakikita niyo ha? Mahilig kasing maglimbag ng mga libro ang mga nakaraang mandirigma at mas nakatatanda kaya't marami talagang babasahin ang nasa silid na 'to." Sabi ni Propesor.
Si Lay ang unang lumapit sa mga librong nandito at naghanap siya ng kung anong babasahin niya.
"Mga herbal at natural na panggagamot?" Sabi ni Lay ng buklatin niya ang isang librong nakuha niya. May naka-pintang mga halamang gamot ang librong hinahawakan niya kaya't mukhang pang-medisinal nga ang libro na 'yun.
Si Xiumin naman ang sumunod na kumuha ng libro at ang kanyang napili ay ang may naka-pintang maliit na bata sa unahan.